Chapter 4

5.1K 53 1
                                    

Angel's P.O.V.

Naalimpungatan ako bigla. Naramdaman kong sumakit ang likod ko. Nakatulog pala ako pagkatapos ng 2 rounds kanina. Nilingon ko ang orasan at nakita kong 4:00 am na.

"Sh*t!" Mahinang sambit ko. May pasok ako mamaya.

Muntik na akong mapasigaw. Mabuti na lang talaga at napigilan ko. Baka mamaya ay umabot sa kapitbahay ang boses ko kapag nagkataong napasigaw ako.

Nilingon ko si Blake na mahimbing rin ang tulog. Ang hayop na 'to, hindi man lang ako ginising para umuwi. Ang sabi ko sa kanya ay gisingin ako kung sakaling makatulog ako dahil uuwi ako ng bahay pero ano itong ginawa n'ya? Natulog rin s'ya.

Umalis ako sa kama at isa-isang sinuot ang mga damit ko na nagkalat sa kama. Inayos ko ang sarili ko. Medyo nagusot ang mga damit ko pero bahala na. Kinuha ko ang suklay sa bag at sinuklay ang magulo kong buhok habang nakaharap sa malaking salamin. Wala na akong pakialam kung may magpapakitang multo sa salamin na 'to. Ang dapat kong gawin ngayon ay makalabas at makauwi.

Pansin kong gumalaw si Blake kaya napahinto ako. Akala ko ay hindi s'ya magigising pero mali ako, bigla s'yang nagising.

"Aalis ka? Anong oras na ba?" Tanong n'ya.

"4 na ng madaling araw. Ang galing mo, hindi mo ako ginising." Inis na sabi ko.

Kailangan kong umuwi dahil kailangan kong magpalit ng damit. Hindi ako papasok na ganito pa rin ang damit na susuotin ko sa school.

Umalis s'ya sa kama at binalot ang kumot sa beywang n'ya.

Tinatago pa. Ilang beses ko na bang nakita 'yun? Well, hindi ko alam kasi hindi rin naman ako nagbibilang.

"Hintayin mo ako. Maliligo lang ako." Aniya at pumasok sa banyo.

"Aalis na ako, bahala ka d'yan!" Inis na sigaw ko.

"Wait lang, saglit lang 'to. Five minutes lang." Aniya.

Muli akong umupo sa kama. Ano naman ang gagawin ng isang 'yun at naligo ng ganitong oras. Masyado naman yatang maaga para pumasok s'ya sa school.

Makalipas ang ilang munito ay lumabas na s'ya sa banyo saka nagbihis ng damit. Tama s'ya, mabilis nga lang. Sana nalinis n'ya ng maayos ang katawan n'ya.

"Papasok ka na?" Tanong ko.

"Sabayan na kita papunta sa inyo."

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Para may kasama ka. Medyo madilim pa sa labas." Aniya.

"Ano ako bata?" Natatawang sabi ko.

Hindi ko naman kailangan ng kasama. Hindi naman ako maglalakad. At isa pa, kaya ko ang sarili ko.

Hindi s'ya sumagot at kinuha ang susi ng motor n'ya. "Tara na."

"Ano ba ang gagawin mo?" Masyado pang maaga para umalis s'ya dito.

"Sabog ka ba? Kasasabi ko lang 'di ba? Sasamahan nga kita pauwi sa inyo, hihintayin kang makaligo at makabihis." Aniya. "At sabay na tayo papunta sa school."

"Hindi ko kailangan ng kasama sa pag-uwi."

Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. "One more thing, ililibre kita ng almusal."

Napabuntong-hininga ako. 

Sa pagkakaalam ko ay bawal tanggihan ang grasya. 

"Sige sige. Tara na nga."

Lumabas na kami ng apartment n'ya at sumakay sa kanya-kanya naming motor at saka ito pinaandar.

***

Malapit na kami sa bahay pero biglang huminto si Blake. Napahinto na rin ako at nilingon s'ya.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon