Chapter 33

976 17 0
                                    

Angel's P.O.V.

Lunch break na at nandito ako ngayon sa canteen. Hindi ko napigilan ang sarili kong kalikutin ulit ang cellphone ko. Hindi ko kayang hindi pakialaman ang cellphone ko. Hindi bale na ang ginawa ko kaninang pag-like ng picture ng ex girlfriend ni Blake. H'wag ko na lang isipin para hindi ko na problemahin 'yun.

"Bahala na nga." Sabi ko at kinalikot ang cellphone ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nandito na si Kio dala-dala ang na-order n'yang pagkain para sa kanya at ang pinasabay ko sa kanya kanina. Hindi namin kasama si Blake ngayon dahil may ginagawa daw ito kaya kami lang ni Kio ang magkasabay ngayon.

"Oh." Nilapag ni Kio sa tapat ko ang nabili n'yang soft drinks.

"Thanks." Sabi ko sa kanya dahil hindi ko naman s'ya inutusang bumili ng soft drinks. Water lang ang pinasabay ko pero binilhan n'ya ako dahil bumili s'ya ng para sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain.

"May tanong pala ako." Sabi ko kay Kio.

"Oh?"

"Nakilala mo ba ang ex ni Blake?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman s'ya. "Oo. Si Ciara lang naman ang ex n'ya."

"Eh 'yung ex mo? Sino?"

"Si Maddie." Sagot naman n'ya.

"Bakit pala kayo naghiwalay?" Tanong ko pa.

"Basta magulo na kami ni Maddie noon." Aniya.

"Eh si Blake at Ciara? Anong dahilan kung bakit sila naghiwalay?"

"Nagkalabuan din yata sila. Kaya ayun naghiwalay sila." Aniya.

Tumango-tango naman ako.

"Pero sa pagkakalaam ko ay may pinagseselosan noon si Blake na lalaki. Friend kasi 'yun ni Ciara. Tapos minsan 'yun ang dahilan ng away nila. Kaya ayun nakipaghiwalay na si Ciara sa kanya dahil sa pagseselos ni Blake." Dagdag pa ni Kio.

"Pero nag-cheat ba 'yung babae?" Tanong ko.

Umiling naman si Kio. "Hindi. Wala lang. Nagselos lang si Blake."

Tumango-tango naman ako. "Paano naman ang sa inyo ng ex mo?"

"Sa amin?"

"Yeah."

"Nagkaroon na kasi ng conflict sa schedule namin pareho kasi hindi naman kami same ng school na pinapasukan. Kaya medyo nawalan na rin kami ng time sa isa't isa. Isa 'yun sa dahilan kung bakit kami naghiwalay na lang."

"Kaya pala."

Napakunot ang noo n'ya. "Bakit mo pala tinatanong?"

Umiling ako. "Wala lang. Natanong ko lang."

Natawa n'ya saglit. "Kumain ka na lang."

"Heto na nga at kakain na."

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at sinabayan naman ako ni Kio. Hanggang sa sabay na kaming natapos.

"By the way, wala ka pa rin bang nililigawan hanggang ngayon?" Tanong ko kay Kio.

Umiling naman s'ya. "Wala pa." Aniya.

"Pero may liligawan ka na ba? I mean, may matitipuhan ka na?" Tanong ko pa.

"Wala pa naman." Aniya.

Muling napakunot ang noo n'ya. "Bakit?"

Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Gusto ko lang itanong kung meron na ba. Kasi ilang taon ka na bang single?"

"Siguro balak mo na magkaroon ng boyfriend." Aniya at pinanliitan ako ng mga mata. Hindi n'ya rin pinansin ang tanong ko kung ilang taon na s'yang single.

"Hindi pa naman." Sabi ko.

"So may balak ka nga?" Aniya.

"Syempre darating din ako sa time na 'yun pero hindi pa ngayon. Hindi ko nga alam kung ready na ba talaga ako o hindi pa." Sagot ko.

"Pero may nanliligaw ba sa'yo?"

Umiling ako. "Wala."

"Talaga?" Natatawang tanong n'ya na para bang ayaw n'yang maniwala.

"Wala nga. Wala rin naman akong kinakausap na lalaki maliban sa inyong mga kaibigan ko." Sabi ko.

"Okay." Aniya at napailing-iling.

Hindi na muna kami umalis dito at nagpahinga saglit hanggang sa naisipan naming magsibalik sa kanya kanya naming room dahil may isa pa akong klase after nitong lunch break at may iilang subjects pa si Kio mamaya.

***

Natapos na rin sa wakas ang klase ko at maaga pa. Naisipan kong umuwi na lang dahil parang gusto kong humiga at magpahinga na muna. Na-mi-miss ko na kasi ang kama ko kaya gusto ko na kaagad humiga doon.

Nandito na si Alice sa bahay kaya naman ay nakapasok na rin ako kaagad. May susi kasi s'ya pero ako ay wala. Dumeretso ako sa kwarto at inasikaso ang sarili saka humiga sa kama. Hindi pa naman ako nagugutom kaya mamaya na ako bababa upang maghanap ng pagkain sa kusina.

Hindi ko alam pero nabitin ako sa pang-i-stalk ko sa ex ni Blake kaya gumawa ako ng dummy account sa instagram at muling pumunta sa profile ni Ciara.

Muli akong pumunta sa pinakababa ng mga post n'ya at nagsimula sa pinakauna n'yang post na picture nila ni Blake.

At simula sa pinakauna ay doon ako nagsimulang mag-scroll pataas sa mga sumunod n'yang post.

Minsan ay picture n'ya ang mga post n'ya pero minsan naman ay silang dalawa ni Blake. Pansin kong iba rin ang ngiti ni Blake sa mga pictures nila noon. Makikita mong sobrang saya n'ya noon na kasama ang ex n'ya. Iba kasi ang ngiti ni Blake ngayon sa mga pictures n'ya. Parang half-smile lang ang ginagawa n'ya ngayon pero dito. Kitang-kita mo ang ganda ng ngiti ni Blake na para bang wala s'yang problema.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Napahinto ako sa post ni Ciara na nakapikit s'ya at nakayakap si Blake sa kanya habang binigyan ito ng kiss ni Blake sa pisngi.

"I swear, never ko pang nakitang naging ganito kasaya si Blake." Sabi ko sa sarili.

I mean, nakikita ko naman s'yang nakangiti ngayon. Nakikita ko namang tumatawa s'ya ngayon. Pero makikita mong ibang iba ang saya n'ya ngayon kumpara noon.

Muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko at muli akong napahinto sa isang picture kung saan buha-buhat ni Blake si Ciara na pang-bridal style. At pareho silang nakatawa na parang abot langit ang saya.

"Kahit pala ay break na sila, hindi pa rin nila binubura ang mga memories nila together. Siguro ay maayos silang nag-usap." Sabi ko sa sarili.

Marami rin naman akong na-upload na pictures namin ng ex boyfriend ko. Pero noong naghiwalay kami ay inisa-isa kong burahin dahil hindi ko kinakaya ang sakit sa tuwing nakikita ko ang pictures namin.

Napabuntong hininga ako at tinigil ang ginagawa ko. Binura ko na rin kaagad ang dummy account na nagawa ko at itinabi ang cellphone. Pumikit ako at hinayaan ko ang sarili ko na makaidlip muna.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon