Chapter 50

1.2K 26 10
                                    

Angel's P.O.V.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakaligo na ako at napatuyo ko na rin ang buhok ko. Nakabihis na ako ng crop top and mini skirt. Naglagay na rin ako ng light make up at ready na akong umalis

"Ayan, pwede na 'yan." Sabi ko at kinuha nag clutch bag ko sa higaan.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko. Malinis at maayos pa naman ito kaya siguro ay sa susunod na lang ulit ako maglilinis ng kwarto. Or sa susunod ko na lang babaguhin ang itsura ng kwarto ko. Sa ngayon ay aalis na muna ako ng bahay. Lumabas na ako ng kwato at sinara ang pinto. Bumaba ako at deretsong lumabas ng bahay. Naabutan ko ang kotse ni Kio sa labas. Nakatayo s'ya at nakasandal sa kotse n'ya habang nakaharap sa bahay namin.

"Akala ko ay nilamon ka na ng CR n'yo." Aniya.

Inirapan ko s'ya. "Pasensya na."

Paano ba naman kasi. Natagalan akong mag-ayos kaya naghintay s'ya dito ng mga 10 munites.

"Let's go?"

Tumango naman ako at sumakay na sa kotse n'ya. Hindi ko na s'ya hinayaang pagbuksan ako dahil gawain n'ya 'yun minsan.

Inaya n'ya akong kumain sa labas ngayon dahil linggo at wala rin daw s'yang trabaho. Mabuti pa nga s'ya at nakahanap na ng work samantalang ako ay hindi pa rin. Pero maghahanap ulit ako kung saan pwede mag-apply. Dalawang linggo na kaming hindi nagkita ng lalaking 'to kasi sobrang busy n'ya. Mabuti na lang at naisipan n'ya akong yayain na lumabas ngayon. Medyo busy rin naman ako kaso nga lang ay mas busy s'ya.

Namangha rin ako sa kanya dahil hindi n'ya talaga ako iniwan noong panahong hindi na kami nag-uusap ni Blake. At kagaya na rin ng hiling n'ya, hindi ko na s'ya iniwasan. At hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami at may kaunting pagbabago sa friendship naming dalawa. We stop hooking up. Simula noong araw na kinausap n'ya ako na hindi n'ya na ako ulit tatanungin kung pwede n'ya ba akong ligawan. Hindi naman namin napag-usapan na hindi na kami mag-se-sex ulit. Basta ba parang nawala na lang 'yun sa isip namin at nag-enjoy na lang sa bonding namin na walang sex. Minsan umiinom kapag inaaya kami ng ibang kaibigan namin, foodtrip and roadtrip. Mga ganoong bagay ang ginagawa namin kapag wala kaming ginagawa at pareho namin gustong ipahinga muna ang utak mula sa stress na meron kami. Nakaka-miss nga ang ginagawa namin noong estudyante pa lang kami kasi lagi ko pa s'yang nakakasama, ngayon kasi na busy na kami ay madalang na lang kaming magkita.

"May sasabihin pala ako sa'yo." Sabi ko habang nagmamaneho s'ya.

Naalala ko kasi bigla ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. Ngayon lang rin naman kasi kami nagkita ulit.

"Ano 'yun?" Tanong n'ya.

"Nagkita kami ni Blake noong nakaraang araw."

Napalingon s'ya sa'kin saglit pero kaagad na binalik ang tingin sa daan.

"Tapos? Anong nangyari?" Tanong n'ya.

"Nag-uusap pa ba kayo?" Hindi ko sinagot ang tanong n'ya.

"Oo naman. Hindi naman kami nag-away ng isang 'yun. Kayo lang naman ang hindi na nag-uusap." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako. "Ah."

"So? Ano nga ang nangyari?" Muling tanong n'ya.

"Ayun, kumain kami sa labas at nag-usap na rin."

"Ha? Date?" Tanong n'ya.

"Date? Hindi naman yata date 'yun." Sagot ko.

"Eh ano?" Tanong n'ya.

"Nagkataon lang naman na nagkita kami sa mall. Sakto rin na pareho kaming naghahanap ng makakainan kaya ayun, sumama na ako sa kanya." Sagot ko.

Sandali s'yang natahimik pero maya-maya ay nagsalita na s'ya.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon