Chapter 45

961 23 12
                                    

Angel's P.O.V.

7:00 pm na at nandito pa rin ako sa school. Maaga naman natapos ang klase ko kanina pero dahil may tinapos pa kami ng mga classmate ko para sa isang subject namin ay hindi ako nakauwi kaagad. Ngayon ay pauwi na ako at kasalukuyang bumababa sa building ng course namin. Tapos naman na kami at wala na rin akong ibang gagawin. Gabi na rin at siguro ay kailangan ko na rin na umuwi. Nang napadaan ako sa madalas kong tinatambayan sa umaga dito sa school grounds ay napahinto ako nang napansin kong nakaupo si Blake doon.

Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero kaagad ko s'yang nilapitan at umupo sa tapat n'ya. Bahagya s'yang nagulat sa ginawa ko.

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya.

Hindi man lang muna ako binati pabalik bago ako tanungin kung ano ang ginagawa ko dito. Kumusta naman 'yun?

"Bakit? Bawal na ba ako dito?" Tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi ay estudyante rin ako sa school na 'to kaya siguro naman ay may karapatan akong umupo dito.

Umiling s'ya at umiwas ng tingin.

"So..." Muli akong nagsalita. "Kailangan talaga akong i-unfollow? At kailangan rin ba na naka-unfollow ka na sa'kin?" Tanong ko sa kanya.

Muli s'yang napatingin sa'kin. Halatang nagulat s'ya sa tanong ko. Hindi n'ya siguro alam na alam kong naka-unfollow na kami sa isa't isa at s'ya ang may gawa ng lahat na 'yun.

Oo Blake. Alam na alam ko.

Hindi s'ya nakapagsalita.

"Medyo naguluhan lang kasi ako eh. I mean, bakit kailangang ganoon? Like wala ba talaga tayong pinagsamahan noon?" Hindi ko s'ya titigilan hangga't hindi ko naririnig ang mga bagay na gusto kong marinig mula sa kanya.

"Hindi ko kasi kaya na maging kaibigan mo pagkatapos mong umamin na gusto mo ako." Aniya. "Pakiramdam ko kasi ay mali ko."

"Paano ngang naging mali mo?" Sabi ko. "Ako naman kasi ang nagkagusto."

Hindi s'ya nakaimik. Bakit n'ya ba sinisisi ang sarili n'ya? Dahil ba sa mga naging kilos n'ya sa'kin? Dahil ba kung paano n'ya ako tratuhin bilang isang kaibigan? Na dapat hindi s'ya ganoon sa'kin dahil doon ako na-fall sa kanya? Hindi n'ya naman kasi kasalanan. Kasi ako naman ang nagbigay ng malisya ng lahat. Na baka gusto n'ya ako kaya iba ang trato n'ya sa'kin kahit na hindi naman, o kahit na wala naman talagang ibig sabihin ang lahat ng iyon.

"Magsalita ka naman. Para naman akong tanga dito mag-isa." Sabi ko sa kanya.

"Sinabi ko na nga 'di ba? Hindi na kita kayang maging kaibigan. Hindi ko na alam kung paano kita pakikitunguhan lalo na't nagkagusto ka sa'kin. Maiilang lang ako sa'yo kasi hindi naman kita gusto." Aniya.

Hindi ako nakaimik kaagad sa sinabi n'ya. Talagang hindi n'ya ako gusto at ayaw n'ya sa'kin. Pero ano ba ang meron sa'kin at bakit hindi n'ya ako magugustuhan?

"Sige nga, sabihin mo nga. Bakit mo nasabing hinding hindi mo ako magugustuhan?" Tanong ko.

Napakunot ang noo n'ya. Halatang hindi n'ya nagustuhan ang tanong ko. Sino ba naman kasi ako para itanong 'yun sa kanya. Naging kaibigan n'ya lang naman ako at hanggang doon lang 'yun. Pero gusto ko pa ring malaman.

"Alam kong wala ako sa posisyon na itanong 'yun sa'yo. But I just wanna know. Kung ano ang meron sa'kin. Kung ano ang mali sa'kin kaya hindi mo ako magugustuhan." Dagdag ko. "Or baka may iba kang gusto. 'Yun lang talaga ang gusto kong malaman. Kapag nasagot mo ang tanong mo at narinig ko ang gusto kong marinig ay tatanggapin ko na ang lahat. Na hanggang ngayon na lang ang pagkakaibigan natin."

Hindi s'ya nakaimik kaagad. Gayunpaman, umasa pa rin ako na magsalita s'ya.

"Dahil ba sa past ko? Dahil ba naibigay ko na ang lahat sa ex boyfriend ko? Dahil ba naging tanga ako noon at ibang iba ako noon magmahal? At dahil na rin ba na pumapayag akong may mangyari sa atin at sa amin ni Kio? Samantalang kaibigan ko lang naman kayo?" Tanong ko. "Is it about my past?"

Umiling s'ya. "It's not about your past. It's about my past." Sagot n'ya na nagpatahimik sa'kin.

Sandali kaming natahimik pero hindi ko pa rin natiis at muling nagsalita.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Ngumiti s'ya ng mapait. "Kasi hindi pa rin ako nakaka-move on sa ex ko. At hindi ko alam kung kailan ko s'ya makakalimutan."

Tuluyan na akong hindi naka-imik dito sa kinauupuan ko.

"Pagkatapos naming maghiwalay, marami akong nakausap na iba't ibang babae pero hindi pa rin ko makahanap ng babaeng katulad n'ya. Kaya never nag-work ang pakikipag-usap ko sa ibang babae. Naisipan kong itigil na lang."

Hindi ako umimik at hinintay kung may sasabihin pa s'ya.

"Noong una ay akala ko naka-move on na ako kasi parang hindi ko na s'ya naaalala pero noong nakita ko na may bago na s'ya at masayang masaya s'ya. Unti-unti kong naramdaman ang pagsisisi. Muling bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noong iniwan n'ya ako."

Lalong simikip ang dibdin ko. Kung tungkol sa ex n'ya, ano ang laban ko doon. Halatang masayang masaya s'ya noong mga panahon na kasama n'ya ang ex n'ya.

"Maayos n'ya akong kinausap at maayos kaming naghiwalay. Pero masakit pa ring tanggapin."

Hindi pa rin ako umimik.

"At alam mo kung ano ang pinakamasakit sa lahat? Ang tanggapin na ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit n'ya ako iniwan. Masyado ko s'yang nasakal. Naging mahigpit ako sa kanya noong nag-isang taon na kami kasi ayaw ko s'yang mawala sa'kin. Ayaw ko s'yang maagaw ng iba mula sa'kin. Sobrang bilis kong magselos noong mga panahong 'yun. At natiis n'ya ako ng dalawang taon na naging mahigpit sa kanya. Pati kaibigan n'ya ay pinagseselosan ko."

Nakinig lang ako sa kwento n'ya. 

"Hanggang sa hindi n'ya na kinaya ang pagiging seloso ko at hiniwalayan ako. Noong una ay pumayag ako pero after noong break up namin, ilang beses akong nag-reach out sa kanya pero talagang ayaw n'ya na. Grabe kasi ang trauma na naibigay ko sa kanya. Sa 3 years na naging kami, isang taon ko lang s'yang napasaya at dalawang taon akong naging sakit sa ulo n'ya. At 'yun ang masakit sa lahat. Na dahil sa'kin kaya s'ya nawala sa'kin. Ang sakit lang tanggapin na ako talaga ang dahilan kung bakit s'ya nakipaghiwalay sa'kin. At ngayong may iba na s'ya, sobrang sakit tanggapin." Tumulo na ang luha n'ya.

Hindi ko pa s'ya nakitang umiyak noon. Ngayon ko lang s'ya nakitang umiyak.

"Dapat kasi ay ako pa rin ang kasama n'ya hanggang ngayon. Dapat ako ang nagpapasaya sa kanya at hindi ang ibang tao. Nakakainis lang kasi iba na ang nagpapasaya sa kanya at hindi na ako. Kasi gusto ko dapat ako lang. Kaya sobra akong nagsisisi sa lahat ng ginawa ko para sa kanya." Umiling-iling s'ya. "Hindi ko pa rin s'ya kayang kalimutan lalo na't ang hirap maghanap ng isang pang babaeng katulad n'ya."

Tiningnan n'ya ako ng seryoso. Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Kahit ikaw, hindi ka katulad n'ya." Aniya.

Lalo akong nawalan ng sasabihin.

"Tinanong mo ako kung bakit hindi kita magugustuhan 'di ba? Ito ang sagot ko sa tanong mong 'yan. Kasi iba ka sa kanya. Sabihin na nating maganda ka at sexy ka. Pero magkaiba kayo ng pag-uugali. At kahit kailan ay hinding hindi ka magiging katulad n'ya." Tumayo s'ya. "Ang katulad lang ni Ciara ang babaeng mamahalin ko Angel. Dahil ang katulad n'ya ang type ko."

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya.

"At hindi magiging ikaw 'yun, kahit kailan." Aniya at umalis na.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon