Chapter 14

2.3K 34 1
                                    

Angel's P.O.V.

Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na ito. Naunang umalis si Kio kaya hindi ko na alam kung nasaan s'ya. Si Cherry naman ay nagmamadaling umuwi dahil nagugutom na rin at magluluto pa s'ya ng kakainin n'ya. Maya-maya ay napahinto ako nang napansin ko ang motor ni Kio sa tabi.

Akala ko ay malayo na s'ya, nandito pa rin pala.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ililibre mo ako?" Tanong n'ya.

Natawa ako sa sinabi n'ya. Akala ko ba ay ayaw n'ya tapos ngayon ay magtatanong s'ya.

"Gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Sige ba. Tara." Aniya.

Ang gulo ng utak n'ya minsan.

"Saan mo ba gustong kumain?"

Nagkibit-balikat s'ya. "Ikaw na ang bahala."

"Maarte ka pa naman. Baka mamaya ang gusto mo pala ay sa mamahaling restaurant." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko pa afford kumain sa mamahaling restaurant.

"Hindi nga ako maarte. Para kang si Blake." Inis na sabi n'ya.

Medyo galit na s'ya.

"O sige. Hindi ka magrereklamo kung saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Hindi nga. Tara na."

Nauna na akong nagmaneho at nakasunod naman s'ya sa likod ko. At dahil nakakaramdam na talaga ako ng gutom ay hinanap ko ang 7/11 na malapit dito. Hindi ko na kaya. Kaninang tanghali pa ako huling kumain at anong oras na ngayon. Lagpas 7:00 pm na. Nararamdaman ko na rin na medyo nanghihina na ako at kailangan ko na ng pagkain na lalamunin ko ngayon.

Nang nakita ko ang 7/11 ay sumaya saglit ang puso ko. Sa wakas ay makakakain na rin ako.

"Hay salamat." Sabi ko sabay tanggal ng helmet.

Sumunod naman na nag-park si Kio na katabi lang ng motor ko.

"Sorry, gutom na ako eh. Kaya dito na lang muna. Babawi na lang ako next time." Sabi ko.

Kinunutan n'ya ako ng noo. "Bakit? Wala namang problema dito."

"Okay good." Sabi ko at pumasok na.

Nagagalit na kasi ang mga alaga ko sa t'yan. Kumuha ako ng rice with giniling, tubig at dalawang donut. Nakapili na rin si Kio ng dalawang sandwich at isang coke saka kami sabay pumunta sa cashier.

"'Yan lang sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman s'ya. "Bakit?"

"Wala lang. Baka kulang pa 'yan sa'yo." Sabi ko.

Sa pagkakaalala ko ay 1:00 pm s'yang pumunta sa computer shop at hindi rin s'ya nagmeryenda. Baka lang ay nagugutom rin s'ya katulad ko.

"Okay na 'yan." Sabi n'ya.

"Sigurado ka ha?" Paninigurado ko.

"Oo nga." Aniya at ginulo ang buhok ko.

Tiningnan ko s'ya ng masama at inayos ang buhok ko. Gulo-gulo na nga tapos guguluhin pa lalo. Ibalibag ko s'ya d'yan.

Kinuha na namin ang binili namin at nainit na rin ang rice with giniling ko. Pumunta kami sa bakanteng table at nagsimulang kumain.

"Ay grabe. Gutom na gutom na talaga ako." Sabi ko.

"Bakit kasi hindi ka kumain kanina ng meryenda?" Tanong ni Kio habang kinakain ang sandwich na napili n'ya.

"Hindi naman ako nagugutom kanina." Sabi ko.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon