Chapter 32

1K 18 0
                                    

Angel's P.O.V.

Nakababa na ako galing sa kwarto. Tapos na akong mag-ayos at isasabay ulit ako ni daddy ngayon. Naunang umalis si ate kaya ang makakasama ko ngayon ay sina mommy, daddy at si Alice.

Maya-maya ay nakababa na rin ang kapatid kong si Alice. Ngunitian n'ya ako at halatang nang-aasar. Inirapan ko lang s'ya at lumabas ng bahay. Pumasok na ako sa sasakyan at sumunod naman sa'kin si Alice na nagsara ng bahay at gate.

Umayos ng upo si Alice at nilingon ako. "Good morning." Mahinang sabi n'ya.

Maypa-good morning pa s'yang nalalaman. Samantalang nang-aasar lang naman.

"Hindi good ang morning kung ikaw ang nakikita ko sa umaga." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Ganyan talaga ang mga taong inggit sa kagandahan ko." Aniya.

"Wala kang ganoon." Tugon ko.

"Ano naman ang binubulong n'yo d'yan?" Tanong ni daddy nang napansin n'yang nagbubulungan kami ni Alice.

"Wala po." Sagot ni Alice habang nakatingin sa'kin. Itinaas baba n'ya ang kilay n'ya.

Hindi na ako umimik pa at tumingin sa labas. Nagmaneho na si daddy hanggang sa nakarating na kami sa school ni Alice. Nagpaalam na s'ya at bumaba na. Sinunod naman ako ni daddy na hinatid. At pagkarating namin sa school ay nagpaalam na rin ako at bumaba. Kaagad akong pumasok sa school.

Napabuntong hininga ako. Mahaba-habang araw na naman ito.

"Angel!"

Nilingon ko kung sino ang taong nagtawag sa'kin. Si Blake. Nilapitan n'ya naman ako kaagad.

"Oh?" Tanong ko.

"Galit ka pa rin ba?" Tanong n'ya at sinabayan akong maglakad.

"Hindi na." Sagot ko.

Magagalit ako kung nalaman ni daddy pero dahil hindi naman nalaman ni daddy ay ayos lang. At sana ay hindi na rin 'yun mauulit. Paano kung tulog na si Alice kapag nangyari ulit? Wala na akong ibang mauutusan sa bahay na pagbuksan ako ng gate.

"Sinumbong ka ba ng kapatid mo?"

Umiling ako. "Hindi ako isusumbong ng babaeng 'yun."

Mataray 'yun minsan at malakas mang-asar pero hindi naman ako ilalaglag ng isang 'yun. At kapag nilaglag n'ya ako, talagang madadamay s'ya. Ilalaglag ko rin s'ya.

"Good. Akala ko kasi sinumbong ka."

"Anong oras na kayong nakauwi kagabi?" Tanong ko dahil mukhang napaaga yata ang pasok n'ya ngayon at mukhang hindi s'ya bangag.

"12:00 pm. Maaga naman kaming umuwi." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako. "Kaya pala maaga ka ngayon." 

"Bitin nga pero kailangan na rin kasi naming umuwi kagabi." Aniya.

"Si Carlo? Napaano?" Tanong ko.

Sa pagkakaalala ko ay bagsak na s'ya kagabi. Noong umalis ako ay nakatulog na yata 'yun dahil hindi na nagsasalita, nakasandal na at nakapikit ang mga mata.

"Doon na s'ya natulog sa bahay nina Patrick. Bagsak na bagsak na kagabi."

Natawa ako at napailing-iling.

"Mauna na ako ha." Sabi ni Blake. "May gagawin pa kasi ako eh. Inabangan lang talaga kita dito para makibalita."

Tumango naman ako at umalis na s'ya. Tiningnan ko s'yang umalis. At heto na naman ako.

"Ewan ko sa'yo Angel." Bulong ko sa sarili.

Ewan ko ba pero nadadala na ako sa mga kilos ni Blake. Alam kong friends lang kami pero hindi ko rin maiwasang isipin kung ano ang pakiramdam kapag boyfriend ko s'ya.

Dahil lang talaga sa panaghinip na 'yun. Oh my gosh. Ano ba ang nangyayari sa'kin.

"Nababaliw na yata ako."

Hindi naman ako type ni Blake. Hindi naman kasi yata katulad ko ang gusto n'ya sa babae. Pero hindi ko rin alam kung ano ang type n'ya sa isang babae.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa room. May oras pa bago magsimula ang klase namin kaya kinalikot ko na muna ang cellphone ko. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong nang-stalk sa instagram profile ni Blake. Nag-scroll ako hanggang sa nakarating ako sa pinakababa. At nakita ko ang pinakaunang post n'ya sa instagram. May kasama s'yang babae at halatang mas bata ang istura n'ya dito kesa ngayon. 

Baka ito ang ex girlfriend n'ya.

Pagka-click ko ng picture ay nakita kong 5 years ago na 'yun. "My love" ang caption at may nakalagay rin na heart emoji. Malamang ay ito nga ang ex girlfriend n'ya. Pumunta ako sa comment section at nakita kong may nag-comment na babae doon. Malamang ay 'yun ang ex ni Blake. Pumunta ako sa profile ng babae at hindi ito naka-private. Nag-scroll ako sa pinakababa hanggang sa umabot ako sa pinakaunang post n'ya at pareho sila ng first post ni Blake at same ng caption. Nag-comment rin doon sa post na 'yun si Blake.

"S'ya nga 'yun." Bulong ko sa sarili.

Bumalik ako sa pinaka-recent na post ng babae. Grabe ang ganda n'ya at ang sexy pa. Pero parang may boyfriend na yata kasi may mga post s'yang may kasamang lalaki at halata sa captions. Nagpunta ako sa profile ng lalaking naka-tag sa mga recent post ng ex ni Blake pero naka-private ito kaya bumalik ako sa profile ng ex ni Blake.

Mula sa pinaka-recent post ay inisa-isa ko itong binaba. 

"Ang ganda naman nito." Sabi ko.

At ang sexy pa ng mga post n'ya. 

"Ganito pala mga type ni Blake sa babae." Sabi ko.

Sobrang ganda, makinis ang balak, chinita at ang shape ng katawa. Ay grabe, kahit babae ay magkakagusto sa kanya. Napahinto ako sa picture nitong naka-two piece at nasa beach.

"Dang!" Mahinang sambit ko.

Ang sexy naman nito.

Nawala ang ngiti ko nang aksidente kong na-like ang picture n'ya. Napanganga ako sa gulat dahil sa nagawa ko.

"Siraulo ka Angel."

Dali-dali kong binawi ang like ko. Tiningnan ko kung kailan na-upload ang picture na 'yun. 5 months ago pa? Baka malaman n'yang nang-i-stalk talaga ako sa kanya.

Sa sobrang taranta at kaba ko ay ni-block ko ang account n'ya at binalik sa bag ang cellphone ko. Hindi na ulit ako kumilos pa at nanahimik na lang. Hihintayin ko na lang ang professor ko at hindi na muna ako gagamit ng cellphone hanggang bukas.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon