Chapter 40

987 17 2
                                    

Angel's P.O.V.

"Sorry nga pala kahapon." Sabi sa'kin ni Kio.

"H'wag mo na 'yun isipin."

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Hindi namin kasama si Blake ngayon dahil busy. Pero sa palagay ko ay umiiwas lang 'yun sa'kin. Hindi ko na kasi s'ya nakita ulit simula kahapon na kinausap ko s'ya. Hindi na rin kami nag-uusap sa social media. Pero malamang ay magiging ganoon talaga. Sa personal nga na kahit magkalapit lang kami sa isa't isa ay hindi na nag-uusap tapos sa social media pa kaya?

"Angel."

Inangat ko ang tingin ko kay Kio. Nakaupo kasi s'ya ngayon sa tapat ko dahil dalawa lang kaming nandito sa table. Pero kung nagkataong nandito si Blake ay malamang katabi ko na s'yang umupo.

"Bakit?" Tanong ko.

"May itatanong sana ako."

Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang itatanong n'ya?

"Ano 'yun?" -Ako.

"H'wag kang magagalit." Aniya.

"Oo naman." Natatawang saad ko.

Bakit naman ako magagalit? Parang baliw rin 'tong isang 'to.

"Anong nangyari sa inyo ni Blake?"

Hindi ako nakaimik kaagad sa tanong n'ya. Gayunpaman ay hindi rin ako nagulat sa tanong n'ya. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa amin ni Blake. Na sa tuwing magkasama kaming tatlo ay hindi na kami nag-uusap. Kapag sila ang nag-uusap ay tahimik lang ako. Pero kapag ako na ang kinausap ni Kio ay si Blake naman ang tatahimik.

"Nitong mga nakaraan ko pa kasi napapansin." Dagdag n'ya.

Hindi ako nakasagot kaagad sa sinabi n'ya.

"Nag-away ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi."

"So bakit hindi kayo nagpapansinan?" Tanong n'ya.

Hindi n'ya na rin siguro natiis na tanungin ako. Kasi kagaya ng sinabi n'ya, nitong mga nakaraan n'ya pa napansin.

"Ayoko sanang makialam pero alam mo na. Kaibigan n'yo rin naman ako. Kaya hindi ko na napigilang magtanong." -Kio.

Bilib rin ako sa pagpapanggap n'ya na para bang wala s'yang napapansin sa hindi namin pag-iimikan ni Blake.

"Nagpanggap na lang ako na parang wala akong napapansin. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin ang sa inyong dalawa."

Oo nga naman. Kahit naman sino ay mapapansin talaga ang ganoong sitwasyon. Lalo na at sanay kaming tatlo na mag-usap tapos biglang hindi na nagpansinan ang dalawa sa amin.

Ngumiti ako ng mapait. "Wala eh. Ganoon talaga."

Kumunot ang noo n'ya. Halatang hindi n'ya naintindihan ang sinabi ko.

"Ha?" -Kio.

Napabuntong hininga ako. "Umamin kasi ako na gusto ko s'ya."

This time, s'ya naman ang hindi nakaimik.

"Ewan ko. Basta nagising na lang ako na may interes sa kanya. Hanggang sa napaamin ako na wala sa oras." Dagdag ko.

Hindi pa rin s'ya nakaimik at nanatiling nakatingin sa'kin. Halatang hindi n'ya inasahan na sasabihin ko 'yun sa kanya ngayon.

"Kaya ayun, kinabukasan pakatapos kong umamin. Hindi n'ya na ako pinansin. Hindi n'ya na ako kinausap. At hindi ko alam kung ganito na ba kami habang buhay." Sabi ko. "Kinausap ko s'ya kahapon. Tinanong ko kung pwede ko ba s'yang makausap pero ang sinabi n'ya ay busy pa s'ya at saka na lang. Pero tingnan mo, hindi na nagpakita sa'kin."

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na magsalita. Ilang araw ko rin kasing kinikimkim itong nararamdaman ko. At sa tuwing magkakasama kami at hindi ako pinapansin ni Blake ay alam ko at ramdam kong nasasaktan ako.

S'ya ay papalayo nang papalayo pero ako naman ay mas gustong lumapit sa kanya. Ang gulo na.

"Akala ko, nag-away lang kayo." Sabi n'ya.

"Kelan ba kami nag-away ng isang 'yun na umabot kami sa punto na mahigit isang linggong hindi nagkikibuan." Sabi ko.

Minsan nagtatampo s'ya sa'kin at minsan naman ay nagtatampo ako sa kanya. Pero hindi kami umaabot sa ganito. Na mahigit isang linggo kaming hindi nag-uusap.

"Akala ko kasi matinding alitan." Aniya.

Umiling ako. "Hindi naman kami nagsigawan n'yan. 'Yun lang naman ang ginawa ko. Umamin ako sa kanya kaya hindi na ako kinausap."

Masasabi ko bang nag-away kami kapag ganito? Para sa'kin ay hindi naman kami nag-away. Sadyang hindi n'ya lang ako gusto kaya ganito ang nangyari.

"Magkakagusto ka na nga lang kay Blake pa." Aniya.

"Bakit?" Tanong ko. "Ano bang meron sa kanya."

Mabait naman kasi s'ya. Wala namang mali sa kanya.

"Halata naman kasing hindi pa s'ya ready mag-girlfriend ulit." Aniya. "Marami s'yang mga nakausap na babae noon, pero hindi naman nag-wo-work. Hanggang chat lang and then hindi na nila kakausapin ulit ang isa't isa."

"May kausap pa rin ba s'ya hanggang ngayon?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Wala na s'yang kinakausap. Matagal na."

"Bakit?" Tanong ko dahil baka alam n'ya.

"Kasi wala rin naman na s'yang balak pumasok sa relationship sa ngayon." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako. Pero bukod naman siguro sa wala s'yang plano mag-girlfriend muna. Siguro ay hindi katulad ko ang type n'ya.

"Kaya siguro tinanong mo sa'kin ang tungkol sa ex n'ya."

Natawa ako ng mahina sa sinabi n'ya. "Oo." Pag-amin ko.

Wala lang. Gusto ko lang malaman kung ano ba ang type ni Blake sa babae at kung bakit sila naghiwalay ng ex n'ya.

"Pero akala ko ba dapat ay friends lang?" Tanong ni Kio.

Nawala ang ngiti ko sa labi. Oo nga pala. Ako ang unang nagsabi sa kanila na hanggang friends lang.

"Kaya nga eh." Sabi ko. "Kinain ko lang rin ang sinabi ko."

Ang lakas pa ng loob ko noon. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako magkakagusto sa kahit sino sa kanilang dalawa. Pero ano 'to? Anong 'tong pagiging uhaw ko sa atensyon ni Blake?

Bahagya s'yang natawa. "Hindi pa rin ako makapaniwala."

Kahit ako ay hindi rin makapaniwala.

"I mean, si Angel ka eh. Sa dami ng pinagdaan mo sa past. Ikaw 'yung babaeng mahirap na magtiwala at halatang hindi magkakagusto kaagad ng bagong lalaki. Ikaw ang tipong hindi kaagad papasok sa relationship dahil sa trauma na pinagdaanan mo noon." Aniya.

Hindi ako nagsalita.

Tama naman s'ya tungkol sa trauma. Kahit na naka-move on na ako ay hindi ko pa rin maalis ang takot at kaba ko sa relationship na 'yan. Pero dahil kasi sa nararamdaman ko kay Blake. Para bang gusto kong mag-try ulit na hindi.

"Kaya walang mag-aakala na may magugustuhan kang lalaki sa ngayon. Hindi ko rin akalain na magkakagusto ka pala kay Blake."

Napasandal ako sa inuupuan ko. "Pero gusto ko s'yang makausap."

Napabuntong hininga ako.

"Gusto ko s'yang kausapin pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakasikip kasi ng dibdib ang sitwasyon namin. Hindi ako sanay at parang lumalayo talaga s'ya." Sabi ko. "No! Hindi parang. Talagang lumalayo s'ya."

Hindi na umimik pa si Kio at maging ako rin ay hindi na. Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa naisipan naming kumain na muna bago bumalik sa kanya-kanya naming room.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon