Chapter 37

956 14 5
                                    

Angel's P.O.V.

1:00 am na pero hindi pa rin ako nakatulog. Pagkauwi ko kanina ay dumeretso na ako dito sa kwarto at hindi na lumabas pa. Hindi na rin ako kumain at nagkulong lang dito. Hindi ko na rin pinakialaman ang cellphone ko at pati laptop ko.

"Angel ano ba!" Inis na sabi ko sa sarili.

Bakit ko kasi 'yun sinabi? Bakit?

Kahit na totoo 'yun ay dapat hindi ko pa 'yun rin sinabi. Paano kung magkikita kami ulit? Kakausapin n'ya pa kaya ako? Papansinin n'ya pa kaya ako pagkatapos ng nangyari?

Pero ang tanong talaga n'yan ay friend pa rin ba kami?

Maiilang na rin kaya s'ya sa'kin? Kakaibiganin n'ya pa rin ba ako kahit na umamin akong gusto ko s'ya? Na-unfollow n'ya na ba ako sa instagram or naka-block na ba ako sa kanya?

Paano kung makikita kami bukas? Iiwas na ba s'ya sa'kin? Lalayo na ba s'ya sa'kin.

"Ugh!"

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko. Nakakainis na.

Gustong kong sumigaw ng malakas kaso baka bigla akong marinig ng mga kapatid ko at baka umabot pa sa baba kung nasaan ang kwarto nina mommy at daddy.

"Ang tanga mo!" Inis na sabi ko.

Inalis ko ang unan sa mukha ko at napaupo. Nang naalala ko ang ginawa ko kanina ay muli akong napapikit at napahiga.

"Ugghhh! Nakakainis talaga."

Napatadyak ako at heto na naman ako, nagwawala na naman sa kama ko.

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!"

Gusto kita bilang kaibigan ko. Pero bukod doon ay wala na.

Gusto kita bilang kaibigan ko. Pero bukod doon ay wala na.

Gusto kita bilang kaibigan ko. Pero bukod doon ay wala na.

"Ano ba! Umalis ka nga sa utak ko."

Kanina ko pa paulit-ulit na naaalala ang naging sagot sa'kin ni Blake kaya lalo akong hindi nakatulog.

"Sana panaghinip lang 'to please." Sabi ko habang nakadapa na sa kama.

Kinurot ko ang sarili ko at naramdaman ko ang sakit.

"Hindi s'ya panaghinip." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Hindi s'ya panaghinip." Pag-ulit ko at muling nagwala sa kama ko.

Kumalma na ako at muling umayos ng paghiga. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay na dalawin ako ng antok.

"Tama na kakaisip ng kung anu-ano Angel. Matulog ka na at may pasok ka pa bukas." Sabi ko sa sarili habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Kailangan kong matulog ngayon. Kailangan na kailangan kong matulog. Kaya saka na muna 'yang mga ganyang bagay at matulog na muna.

***

5:00 am na at dilat na dilat na ang mga mata ko. Nakatulog ako ng bandang alas tres at nagising naman ako ng ganito kaagad dahil sa alarm clock ko.

Sumakit ang ulo ko at alam kong dahil ito sa puyat ko kagabi. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng wastong tulog kanina. Kulang pa ang mahigit isang oras na tulog ko ngayon para sa klase ko mamaya. I guess kailangan ko na namang uminom ng matapang na kape upang gumising 'tong diwa ko.

Bumangon na ako at nagsimulang asikasuhin ang sarili. Naligo, nag-toothbrush at nagpatuyo na ako ng buhok. Naglagay na rin ako ng makeup dahil halatang inaantok pa rin ako. Ayan, may buhay na ulit ang itsura ko.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Sumabay na rin akong mag-agahan kasama ang family ko. Medyo nasasanay na rin ako na ganito na ulit ang ginagawa ko tuwing umaga. Na kasabay sila palagi mula sa pagkain at papunta sa school. Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming lahat lumabas ng bahay upang maihatid na kami ni daddy sa kanya-kanya naming school na magkakapatid.

Pagkarating ko sa school ay hindi na muna ako pumasok. Bumili na muna ako ng black coffee sa labas at pagkatapos kong makabili ay kaagad akong pumasok sa loob ng school. Hindi na ako nag-stay pa sa baba at dumeretso na ako sa room. Dito na lang ako at hihintayin ko na lang ang professor ko ngayong umaga.

Tuloy-tuloy ang klase ko hanggang lunch time. Medyo na-late ako ng baba mula sa room dahil may napag-usapan pa kami ng iilang classmate ko tungkol sa isang subject namin. At pagkatapos namin mag-usap saglit ay napag-isipan namin na mag-lunch na muna kami dahil nagugutom na kami.

Pumunta ako sa canteen at kaagad kong nakita sina Kio at Blake. Nag-send na kasi ng picture sa'kin si Kio kung saan sila banda kaya nahanap ko sila kaagad.

Nasabi na kaya ni Blake kay Kio ang tungkol kahapon? Pwedeng nasabi na o hindi pa. Pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung nasabi na ba ni Blake.

Humakbang ako papalapit sa kanila pero kaagad akong napahinto.

Sasabay ba ako sa kanila o hindi na? Nandoon kasi si Blake.

Muli akong humakbang pero kaagad na napahinto.

"Excuse me nga po."

Tumabi ako dahil may dumaan na babae. Halatang nainis s'ya sa'kin. Saka ko lang na-realize na nakaharang pala ako sa daan. Sino ang hindi maiinis kapag ganoon.

Napalingon sa gawi ko si Kio at sinenyasan ako na pumunta sa kanila. Napalingon na rin sa'kin si Blake.

Napalunok ako bigla at nakaramdam ng matinding kaba sa katawan nang nagtagpo ang mga mata namin ni Blake.

Umiwas na ng tingin si Blake sa'kin at muling binalik ang atensyon kay Kio. May sinabi s'ya kay Kio at tumango naman si Kio. Kaagad na tumayo si Blake at umalis.

Lumabas s'ya.

Nilapitan ko na si Kio at umupo sa tapat n'ya. At parang hindi yata sinabi ni Blake sa kanya ang tungkol kahapon dahil parang wala naman s'yang alam sa nangyari.

"Saan 'yun nagpunta?" Tanong ko kay Kio. Pagtukoy ko kay Blake.

"May pupuntahan daw s'ya sa labas." Aniya.

"Kumain na ba 'yun?" Tanong ko kasi pansin ko na parang hindi pa yata sila kumakain.

Umiling s'ya. "Hindi pa. Pero sa labas na rin s'ya kakain."

Tumango-tango naman ako.

"Kain na tayo?" Tanong n'ya sa'kin.

Tumango naman ako. Sinabay n'ya ang order ko at maya-maya ay nandito na s'ya dala-dala ang kakainin namin ngayong lunch.

Wala nga yatang sinabi si Blake sa kanya kasi wala rin naman s'yang tanong tungkol doon habang kumakain kami ng sabay.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano pero wala pa ring nababanggit si Kio tungkol kahapon kaya sure na ako na hindi nga sinabi ni Blake sa kanya. Ang akala ko kasi ay sasabihin ni Blake pero hindi pala. Kasi kung sinabi ni Blake sa kanya, pati sa kanya ay mahihiya ako.

Pero baka hindi na muna sinabi ni Blake sa ngayon kay Kio. Pero alam kong darating ang araw na sasabihin 'yun ni Blake. Syempre magkaibigan sila.

Pero kapag umabot sa araw na 'yun. Ano kaya ang magiging tingin ni Kio sa'kin? Ano kaya ang iisipin n'ya sa'kin? Baka umabot sa point na isipin n'yang kaya ako nakikipag-sex kay Blake kasi gusto ko s'ya. Samantalang nitong nakaraan lang naman nagbago ang pakikitungo ko kay Blake. Baka mag-iiba na rin ang pakikitungo  n'ya sa'kin. At baka silang dalawa pa ang mawala sa buhay ko.

I mean, friends ko sila at medyo matagal-tagal na rin. Marami na kaming memories together. Tapos dahil lang sa'kin, masisira ang lahat ng 'yun? Mabubura ang lahat ng memories na 'yun.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon