Chapter 6

3.8K 48 1
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito na ako ngayon sa bahay ni Yvonne. Wala s'yang pasok ngayon kaya tamang tama ang pagpunta ko dito. Mabuti na lang at wala ang boyfriend n'yang si Lester. Baka mamaya ay maglalandian na naman ang dalawang iyon.

"Nakita ko si Reinier kanina." Sabi ni Yvonne habang nagmi-mix ng mga sangkap dahil gusto n'yang mag-bake ng cookies. Mahilig s'ya sa cookies kaya madalas n'ya itong ginagawa.

Si Reinier ang ex-boyfriend ko. Dati sa tuwing naririnig ko ang pangalan n'ya ay naiiyak ako. Pero ngayon ay wala na. Walang wala na akong nararamdaman para sa kanya.

"May kasamang ibang babae. Hiwalay na yata sila ng babaeng pinalit n'ya sa'yo."

Talagang kailangan pang banggitin na ipinagpalit ako sa iba?

"Hayaan mo s'ya." Sabi ko.

"Manloloko siguro talaga ang taong 'yun. Ang alam ko ay niloko n'ya rin 'yung babaeng pinalit sa'yo."

Tsk. Ang hayop na 'yun. Hindi talaga marunong makontento. Kailan ba tatamaan ng karma ang walang hiyang hayop na 'yun?

"Mabuti na lang at hindi mo s'ya hinabol. Kung nagkataon, baka kinalbo na kita." Aniya.

Natawa lang ako at napailing-iling. "H'wag mo na ngang ibalik ang nakaraan. Nakakasuka pakinggan."

Pero s'ya talaga ang dahilan kung bakit hindi ko na hinabol ang ex boyfriend ko. Pinigilan n'ya talaga ako.

"Sus! Pero patay na patay ka naman sa kanya dati."

"Dati 'yun at hindi na ngayon. Tsaka syempre hindi mo maiintindihan, hindi mo pa kasi naranasan ang naranasan ko." Sabi ko. "Kung maranasan mo lang na maging tanga at maka-move on. Tapos bigla mong maaalala kung gaano ka naging tanga, talagang gusto mo na lang masuka."

Tumango-tango lang s'ya.

"'Yung pakiramdam na masasabi mo na lang bigla na 'sh*t muntik na akong magpakamatay dahil sa hayop na 'yun?' o hindi kaya 'putang*na, minahal ko ang g*go na 'yun?' 'Yun ang mga bagay na nasasabi ko minsan sa tuwing naaalala ko ang hinayupak na 'yun. At ang mga pinaggagawa ko para sa kanya."

Natawa s'ya ng mahina. "Oo na." Sabi n'ya.

Ngayon tuloy ay medyo nanghihinayang ako sa lahat. Sa lahat ng oras na ginugol ko sa kanya. Sana pala ay mas nag-focus ako sa sarili ko. Pero wala na akong magagawa. Siguro ay ganoon ako magmahal. Sobra pa sa sobra.

Mali pala ako. Dapat pala kapag nagmamahal ka ay hindi sobra. Magtira pa rin para sa sarili.

"Sina Blake at Kio pala. Kamusta?" Tanong n'ya.

"Ayos lang." Sagot ko.

Nakilala ni Yvonne ang dalawa dahil sa'kin. Minsan n'ya na rin itong nakita kapag nag-aaya akong uminom.

"Hindi ka ba na-fall kahit isa man lang sa kanila?" Tanong n'ya.

Natawa lang ako ng mahina. "Friends lang kami." Sabi ko. "At hanggang doon lang."

Nailagay na n'ya sa oven ang mga gawa n'ya at niligpit ang kalat sa lamesa. Pagkatapos n'yang magligpit ay hinarap n'ya ako. "Seryoso?" Tanong n'ya.

Tumango naman ako. "Oo naman."

"Bitter ka na, ano?"

Napairap ako. Anong klaseng tanong naman 'yan?

"Siguro noon." Sagot ko. "Pero ngayon ay hindi na. Alam ko naman na hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ex-boyfriend ko."

"Pero wala ka na bang balak magmahal ulit?" Tanong n'ya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Depende. Pero baka hindi na muna ngayon. Gusto kong mag-focus muna sa sarili ko." Sabi ko.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon