Chapter 34

958 17 0
                                    

Angel's P.O.V.

Kanina pa ako nandito sa harap ng salamin at inaayusan ang sarili. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay tinitigan ko na muna ang itsura ko saglit. Nag-iba ang itsura ko. Para bang bumalik ang dating looks ko. Dark makeup kasi ang kadalasang nilalagay kong kulay para sa mukha ko after namin maghiwalay ng ex ko. Pero ngayon ay nag-try ako ng light makeup at nagbago ang itsura ko. Parang bumalik ako sa pagiging inosente kong mukha.

"What?" Natatawang sambit ko habang tinitigan ang sarili sa harap ng salamin.

Sobrang nag-iba ang looks ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Sasabihin kong mas naging cute ako. Parang mas matured akong tingnan kapag naka-dark makeup pero bata akong tingnan kapag light makeup lang.

"Angel tara na!"

Tawag sa'kin ni daddy kaya bumaba na ako. Napatingin naman sa'kin si Alice pagkababa ko. Napakunot ang noo n'ya na tila ba naninibago na rin s'ya sa looks ko.

"What?" Pagtataray ko sa kanya.

"Panget pa rin." Aniya at naunang umalis.

Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya at lumabas na rin ng bahay at sumunod na sa sasakyan. Pagkaupo ko sa loob ay nanahimik na ako at nakatingin lang sa labas. Hanggang sa nakarating na kami sa school ni Alice at sinunod naman akong hinatid ni daddy. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papasok sa school.

Dumeretso ako sa room dahil maaga ang pasok ko ngayon. Dito ko na hihintayin ang professor ko dahil ilang minuto na lang at darating na 'yun. Umupo naman ang katabi kong babae sa katabi ng upuan ko. Napalingon s'ya sa'kin kaya napalingon na rin ako sa kanya.

"Parang bumata ka ngayon." Aniya habang tinititigan ang itsura ko.

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

Natawa s'ya saglit at napailing-iling. "Wala. Mas bagay sa'yo ang ganyang makeup."

Okay?

"Ganoon?" Ang tanging naisagot ko.

Katabi ko s'ya palagi sa subject na 'to pero hindi kami nag-uusap. Minsan lang kami nag-uusap kapag tungkol lang sa lessons pero kapag hindi tungkol doon ay hindi kami nagkikibuan.

"Wait lang nakakapanibago kang tingnan." Aniya at bahagyang natawa. "Hindi ako sanay."

Hindi ko alam ang naisagot ko kaya natawa na rin ako. Ngayong semester ko lang s'ya naging kaklase kaya noong nakita n'ya ako ay 'yun ang time na binago ko ang looks ko. Like I'm more into dark color makeups. Ngayon na nag-try ulit ako ng light makeup ay naninibago s'ya dahil may nag-iba. But to be honest, malaki ang pinagbago ng looks ko ngayon. Like I said earlier, bumata ang itsura ko.

"I mean, bagay naman sa'yo pareho. Pero mas matured kang tingnan kapag dark makeup." Aniya.

Napansin n'ya rin pala. 

"Parang nakakatakot kang tingnan sa makeup mo kahapon kasi alam mo 'yun. Fiercer. Ngayon kasi hindi na masyado."

Natawa na lang ako sa sinabi n'ya. Parang hanggang ngayong araw lang ang paglagay ko ng light makeup. Baka bukas ay babalik na ako sa dark makeup.

Nanahimik na ako at hinintay na magsimula na ang klase namin.

***

Lumipas ang mga ilang oras ay lunch break na. Pumunta na ako sa canteen at hinintay na darating sina Kio at Blake. Unang dumating si Kio at umupo sa tabi ko. Tinitigan n'ya naman ako na nakakunot ang noo.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Si Angel ka ba?" Tanong n'ya at parang hindi makapaniwala.

"Hindi."

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon