Chapter 22

1.3K 23 0
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Blake sa apartment n'ya. 5:00 pm pa lang kaya may oras pa ako bago ako dapat makauwi sa bahay.

Maaga ang uwian namin ngayon kaya naisipan namin na tumambay na muna ako dito sa apartment n'ya. Ayoko na muna umuwi dahil wala rin naman akong gagawin mamaya. At hanggang may oras pa ako ay susulitin ko na muna bago ako uuwi sa bahay. Si Kio naman ay mamaya pa matatapos ang klase kaya naman ay naiwan s'ya sa school ngayon.

Balak naming manood ng movie ngayon at wala kaming plano na maglasing. Saka na lang siguro kami iinom ulit. Balak ko na ring maghinay-hinay sa pag-inom, hindi katulad dati na parang gusto kong araw-arawin. At isa pa, may gagawin pa si Blake mamayang gabi kaya hindi s'ya pwedeng malasing.

Bago kami nakarating dito ay may nadaanan kaming nagtitinda ng watermelon kaya bumili kami ng isa at inuwi dito. Actually, pinilit ko si Blake na bumili kami dahil favorite ko ang watermelon.

"Ikaw na ang bahala sa watermelon mo." Sagot ni Blake nang nailapag n'ya ang watermelon sa mesa.

"Anong watermelon ang tinutukoy mo?" Tanong ko.

Napairap naman s'ya. "Baliw." Aniya.

Tinawanan ko s'ya at pumunta sa sink. Hinugasan ko ang watermelon at pagkatapos ay kumuha ng kutsilyo. Hinati ko ito at hiniwa-hiwa into cubes. Nilagay ko ang kalahati sa mini fridge. Dahil hindi ko naman kayang ubusin ang isang buo na watermelon. Nilipat ko naman ang mga cubes na watermelon sa isang container. Dinala ko ang container at tumabi kay Blake na nakaupo sa higaan n'ya habang nakatutok ang atensyon sa TV.

Sinimulan ko nang papakin ang watermelon. Nakikain na rin si Blake dahil inaya ko s'ya. Habang inuubos ang watermelon ay nanonood rin kami ng movie.

"Anong oras ka pala uuwi?" Tanong ni Blake habang nakatuon ang atensyon sa TV.

"Maya-maya na. Kararating ko pa nga lang." Sagot ko.

"Oo nga pala." Aniya. "Hindi ka ba susunduin ng daddy mo?" Tanong n'ya.

Umiling ako kahit alam ko naman na hindi n'ya nakita ang pag-iling ko. "Hindi. Basta hanggang 9:30 pm lang ako sa labas ng bahay."

"Sige. Ako na ang maghahatid sa'yo mamaya."

"Syempre. Bibigwasan kita kapag hindi mo ako hinatid." Sabi ko at tumawa naman s'ya.

Una sa lahat, s'ya ang nag-aya sa'kin na sumama na sa kanya dito ngayon. Kaya kapag hindi n'ya ako ihahatid at kapag natagalan akong umuwi, talagang malilintikan s'ya sa'kin.

Nanahimik na kami habang nanonood ng movie. Pansin kong ubos na ang watermelon na kinakain namin. Pero dahil naaliw ako sa movie ay hindi na muna ako tumayo upang mailapag itong container na hawak ko. Mamaya na siguro ako tatayo nito kapag tapos na ang movie. Ayokong mag-skip ng part.

Maya-maya ay napaangat ang kilay ko nang napansin kong papunta sa bed scene ang pinapanood namin.

"Oh wow." Reaksyon ko.

At hindi na nga ako nagkakamali. Gumagawa na nga ng baby ang dalawang bida sa movie.

Sabay kaming nagtinginan ni Blake. Napa-smirk s'ya at kinuha mula sa kamay ko ay container na hawak ko at nilapag iyon sa study table n'ya.

"Mamaya ka pa uuwi 'di ba?" Tanong n'ya at muling umupo sa tabi ko.

"Yeah." Sagot ko.

"Cool." Aniya at tinitigan ako.

Nagtitigan kaming dalawa at hindi nagsalita. Maya-maya ay sabay kaming natawa sa isa't isa.

"Miss mo na gawin?" Tanong ko sa kanya.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon