Chapter 25

1.2K 13 0
                                    

Angel's P.O.V.

7:00 pm na at uwian na. Sumakay ako sa kotse ni Kio dahil pinilit n'ya akong isabay na umuwi sa kanya. Hindi na sana ako sasabay kaso nga lang ay nagpumilit s'ya at hindi raw kaya ng konsensya n'ya na hayaan akong makitang maglakad papunta sa sakayan. Hindi na ako umangal pa at sumakay na lang sa kanya.

"Masasanay ka na pala na umuwi ng maaga n'yan." Sabi sa'kin ni Kio pagkatapos kong ayusin ang seat belt.

"Hayaan mo na." Sagot ko. "Pahinga na rin muna ako sa mga gimik gimik na 'yan."

"Oo nga. Hindi ka na namin makakasama ni Blake kapag magmamadaling araw na naman kaming uuwi." Aniya.

"Ma-mi-miss ko mga gimik pero wala na akong magagawa." Saad ko.

Totoo rin naman. Ma-mi-miss kong gumimik at uuwi ng madaling araw pero parang napuno na rin naman na si daddy sa mga pinaggagawa ko kaya ganito ang ginawa n'ya sa'kin.

"Bibili na lang siguro ako ng alak sa labas tapos sa kwarto na lang ako iinom mag-isa." Sabi ko.

Natawa si Kio sa sinabi ko. "Pwede naman. Vitamins mo pa naman ang alak."

Ewan ko ba. Simula noong natuto akong uminom ay ako na ang nag-aaya minsan sa mga kaibigan ko noon. Dati takot na takot akong mag-first shot pero noong nasubukan kong uminom ay ako na ang unang nag-aaya minsan. Pero ngayon ay kailangan ko na ring pigil-pigilan dahil padagdag nang padagdag ang edad ko at tumatanda na. Baka mamaya ay sa huli pa ako magsisisi. Siguro ay iinom pa rin naman ako pero hindi palagi.

"Ano? Bibili ka ba ng alak ngayon bago ka makauwi sa inyo?" Tanong ni Kio.

"H'wag na muna." Sagot ko. "Ngayon kaagad? Grabe ka naman."

"Wow! Kailan ka pa naging ganyan? Tumatanggi ka na ha." Aniya. "Akala ko ba malakas ka sa alak?"

"Noon 'yun pero nagbabago na ako ngayon." Sagot ko.

Lalo s'yang natawa. "Ul*l! Sinong niloloko mo? Ako?"

"Totoo nga kasi."

Natawa na rin ako, alam kong kahit kailan ay hindi sila maniniwala sa'kin na magbabago na ako. Nasabi ko na rin kasi 'yun dati pero hindi ko naman nagawa at uminom pa rin.

"Humihina na ang kalaban namin sa inuman." Aniya.

"Pasensya na. Magbabagong buhay na kasi ako." Sagot ko.

"Sige sabi mo eh." Sabi n'ya pero halatang hindi pa rin kumbinsido. "Makikipagpustahan na sana ako kaso nga lang baka masayang ang pera mo kaya h'wag na lang. Baka bigla kang manghinayang kapag natalo ka."

"Ang tanong ay makikipagpustahan ba ako?"

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi mo matitiis ang alak." Aniya at tumawa.

Natawa lang rin ako. Maya-maya ay napadaan kami sa isang convenience store.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Nilagpasan mo 'yung convenience store. May bibilhin ako." Sabi ko.

"Ano naman?"

"Edi maiinom. Nauhaw ako eh. Pero light lang."

Napailing-iling s'ya at hininto ang kotse. Kaagad naman akong umalis at pumasok sa convenience store at bumili ng light drinks. Binilhan ko na rin si Kio at baka magtampo. Pagkatapos kong magbayad ay bumalik na ako sa kotse ni Kio at doon uminom. Si Kio naman ay mamaya na lang raw iinom kapag nasa bahay na s'ya nila.

Nagkwentuhan pa kami sa byahe hanggang sa malapit na kami sa bahay ko. Napakunot ang noo ko nang may nakita akong dalawang estudyante na nagyakapan sa hindi kalayuan.

"Kio ihinto mo nga ang kotse." Utos ko kay Kio na kaagad n'ya namang hininto.

Bumaba ako ng kotse at nilapitan ang dalawang estudyante na ngayon ay magkahalikan na. Babae at lalaki.

"Hoy!" Sigaw ko.

Napahinto ang dalawang estudyante at napalingon silang dalawa sa'kin. Gulat na gulat ang kapatid kong si Alice nang nakita n'ya ako.

"Ate?" -Alice.

"Hindi mo ako ate. Ako si mommy mo." Sarkastikong sabi ko.

Nakaramdam naman ng hiya ang lalaking kahalikan ng kapatid ko kani-kanina lang. Ngayon ay nahihiya s'ya samantalang kulang na lang ay higupin n'ya ang kapatid ko ng buhay.

"Wow! Dito pa talaga kayo sa lugar kung saan may makakakita sa inyo at sa lugar kung saan pwede kayong mahuli ni daddy." Sabi ko sa dalawa at pinagkrus ang mga braso.

"Sorry po." Nag-sorry ang lalaking kasama ng kapatid ko.

Mabuti na lang at ako ang nakakita sa kanila. Paano kung si daddy ang aksidenteng napadaan dito at nakita sila. Baka uuwing pilay itong lalaking 'to kapag nagkataon.

Napalingon ako sa kanan ko at nakita kong tumayo sa tabi ko si Kio. Makiki-tsismis na rin yata s'ya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kapatid ko.

"Sino 'yan?" Tanong ko kay Alice.

"Si Nicholas." Sagot ng kapatid ko.

"'Yan 'yung manliligaw mo?" Tanong ko sa kapatid ko.

Umiling s'ya. "Hindi."

"Eh sino 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

Kung friend n'ya lang 'yan ay malalagot talaga s'ya. H'wag na h'wag n'ya akong magaya-gaya na hinahalikan ang mga friends ko.

Ay hindi lang pala hinahalikan.

"Boyfriend ko na 'yan. Sinabi ko lang na manliligaw." Pag-amin ng kapatid ko.

Nilingon ko ulit si Kio. Nagkibit-balikat lang s'ya. Muli kong binalik ang tingin ko sa Nicholas na 'yun. 

Napayuko naman s'ya. "Sorry po." Anito. "Nag-toothbrush naman po ako."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi n'ya o maiinis.

"Ikaw oo. Pero ang kapatid ko hindi." Sabi ko.

"Ate!" Bulyaw sa'kin ng kapatid ko.

Natawa naman si Kio sa tabi ko. "Siraulo."

Wala lang. Trip ko lang 'yun sabihin.

"Pumasok ka na nga doon sa bahay." Utos ko sa kapatid ko. "Dito pa talaga kayo ha."

"Oo na." Inis na sabi ni Alice. Hinarap n'ya ang boyfriend n'ya. "Bye babe. Mag-iingat ka ha."

"Yes po." -  Nicholas.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Malalandi."

"Bitter!" Sabi sa'kin ni Alice at naunang maglakad.

Nilipat ko ang tingin ko kay Nicholas. Halatang nahihiya pa rin s'ya sa'kin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Uuwi na rin po."

"Sige, umuwi ka na." Sabi ko sa kanya. "Mag-iingat ka na lang at baka may makasalubong kang mga siraulo d'yan."

Actually, safe naman sa lugar namin. Tinatakot ko lang s'ya. Para hindi na umulit pa dito.

"Sige po. Nice to meet you po ate." Aniya.

Ate? Ate daw.

Aalis na sana s'ya pero nagsalita ulit ako. "By the way, masarap kang mag-bake ng cupcakes. Sa susunod na gagawa ka ulit, dagdagan mo ng dalawa para matuwa ako sa'yo." Biro ko sa kanya.

"Hehe, sige po alis na po ako." Sabi n'ya at umalis na.

Kunot-noo kong nilingon si Kio. "Hindi man lang pumayag na dagdagan ng dalawa."

Natawa naman s'ya. "Ewan ko sa'yo."

Isa pa 'to. Hindi man lang ako kinampihan.

"Sige na. Umuwi ka na at baka lalo kang matagalan n'yan." Sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na s'yang umuwi at umalis na. Naglakad na rin ako papunta sa bahay. May tatakutin pa ako na kapatid.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon