Chapter 19

1.4K 18 1
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa canteen dahil lunch break na namin. Kasama ko ngayon si Blake at hindi namin kasabay si Kio. Pumasok naman si Kio ngayong araw pero medyo busy raw s'ya kaya hindi s'ya makakasabay sa amin ngayon. Hindi na rin namin pinilit ni Blake dahil ayaw naman namin na maistorbo si Kio sa kanyang kailangang gawin.

Kasalukuyan kong kinakalikot ang cellphone ko dahil magkausap kami ni Cherry sa messenger app. Kinamusta ko s'ya dahil hindi ako nakadalaw sa shop kahapon. Okay naman raw s'ya at wala namang problema sa shop. Ganoon pa rin ito at maayos pa rin ang takbo. At mabuti naman kung ganoon.

Bigla namang nag-chat sa'kin ni Yssa.

"Himala at nag-chat 'to." Sabi ko.

"Sino?" Tanong ni Blake habang busy rin sa cellphone n'ya. Nakaupo s'ya sa harap ko.

"Si Yssa." Sagot ko.

"Ah" -Blake.

Halatang busy s'ya sa cellphone n'ya.

Yssa: Kelan ulit?

Malamang ay tinutukoy n'ya na naman kung kelan ulit kami mag-iinom.

"Aba himala at nagyaya." Sabi ko.

"Sino?" Tanong ni Blake.

"Si Yssa." Sagot ko.

Hindi ulit nagsalita si Blake. Nag-reply na rin ako kay Yssa.

Ako: Naks. Nauhaw ka kaagad?

Usually ay hindi 'yan nag-aaya si Yssa. Pero naghihintay lang 'yan palagi kung sino ang mag-aaya sa kanya.

Yssa: Vitamins ko kasi 'yun.

Ako: Grabe naman 'yang vitamins mo. Nakakasira ng atay.

Yssa: Oo syempre naman. Pampatulog pero nakakasira ng atay.

Ako: Saka na ulit kapag may time. At kapag marami na tayo.

Yssa: Sige. Sige.

Yssa: Lugi kami kahapon ah. Nauna kayong umuwi kahapon.

Ako: Pasensya. May ginawa pa kasi ako.

Yssa: Okay lang basta sa susunod walang uuwi ng maaga. Pero kapag merong uuwi ng maaga, dapat shot puno ha.

Natawa na lang ako sa kanya. Siguro walang nag-aya sa kanya ngayon kaya napa-chat na sa'kin.

Ako: Hahaha. Sige.

"Baliw talaga 'to." Sabi ko.

"Sino?" Tanong ni Blake.

"Si Yssa nga. Tanong nang tanong." Inis na sagot ko.

"Malay ko bang si Yssa lang pala ang kausap mo." Aniya habang nakapokus pa rin sa cellphone n'ya.

"Kaka-cellphone mo 'yan." Sabi ko at nilapag ang cellphone ko sa mesa.

"Pasensya na." Aniya at hindi pa rin ako tinitingnan.

Kinuha ko ang bottled water na nabili ko kaninang umaga at uminom hanggang sa naubos ko ang tirang laman nito.

"Ay ubos na."

"Ang alin?" Nilipat ni Blake ang tingin n'ya sa'kin.

Pinakita ko sa kanya ang bottled water na hawak ko. "Ito. Ubos na." Nilapag ko ito sa mesa.

"Ah." -S'ya.

Ayos lang ba s'ya?

"Ano sa tingin mo? Ano ang mas magandang kulay? Black or white?" Tanong sa'kin ni Blake.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon