Chapter 20

1.4K 19 0
                                    

Angel's P.O.V.

Kakauwi ko lang ng bahay at masasabi kong napaaga ako. Wala kasing nag-aya sa'kin na gumimik at wala na rin akong maisip na puntahan dahil puro busy ang mga kaibigan ko. Wala akong choice at umuwi na lang dahil ayaw ko naman na gumala mag-isa. Dati gusto ko laging mapag-isa, noong panahong malungkot pa ako. Kung wala akong kasama noon gumimik, magdadrama akong mag-isa sa ibang lugar.

7:00 pm pa lang at sigurado akong hindi pa tulog sina mommy, daddy, ate at Alice. Pumasok ako ng bahay at kaagad ko naman silang nakita sa sala na nakaupo at kasalukuyang nanonood ng palabas sa TV. Napalingon silang lahat sa'kin pagkapasok ko.

"Saan ka galing?" Tanong kaagad sa'kin ni daddy.

"Sa school po." Sagot ko.

"Napaaga ka yata ng uwi?" Tanong ni mommy. Hindi ko matukoy kung sarkastiko ba ang pagkakasabi n'ya o hindi.

And here we go again.

"Kaya nga po eh." Mahinang sabi ko. Pero malamang ay narinig nila 'yun.

"Pwede ba? Ayoko na makarinig ng mga ganyan dito ha." Sabi ni daddy. Halatang naumay na s'ya sa sitwasyon naming mag-ina.

Ilang taon na kasing hindi maayos ang pakikitungo namin ni mommy sa isa't isa. Pati na rin si ate. Simula noong hindi ako nag-aaral ng maayos at puro gimik ang ganap ko sa buhay.

"Isa ka rin Avery. 'Yang bibig mo isa pa 'yan." -Daddy.

"Oh dad? Nananahimik na nga ako dito kagaya ng sinabi mo 'di ba?" Sagot ni ate.

Hindi pinansin ni daddy ang sinabi ni ate. "At ikaw rin Angel, isa ka pa."

Hindi ako nakasagot. Kapag si daddy na ang nagagalit sa'kin, hindi na ako sumasagot.

"Hindi ka na gagamit ng motor mo. Araw-araw na kitang ihahatid sa school mo simula bukas." -Daddy. "At simula bukas, may curfew ka na. Hanggang 9:30 pm ka lang sa labas."

"Dad naman." Reklamo mo.

Wala namang problema sa'kin kung ihahatid ako at uuwi ako ng maaga as long as hindi ako ginugulo at hahayaan akong manahimik.

"Hindi. Wala." Pinal na sabi n'ya. "Susundin mo ang sinabi ko ngayon. Tigilan mo na 'yang pag-alis mo ng maaga at pag-uwi mo ng gabi na para bang wala kang pamilya na nag-aalala sa'yo. At tigilan n'yo na rin 'yang alitan n'yo sa tuwing nagkikita-kita kayo, ha?" Tumayo si daddy. "IIlan lang tayo dito sa loob ng bahay tapos nagkakasamaan pa kayo ng loob." Aniya at umalis at pumunta sa kwarto nila ni mommy.

Hindi ako nakagalaw kaagad. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Kasi naman si daddy na kausap ko ay iniwan ako dito. Nilingon ko si Alice na ramdam kong nakatingin sa'kin. Pansin kong naka-smirk s'ya. Malamang ay natutuwa s'ya kasi pinagalitan kaming lahat maliban sa kanya.

"Akyat na ako." Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.

Kumuha ako ng damit pantulog ko at pumunta sa banyo. Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis ng damit. Bumalik ako sa kwarto at nagpatuyo ng buhok. Pagkatapos ko ay humiga ako sa kama at kinuha nag cellphone ko. Kaagad kong tinawagan si Blake sa instagram.

"Yow!" Salubong n'ya sa'kin.

Nakita ko sa screen na kasalukuyan s'yang kumakain. Nakaramdam ako ng gutom. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain.

"Ano ang kinakain mo?" Tanong ko sa kanya.

"Rice and sinigang na hipon."

Hipon? Ang sarap naman n'yan.

"Nagluto ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ano ang akala mo sa'kin? Hindi nagluluto?" Aniya.

"Wala akong sinabi. Tinanong ko nga kung ikaw ba ang nagluto n'yan." 

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon