Chapter 11

3.1K 38 0
                                    

Angel's P.O.V.

"Nasa loob si ate na masungit. Nagbabantay rin." Rinig kong sabi ng isang batang lalaki sa labas.

"Ah 'yung babaeng sumigaw ng malakas noong nakaraan?" Sagot naman ng isang lalaki.

"Oo, nand'yan sa loob kasama ni ate Cherry."

"Bahala na. Maglalaro pa rin ako. Tara na."

Sandali, ako ba ang tinutukoy nila? Masungit ba ako? Hindi naman ako masungit ah.

Biglang bumukas ang pinto dito sa computer shop at pumasok ang dalawang bata. Itong isang bata mukhang napansin kong nandito s'ya sa loob kanina at lumabas. Tapos ngayon ay pumasok ulit.

Nandito ako ngayon sa computer shop namin ni Cherry dahil gusto ko munang magbantay. Ayaw ko na munang umuwi sa bahay at hihintayin ko na lang na matulog silang lahat saka ako uuwi. 4:00 pm na at galing pa ako sa school. Maaga akong umalis sa bahay kanina, 4:00 am. Pero late na ako uuwi mamaya. Hindi pa naman ako pagod, hindi uso sa'kin ang salitang pagod. Mas mapapagod ako kapag nasa kwarto lang ako at walang ginagawa. At kung busy ako, mas makakalimutan ko ang mga bagay na nagpapasira ng araw ko.

Lumapit sa'kin ang isang bata na kakapasok lang.

"Ate pwede po sa PC #5? Half hour lang po." Magalang na tanong nito.

"Ha? Ano?" Medyo napalakas ang boses ko. "Half hour lang?" Tanong ko.

Bigla s'yang natakot sa tanong ko. "O-opo, half hour lang. Pwede po ba?"

"Hoy! Tinatakot mo naman ang bata." Siko sa'kin ni Cherry kaya nilingon ko s'ya.

"Anong tinatakot? Tinatanong ko nga kung tama ba ang narinig ko." Sagot ko.

"Pero bakit kailangan mong sumigaw?" Natatawang tanong ni Cherry.

Sumigaw?

Napakunot ang noo ko. "Sumigaw ba ako? Hindi naman ah." Muli kong nilingon ang bata. "Sumigaw ba ako?"

Kaagad na umiling ang bata pero halatang natatakot pa rin sa'kin. "H-hindi po."

"Okay, half hour. Punta ka na doon." Sabi ko.

Kaagad na umalis ang bata at sumama naman sa kanya ang batang kasabay n'yang pumasok.

"Kung ikaw siguro ang magbabantay buong araw, walang papasok dito." Sabi ni Cherry sa'kin.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Natatakot sila sa'yo eh. Kaninang wala ka maiingay 'yang mga 'yan. Tapos ngayong nandito ka na, nagsisisigaw ka na d'yan kaya nagsitahimik sila."

"Uy, tatlong beses lang akong sumigaw." Sabi ko at muling tinutok ang atensyon sa monitor.

Aaminin kong sumigaw ako kanina, pero kapag sobrang ingay na nila. Tsaka hindi naman siguro sobrang lakas ng sigaw ko. Sakto lang.

Ngayon ko lang rin napansin na mahihina na ang boses ng mga bata dito at hindi kasing lakas kaninang pagpasok ko. Siguro ay natakot nga sila sa sigaw ko. Pero sigurado naman akong hindi malakas ang sigaw ko, sadyang minsan ganoon na kalakas ang tono ng boses ko. At oo sinabi kong sanay ako pagdating sa ingay. Pero iba pa rin ang ingay na naririnig ko sa mga batang naglalaro dito. Ingay na hindi kakayanin ng tenga mo. Except sa ingay sa loob ng club. Ganoong ingay lang ang tinatanggap ko.

Ewan ko ba.

"Anong oras ka pala uuwi?" Tanong sa'kin ni Cherry.

Mukhang balak n'ya ulit matulog.

Nilingon ko s'ya. "Sige pwede kang matulog d'yan. Dito lang ako hanggang magsasara ka na." Sabi ko sa kanya.

"Good." Ngisi n'ya at natulog sa inuupuan n'ya.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon