Chapter 5

4.3K 52 2
                                    

Angel's P.O.V.

Kanina pa ako tutok sa laptop ko. Tinitingnan ko ng maayos kung kumikita ba ako ng mas malaki ngayong buwan kumpara sa nakaraang buwan. Mayroon akong maliit na computer shop. Lima pa lang ang PC na mayroon ako pero maayos ang kita ko. Dalawang buwan pa lang bago kami nagsimula ng business partner kong si Cherry. Classmate ko noon si Cherry . At kung kailan dalawang taon na lang ay hindi na s'ya kayang paaralin ng mga magulang n'ya dahil nabaon ang mga ito sa utang. At dahil sa nangyari, nagtrabaho s'ya sa isang call center company at nag-ipon. Nitong mga nakaraang buwan pa lang ay naisipan namin na maging business partner para sa computer shop dahil medyo malakas ito sa lugar nila. Nag-invest kami pareho hanggang sa nasimulan na namin ang aming computer shop. Maayos naman ang kinikita namin at nakikita kong hindi kami nalulugi. S'ya ang kasalukuyang nagbabantay doon at pumayag naman s'ya na tapusin ko ang pag-aaral ko. At kapag mas lumaki pa ang kita namin ay balak namin itong palawakin.

"Tutok na tutok ka d'yan." Sabi ni Kio na kasalukuyang kumakain ng tanghalian sa tapat ko.

Pinatay ko na ang laptop ko. "Hindi na masama." Sabi ko at pagtukoy sa maliit na business namin ni Cherry.

"Proud best friend here." Aniya. Halatang alam na alam n'ya kung ano ang tinutukoy ko.

"Kailangang kumita." Sabi ko at kinuha ang burger na binili ko.

"Baka kapag yumaman ka ay hindi mo na ako kilala." Sabi n'ya.

Kinunutan ko s'ya ng noo. "Mas mayaman ka sa'kin." Sabi ko at kumagat ng burger.

"Ang mga magulang ko ang mayaman. Pero ako ay hindi." – S'ya.

Hmmm.

"Kikita ka rin ng sarili mo kapag may trabaho ka na." Sabi ko.

Nagkibit-balikat s'ya. "Sabagay."

Pero kung ako ang tatanungin, ayaw kong mag-trabaho habang buhay. Siguro ay magta-trabaho muna ako sa corporate world ng mga iilang taon lang pero hindi habang buhay. Mas gusto ko pa rin na magkaroon ng sariling negosyo. Ang gusto ko ay ako ang boss. Gusto ko na hawak ko ang oras ko. Magpapahinga ako kung kailan ko gusto at walang boss na iniintindi.

'Yun ang gusto ko sa buhay.

At ngayon ay nagsisimula na ako. Sana ay tuloy-tuloy na ito at kumita ng sarili kong pera. Nang sa gayon ay hindi ko na kailangang manghingi sa magulang ko. Si daddy, kahit na alam kong galit sa'kin ay nagbibigay pa rin s'ya ng pera para sa'kin. Binabayaran n'ya ang tuition fee ko at nagbibigay ng allowance weekly. Junior high school pa lang ako ay nagsimula na akong mag-ipon. 'Yun ang hilig kong gawin dati, ang mag-ipon. Hanggang sa tumagal ay nag-open na ako ng sarili kong bank account at doon itinago ang pera ko. Gayunpaman, hindi ko pa rin maiwasan ang mapagastos minsan. Lalo na noong mga panahon na panay ang inom ko dahil broken hearted ako. Noong nakalimot ako ay nagsimula akong manghinayang sa nasayang kong pera kaya nag-part time job ako sa isang fast food restaurant. Noong mga panahon na iyon, doon ko na-realize na ayaw kong mag-trabaho buong buhay ko. Dahil sa mga araw na nagtatrabaho ako, hindi pwede ang palaging absent sa trabaho. Mahirap kasi may mga araw na ayaw mong pumasok pero kailangang pumasok. Kaya naisipan kong magkaroon ng sariling negosyo at hindi ako magtatrabaho habang buhay.

Sabihin na natin na ibang job opportunity ang makukuha ko kapag may hawak na akong diploma. Iba sa naging trabaho ko noon. Pero kapag may trabaho na ako, bawal pa rin ang lumiban sa araw ng duty. Paano kung may mga araw na ayaw kong pumasok? Paano kung gusto kong mag-travel? Bihira ko lang iyon magagawa dahil sa trabaho ko. Noong mga panahon na iyon, gusto ko ay hawak ko ang oras ko. Kaya noong inalok ako ni Cherry na maging business partner ay pumayag na kaagad ako. Aaminin kong kinabahan ako noong una at baka hindi kami kikita pero maayos naman ang kinalabasan sa unang buwan kaya tinuloy-tuloy na namin. Hopefully ay tuloy-tuloy pa rin ito.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon