Chapter 26

1.1K 16 0
                                    

Angel's P.O.V.

Pumasok na ako sa bahay. Sinadya kong mag-asikaso sa sarili ko upang makababa na ako kaagad sa sala dahil aasarin ko pa ang kapatid kong si Alice. Pagkababa ko ng sala ay nandoon na rin s'ya. Nang napalingon s'ya sa'kin ay nginitian ko s'ya.

"What?" Inis na tanong n'ya.

H'wag na h'wag n'ya akong bigyan ng ganyang pag-uugali at baka pagsisihan n'ya pa.

Umiling ako. "Wala naman." Tugon ko at umupo sa tapat n'ya.

Binuksan n'ya ang TV at nanood ng palabas. Nakinood na rin ako dahil wala rin naman akong ibang gagawin dito sa baba. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Napalingon naman s'ya sa'kin ulit.

"What?" Inis na tanong n'ya.

Talagang sinusungitan n'ya pa rin ako.

"S'ya pala ang nag-bake ng mga cupcakes?" Tanong ko at pagtukoy ko sa boyfriend n'ya.

"Oo at ano naman ngayon?" Inis na tanong n'ya.

"Wala lang. Sinabi ko pala sa kanya na hindi masarap ang mga cupcakes."

Kinunutan n'ya ako ng noo. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya na nasa tabi n'ya lang at kinalikot iyon. Malamang ay nag-chat s'ya sa lalaking 'yun. Pero hindi ko naman talaga sinabi na hindi masarap ang cupcake na gawa nito.

Muli n'yang ibinalik ang tingin n'ya sa'kin. "What do you want?" Pagtataray n'ya.

Nagkibit-balikat ako. "Hinihintay ko lang si daddy. May sasabihin kasi ako sa kanya." Sagot ko. "Importante lang."

Nagbago bigla ang expression ng itsura n'ya. Napalitan iyon ng takot.

Napa-smirk ako sa kanya. Tama 'yan, dapat matakot ka sa'kin.

"Subukan mo lang." Aniya.

Alam ko na ang ibig n'yang sabihin ay isusumbong ko s'ya kay daddy na nakipaghalikan s'ya sa labas kung saan may pwedeng makakita sa kanila. Pero tama lang na isipin n'ya 'yun, para matakot s'ya sa'kin.

"Bakit? Ano ba ang mangyayari kapag ginawa ko?" Tanong ko.

Hindi s'ya nakasagot kaagad. Halatang nag-iisip muna kung ano ang isasagot n'ya.

"Basta. Subukan mo lang. At hinding hindi mo magugustuhan ang mangyayari." Aniya.

Ako pa talaga ang tinakot n'ya.

"Bigyan mo muna ako ng clue kung ano ang mangyayari sa'kin." Sabi ko.

"Secret lang para surprise." At nag-smirk pa s'ya.

Ang sabihin n'ya, wala s'yang bala para sa'kin. Hindi ko naman kasi pinapakita sa kanila ang katarantaduhan ko.

"Oh my gosh, I'm so scared na." I said sarcastically.

"Talaga. Dapat lang."

Napa-smirk ulit ako at hindi nagsalita. Maya-maya ay narinig na namin ang sasakyan ni daddy.

"Hmm. Parang si daddy 'yun ah."

Binigyan n'ya ako ng masamang tingin. Takot na takot?

Maya-maya ay pumasok na sina mommy at daddy dito sa loob ng bahay. Kaagad naman kaming nag-mano ng kapatid ko.

"Naunahan mo yata kaming umuwi ngayon." Sabi sa'kin ni daddy.

"Yes dad, mabuti nga at nauna ako." Sagot ko kay daddy sabay tingin kay Alice na ngayon ay muling nakaupo sa inupuan n'ya kanina. 

Hindi ko na mabasa ang itsura n'ya. Para s'yang takot na naiinis.

"Bakit?" Tanong ni daddy sa'kin.

Napaiwas ng tingin ang kapatid ko at binalik ang tingin sa TV pero alam kong nakikinig pa rin s'ya sa'min.

"Wala lang po. 'Di ba mas okay kung nauuna ako?" Sabi ko.

"Oo naman para hindi ka na ginagabi masyado ng uwi."-Daddy

Pansin kong nakahinga ng maluwag ang kapatid ko. See? Wala s'yang bala para sa'kin. Dahil kung meron, malakas ang loob n'yang lapitan kami at makisali sa usapan. Anyway, wala naman akong plano na isumbong s'ya. Gusto ko lang s'yang takutin para hindi n'ya uulitin.

"Akyat na po ako. Mamaya na lang po ako kakain. May tatapusin lang po ako." Sabi ko at naglakad na. Habang paakyat ng hagdan ay nakatingin lang ako kay Alice. Nginitian ko s'ya na mapang-asar. Inirapan n'ya naman ako.

Ugali n'ya talaga. Ewan ko na lang.

Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama. Ang totoo n'yan ay wala akong gana kumain at gusto kong umidlip na muna.

***

Nandito ako ngayon sa school grounds at kasalukuyang nakaupo dahil wala pa akong klase. Tanaw-tanaw ko na ang boyfriend kong papalapit sa'kin na may dalang kape. Inutusan ko kasi s'yang bumili ng kape cause why not 'di ba? Nang nakalapit na s'ya ay umupo s'ya sa tabi ko at inilapag ang kape sa tapat ko.

"Baka mamaya n'yan ay may gusto ka pa?" Aniya.

"Hindi wala na. Kape lang talaga."

"Ayan kasi. Nagpuyat ka na naman siguro kagabi kaya inaantok ka ngayon." Sabi n'ya.

"May tinapos lang ako kagabi." Sagot ko.

"Tsk. Dapat hindi mo pa rin pinapabayaan ang sarili mo. Baka mamaya n'yan ay mapaano ka pa."

Napairap ako. "Hindi pa ako mamamatay."

"Ay hindi ka pa talaga pwedeng mamatay." Aniya. "Kasi magpapakasal pa tayo."

Ayan na naman s'ya sa pagiging ganyan n'ya.

Inis ko s'yang binatukan. "Alam mong ayaw ko ng ganyan 'di ba?"

"Bakit ba? Naglalambing lang naman ako sa'yo ah." Aniya. "Ayaw mo ba akong pakasalan?" 

Tinitigan ko lang s'ya ng seryoso. Alam n'yang ayaw ko ng mga ganyan. Corny masyado. Hindi ganyan ang love language ko. Well noon, ganoon ang gusto ko. Pero iba na ngayon. 

"Sabagay, sino ba naman ako para pakasalan mo."

Hindi pa rin ako kumibo at tinitigan lang s'ya. Isa pang drama n'ya at mababatukan ko ulit s'ya.

Maya-maya ay hindi n'ya na napigilan ang tawa n'ya. "Fine, sorry na." Niyakap n'ya ako.

Inis ko s'yang siniko pero hindi s'ya natinag. "Nasa school tayo."

"Alam ko." 

"Ano ba." Inis na sabi ko. "May makakakita sa'tin dito. Baka mamaya ay sabihin nila na naglalandian lang tayo dito."

"Hayaan mo sila." Aniya.

"Hay naku." Lalo akong nainis.

"Ay sorry na love." Aniya at kumalas na. 

"Kasi naman eh." Naiinis pa rin ako.

Bigla n'yang inangat ang hood ng jacket na suot-suot ko upang tuluyan itong maisuot sa ulo ko. Lumapit s'ya sa'kin at hinalikan ako. Ginamit n'ya ang hood ng suot ko upang walang makakita sa kiss namin.

Nakangiti s'yang lumayo pagkatapos.

"Sira ka talaga." Sabi ko sa kanya. "Baka mamaya ay may nakakita pala sa'tin dito."

"Kapag nagsalita ka pa, uulitin ko ang ginawa ko pero mas matagal na." Banta n'ya.

Hindi na ako umimik pa at ininom ang kape na binili n'ya para sa'kin.

"Good girl." Sabi n'ya.

Bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. Kaagad ko itong pinatay.

"Wait. What?" Hindi ko napigilan ang mapalakas ang boses ko.

Anong klaseng panaghinip 'yun? Si Blake naging boyfriend ko?

"Si Blake? Naging boyfriend ko sa panaghinip?"

Natawa ako saglit pero kaagad rin namang naging seryoso.

"Pero ang sweet n'yang maging boyfriend."

Pinagsasabi mo Angel?

Inis akong umalis ng kama.

"Pero ang weird ng panaghinip kong 'yun. Parang totoo."

Parang totoo s'ya. 'Yung yakap at kiss. Parang totoo kasi naramdaman ko.

"Baliw na yata ako. Makapag-asikaso na nga."

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon