Chapter 42

947 19 3
                                    

Angel's P.O.V.

Kanina pa ako tahimik dito sa canteen. Pagkatapos namin mag-usap ni Blake kanina ay iniwan n'ya ako doon na mag-isa. Kaya wala na rin akong nagawa at bumalik sa building ng course ko.

Pero ang sakit ng mga sinabi n'ya. Kaya heto ako ngayon at walang gana kumain. Kanina ko pa kasi dinidibdib ang lahat ng sinabi n'ya. Kaya wala na nga akong gana pumasok, wala na rin akong gana kumain.

"Kamusta naman ang usapan n'yo ni Blake kanina?" Tanong ni Kio at nagsimulang kumain.

"Ayun, walang nangyari." Sagot ko habang nakatingin lang sa kanya.

"Paanong walang nangyari?" Tanong n'ya.

"Hindi n'ya na ata ako kakausapin habang buhay." Sagot ko.

'Yun naman ang ibig sabihin ni Blake kanina 'di ba? Habang buhay na kaming hindi mag-uusap. Iba man ang sinabi n'ya pero same pa rin ng meaning.

"OA mo naman." Aniya.

"Anong OA? S'ya na nga mismo ang nagsabi. Hindi na daw kami pwedeng maging friends. Kasi..." Sabi ko. "I crossed the line. Kasi 'yun naman ang napag-usapan 'di ba? Na walang malisya? Pero sinira ko 'yun kasi nagkagusto ako. Kaya ang mabuti pa ay iwasan na lang namin ang isa't isa. Baka mas lalo akong masaktan dahil hinding hindi n'ya ako magugustuhan."

Dahil paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi ni Blake sa'kin kanina. Nakabisado ko na ang linya n'ya.

"Sinabi n'ya 'yun?" Tanong n'ya.

"Oo. Sinabi n'ya 'yun sa harap ko mismo." Sagot ko. "Direct to the point nga s'yang magsalita."

"So paano na 'yan?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko."

Sandali akong natahimik. Pero maya-maya ay muli akong nagsalita.

"Pero gusto ko talaga s'ya Kio. Nakakainis 'di ba?"

"Edi ligawan mo." Pagbibiro n'ya.

"Parang tanga naman 'to kausap." Inis na sabi ko.

"Wala rin naman akong masabi kasi. Hindi rin naman ako si Blake kaya wala akong magagawa." Aniya.

"Nakakainis naman kasi."

Napasandal ako sa upuan at pinag-krus ang mga braso.

"Kumain ka na nga." Sabi sa'kin ni Kio na ngayon ay nangangalahati na ang pagkain.

Binaba ko ang tingin ko sa pagkain ko. Ang sarap nito tingnan at mabango pa kaso wala talaga akong gana. 'Yung tipong kahit alam kong sobrang sarap ng pagkaing na-order ko ay wala pa rin akong ganang kainin 'yun.

Paano ba naman kasi, ang sakit lang. Ang sakit lang sa part na pinutol n'ya na ang pagkakaibigan namin. Ang sakit lang isipin na hindi na n'ya ako magugustuhan pabalik. At ang sakit lang tanggapin na hindi na kami mag-uusap pa ulit.

"Ano ka ba. Si Blake lang 'yun. Marami pang iba d'yan." Sabi ni Kio.

Alam kong sinabi n'ya lang 'yun para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Pero 'yun na nga eh. Marami namang iba d'yan pero si Blake pa ang nagustuhan ko. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya. Maalalahanin, mabait at masipag pa. Sweet pa s'ya minsan pero sadyang ganoon lang pala s'ya at walang malisya.

Para kasi akong tanga. Nag-assume pa ako na baka gusto n'ya rin ako kaya s'ya ganoon sa'kin palagi.

"Ano? Hindi ka na ba makapagsalita d'yan?" Tanong n'ya.

Hindi pa rin ako umimik.

"Ewan ko sa'yo." Sabi ni Kio at muling kumain.

Pinanood ko si Kio na kumain. Ganado s'yang kumakain at kabaliktaran naman ako. Wala talaga akong gana. Ewan ko ba.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon