Chapter 46

956 24 25
                                    

Angel's P.O.V.

Naiwan akong tulala dito. Napasandal ako at huminga ng malalim.

"So hindi pa pala s'ya nakaka-move on sa ex n'ya." Mahinang sabi ko.

Kaya pala wala s'yang naging girlfriend after nilang maghiwalay dahil hindi pa s'ya nakakalimot sa ex n'ya. At naghahanap s'ya ng babae na katulad ng ex n'ya. Kaso wala s'yang mahanap.

Pero kahit naman na naka-move on na s'ya sa ex n'ya ay hindi n'ya pa rin ako magugustuhan. Dahil s'ya na rin naman na ang nagsabi sa'kin na hinding hindi ako magiging katulad ni Ciara.

Kahit kailan.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ugali ng ex ni Blake. Pero base sa narinig ko kay Blake, parang magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Siguro sobrang bait ng ex n'ya kaya hindi n'ya ito kayang kalimutan.

Muli akong napabuntong hininga. I guess tama na ang lahat ng narinig ko kanina.

Napatingala ako saglit nang may naramdaman ako. Umaambon na. Ambon lang naman at hindi malakas. Hindi ko rin naman nararamdaman na lalakas ito.

Tinatamad pa akong tumayo kaya hindi na muna ako tumayo. Kanina ko pa naisipang umuwi pero dahil nakita ko si Blake dito kanina at kinausap ko. Heto ako ngayon at parang ayaw ko na umuwi dahil sa mga narinig kong sagot mula sa kanya.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko na naramdaman ang ambon pero nakikita kong umaambon pa rin. Napalingon ako sa likod ko at tumingala upang tingnan kung sino ang lalaking nakatayo sa likod ko.

Kio.

May hawak s'yang payong at pinapayungan n'ya rin ako.

"Kio. Ikaw pala."

"Tumayo ka na nga d'yan." Aniya.

Muli akong umayos ng upo at yumuko. Ilang minuto akong nakayuko at hindi nagsalita.

"Umuwi ka na." Sabi ko kay Kio.

"Lumalakas na ang ulan. Mababasa ka na n'yan."

"Hayaan mo na." Sabi ko.

Hindi ko alam pero nawalan ako ng lakas na tumayo.

"Halika ka na." Pag-aaya n'ya.

Umiling ako. "Mauna ka na nga sabi."

Narinig ko s'yang napabuntong hininga. "Puro ka kasi Blake eh."

Anong Blake? Nakita n'ya ba kami kanina?

"Nakita mo kami kanina?" Tanong ko.

"Oo." Aniya. "Ayaw nga sa'yo 'di ba?"

"Narinig mo?" Tanong ko.

"Medyo." Aniya.

Hindi na ulit ako nagsalita. Hindi na ako nakaramdam ng hiya na alam ni Kio ang pinag-usapan namin ni Blake kanina. Ganoon rin naman dahil sasabihin ko rin naman sa kanya. Wala naman akong ibang pinagkukwentuhan na ibang tao maliban kay Kio.

"Nandito naman kasi ako."

Bigla akong nanigas sa sinabi n'ya. Ano daw?

"Ano?"

"Bakit kasi si Blake pa kung nandito naman ako."

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Tama ba ang naiisip ko o mali lang ako. Medyo malabo pa rin sa'kin ang ibig n'yang sabihin.

"I like you." - Kio.

Tuluyan na akong nawalan ng boses.

"No, I don't like you." Muling nagsalita si Kio. "I love you, Angel."

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon