Chapter 2

6.3K 63 2
                                    

Angel's P.O.V.

Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer. Ayaw kong umaalis na basa pa ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit pero simula noong naging maarte na ako sa katawan, ang gusto ko ay hindi basa ang buhok ko sa tuwing lumalabas ako.

Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko si ate Avery pagkalabas ko dahil magkatapat lang kami ng kwarto. Hindi n'ya ako pinansin at naunang umalis. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa nakababa kami papunta sa sala. Nandoon naman ang isa ko pang nakababatang kapatid na si Alice na kasalukuyang nag-aaral. Malamang sa malamang ay hindi na naman 'yon natulog at nag-aral buong gabi.

Nakita kong pumunta si ate sa kusina, kakain na yata ng agahan. Hindi pa ako nagugutom kaya lumabas na ako ng bahay. At saka ayaw kong kasabay ang ate ko sa pagkain. Baka mamaya ay magpaparinig na naman s'ya. Hindi ko pa nakikita sina mommy at daddy, siguro ay tulog pa sila. 4:30 am pa lang kasi kaya masyado pang maaga para gumising na ang mga magulang ko. Ako naman ay balak kong lumabas dito sa bahay. Ang ate ko ay maaga rin nagigising dahil malayo pa ang school na pinapasukan n'ya at takot s'yang ma-late. Itong kapatid ko naman na isang babae ay walang ibang atupag kun'di ang pag-aaral. Katulad n'ya rin ako dati. Grabeng pagsusunog ng kilay ang ginawa ko noon. Pero sa isang iglap ay nagbago ang lahat.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa motor. Pinaandar ko na ito at nag-drive. Tatahakin ko na sana ang daan papunta sa school pero naalala ko, masyado pang maaga para pumasok. Kaya sa halip ay sa apartment na muna ni Blake ako pumunta. Pagkarating ko sa tapat ng apartment n'ya ay pinarada ko ang motor ko saka bumaba at hinubad ang helmet.

Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Blake. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Pero hindi sa pinto ng tirahan ni Blake kun'di ang pinto ng kapitbahay n'ya. Nang nakita ako ng kapitbahay n'ya ay kaagad n'ya itong sinara. Muli akong kumatok sa pinto ng bahay ni Blake at maya-maya ay bigla itong bumukas.

"Ang aga mo naman mambulabog." Aniya at halatang kagigising lang.

"Nagugutom ako." Sabi ko.

Hindi ko alam pero kapag nasa bahay ako ay hindi ako nagugutom. Pero kapag nasa ibang bahay na ako ay saka ako nakakaramdam ng gutom.

Tuluyan n'yang binuksan ang pinto at pumasok naman ako. "Anong pagkain ang meron dito? Papalitan ko mamaya." Sabi ko.

"Talaga? Papalitan mo?" Pilosopong sagot n'ya.

Baka na-trauma na sa'kin. Minsan kasi ay nakikikain ako dito pero hindi ko naman talaga pinapalitan ang mga pagkain n'ya.

Pasensya na Blake. Wala akong pera minsan kasi.

"Oo nga. So ano nga ang pagkain mo dito?"

"Cereal at gatas lang." Sagot n'ya.

"Walang iba?" Tanong ko.

"Bakit kasi hindi ka kumain sa inyo. Edi sana nakain mo ang gusto mong kainin."

Tiningnan ko s'ya ng masama. "Kapag sinabi mo pa 'yan ulit. Tatagos itong kamao ko sa likod mo." Pinakita ko sa kanya ang kamao ko.

Alam n'yang nahihirapan ako sa sitwasyon namin ng family ko tapos sasabihin n'ya 'yun?

Itinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay. "Sorry. My bad."

Hindi ako umimik at kumuha ng isang bowl at kutsara. Naglagay ako ng cereal at kinuha ang gatas sa apartment size refrigerator n'ya. Pagkatapos ay tahimik na kumakain sa nag-iisa n'yang upuan. Kunot noo lang s'yang nakatitig sa'kin habang nakaupo s'ya sa kama n'ya.

"Bakit?" Masungit na tanong ko.

"Ang takaw mo."

Inirapan ko lang s'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon