Chapter 41

926 19 5
                                    

Angel's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa ngayon. Kating-kati na kasi akong makausap si Blake. Kasi hindi na talaga s'ya nagpakita sa'kin noong isang araw pa. Noong tinanong ko s'ya kung pwede ko ba s'yang makausap.

Kasi naman, pagod na ako sa sitwasyon namin. Miss ko na ang dating bonding namin. Hindi ko na kaya ang ganito. Na lumalayo na s'ya sa'kin.

Nandito ako ngayon sa building ng course nila at kung saan ang room nila para sa first class nila ngayong araw. Tinanong ko kasi ang isa sa classmate n'ya kung saan una silang magka-klase at mabuti na lang dahil sinagot nito ang tanong ko. Kaya naman ngayon ay heto ako at hinihintay si Blake, nagbabakasakaling papasok s'ya ng maaga.

May iilang mga estudyante dumataring pero hindi si Blake. Ang ibang dumating ay classmate n'ya at ang iba naman ay hindi.

Nakita ko rin si Kio na kararating lang at napadaan sa harap ko. Nang napalingon s'ya sa'kin ay napahinto s'ya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong n'ya sa'kin.

"Si Blake." Sagot ko.

"Bakit? Anong meron?" Tanong n'ya.

"Kakausapin ko lang s'ya saglit." Sabi ko.

Tumabi na muna s'ya sa daan at lumipat sa tabi ko. Para hindi s'ya maka-istorbo kung sakaling may dadaan na naman mamaya na estudyante.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong n'ya.

"Basta." Sagot ko. "Mamaya na lang."

Hindi s'ya umimik pero hindi pa rin s'ya umalis.

"Maaga ba ang pasok n'ya ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Ang alam ko maaga." -Kio.

Ibig sabihin ay hindi ako mahuhuli sa klase namin dahil may isang oras pa ako bago ito magsimula. Makakausap ko pa si Blake kahit saglit.

"Miss mo na ba?"

Nilingon ko si Kio. "Medyo."

Sino ba naman kasi ang hindi makaka-miss sa isang 'yun.

"Sige. Samahan na muna kita dito habang hinihintay s'ya." Aniya.

Hindi s'ya umalis at sinamahan akong hintayin si Blake.

Kalaunan ay nandito na s'ya. Nandito na si Blake. Nagulat s'ya nang bigla n'ya akong nakita. Malamang ay nagtataka s'ya kung ano ang ginagawa ko dito.

Nilipat n'ya ang tingin n'ya kay Kio. "Yow!"

"Yow!" - Kio.

"Blake." Pagtawag ko sa pangalan n'ya kaya muli s'yang napatingin sa'kin.

Napakunot ang noo n'ya at nilapitan ako. "Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon sa amin ang isang babaeng estudyante na kakaakyat lang dito sa floor na ito pero kaagad naman na nagpatuloy sa paglakad.

"Please mag-usap tayo." Sabi ko.

Nilipat n'ya ang tingin n'ya kay Kio. Napatingin na rin ako si Kio. Isa-isa nito kaming tiningnan at hindi nagsalita. Muli kong binalik ang tingin ko kay Blake at nakatingin na rin s'ya sa'kin.

Napatingin na muna s'ya sa relo n'ya at muling binalik sa'kin ang tingin. "Tara." Aniya at naunang maglakad.

Nagsimula akong humakbang upang sundan si Blake. Nilingon ko si Kio at kumaway naman ito saka umalis na rin doon.

Napadpad kami ni Blake sa pinakadulo kung nasaan ang hagdan at walang dumadaan.

Hinarap n'ya ako at hinintay na magsalita.

Hindi naman ako nagsalita kaagad. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nawala na sa isip ko at hindi ko na makapa kung ano 'yun.

"May sasabihin ka ba?" Nagtatakang tanong n'ya dahil nanatili akong tahimik.

Ano ba? May sasabihin ba ako? Baka may gagawin pa s'ya at naka-istorbo pa ako. Kaya magsalita ka na Angel. Ano ba ang sasabihin mo?

"Are we still friends?" Tanong ko. "Kasi parang hindi na eh."

Kasi kahit magkalapit lang kami ay talagang ang layo n'ya.

Hindi s'ya sumagot kaagad. Pero maya-maya ay umiling s'ya. "Hindi na. Hindi na ako pwedeng maging kaibigan mo, Angel."

Nasaktan ako sa sinabi n'ya. Kaya ba hindi n'ya na ako kinakausap ay dahil para sa kanya, hindi na kami friends?

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi may gusto ka sa'kin at hindi kita gusto."

Muling kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi n'ya. Alam kong nasabi n'ya na sa'kin 'yun pero masakit pa rin palang marinig ulit.

"Feeling ko kasi ay wala akong kwentang kaibigan." Aniya. "Noong umamin ka at tinanong mo ako kung pareho ba tayo ng nararamdaman. At sinagot ko ang totoo kong nararamdaman para sa'yo. Na kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Nakita kong nasaktan ka."

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya.

"Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para magustuhan mo ako. Hindi ko alam kung paano mo ako nagustuhan. Siguro dahil sa mga kilos ko biglang isang kaibigan. Pero kahit hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko na nagkagusto ka sa'kin. At dahil sa'kin kung bakit ka nasaktan noong araw na 'yun."

"Hindi mo naman kailangang sisihin ang sarili mo." Sabi ko. "Ako naman kasi ang nagkagusto sa'yo."

"Pero 'yun ang nararamdaman ko, na kasalanan ko. Baka dahil sa mga kilos ko kaya ka siguro nahulog sa'kin. Kaya sana pala hindi ganoon ang trato ko sa'yo, edi sana hindi ka nahulog sa'kin." Aniya.

"Eh ako lang naman ang nagbigay ng malisya ng lahat na 'yun." Sabi ko.

"Kahit na." Aniya.

Hindi ako umimik at sandali rin s'yang natahimik. Nawawalan ako ng sasabihin. Hindi ko nga alam kung saan mapupunta itong usapan na 'to.

"Pero hindi na tayo pwedeng mag-usap ulit Angel." Sabi n'ya.

"Why not?" Naguguluhang tanong ko.

"Kasi hindi ako magkakagusto sa'yo."

Natameme ako sa sinabi n'ya. Mas hindi ko inasahan na lalabas 'yun sa bibig n'ya.

"And I can't be friends with you anymore. Kasi hindi ko alam kung paano na kita kakausapin at pakisamahan ngayong alam kong may gusto ka sa'kin." Aniya. "Gusto kitang kasama at gusto kitang kausap. Pero hanggang kaibigan lang. Ayokong nabibigyan ng malisya ang mga kilos ko kasi ganoon lang talaga akong klaseng tao."

Hindi ako nakaimik saglit. Pero maya-maya ay nagsalita na ako.

"Pero talaga bang, hindi mo ako magugustuhan?" Tanong ko.

Tumango s'ya. "Yes."

"Bakit?" Hindi ko maiwasang magtanong sa kanya. "Bakit hindi mo ako kayang magustuhan."

Ano ba ang meron sa'kin na ayaw n'ya.

"Kasi wala sa'yo ang hinahanap ko sa isang babae. Hindi ikaw ang type ko." Aniya.

Tuluyan akong hindi nakaimik. Ngayong nasabi n'ya ang gusto kong marinig. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko.

"Ano ba kasi ang type mo sa isang babae?" Tanong ko.

"It doesn't matter."

Tumango-tango ako. "Right, it doesn't matter."

Bakit ko pa kasi tinanong. Hindi naman na yata 'yun mahalaga. Kasi sinabi n'ya naman kanina na hindi talaga ako ang type n'ya sa isang babae.

"Edi friends na lang tayo ulit." Sabi ko.

Umiling s'ya. "Ayokong may nagkakagusto sa'kin lalo na at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

Hindi ulit ako nakapagsalita.

"You crossed the line Angel." Aniya. "'Yun naman ang napag-usapan 'di ba? Na walang malisya?"

Tumango ako.

"Pero sinira mo 'yun kasi nagkagusto ka." Sabi n'ya. "Kaya ang mabuti pa ay iwasan na lang natin ang isa't isa. Baka mas lalo kang masaktan dahil hinding hindi kita magugustuhan."

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon