DIVULGENCE 02

575 9 2
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


I dialed Ruce's number and hit the call button. "What happened?" nag-aalalang tanong ko habang nilalaro ang ballpen sa kamay ko.

"Atlas Chen is dead. Natagpuan siyang walang buhay sa condo unit niya ng isa sa mga housekeepers," he stated from the other line.

"W-What?" naguguluhang tanong ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggap ng isip ko ang impormasyong sinabi niya.

"I'll just send the details and the location, sumunod ka na lang," he said submissively and ended the call. He texted the details and location. Sa memorial ang location, marahil ay nasa burol na siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nakaburol na siya gayong kagabi lamang siya natagpuang patay ayon sa ibinigay na impormasyon ni Ruce sa akin.

Mabilis kong kinuha ang coat ko at lumabas sa conference room. Mag-isa ko lang sa conference room dahil nauna na ang mga kasamahan kong lumabas. Our meeting about the suicidal act of Adrielle Esmeralda was adjourned earlier.

Adrielle Esmeralda is the stepdaughter of Chief Gusion, kaya hindi niya na pinahaba pa ang usapan at tinapos na lamang 'yon ng hindi nagimbestiga dahil malinaw namang nagpakamatay ang anak niya.

Mint Thriven, a police technician, opposed him, pero wala siyang nagawa ng isarado na ang kaso. Kahit na suicide ang kaso ay kailangan pa ring imbestigahan 'yon pero dahil si Chief Gusion na rin ang nagsabi at siya rin ang may custody kay Adrielle, walang ibang nagawa si Mint kundi makinig na lamang.

Wala talaga siyang magagawa o habol sa kaso dahil ang trabaho niya ang magmando ng batas trapiko, lutasin ang mga minor crimes at magasikaso ng mga paperwork. Doon siya naka-assign bilang isang police technician.

"Deputy, pakiramdam ko talaga may mali eh," bungad ni Mint sa akin na nakaabang pala sa labas ng pinto. I was taken aback, but I still managed to act normally. Tumikhim ako at umayos ng tindig habang nakapatong ang coat ko sa kanang kamay.

"What do you mean?" I asked curiously, scrunching my brow in perplexity.

"Para kasing may tinatago si Chief. Bakit ayaw niyang lumabas sa balita ang pagkamatay ng anak niya? Bakit kailangan niyang sabihing nag-focus na sa pag-aaral at bumitaw na sa pagmomodel ang anak niya sa media?". Nagtataka niyang tanong sa akin na tila ba naguguluhan. He has a point. Hinahangad niyang maging Corporal kaya pinagbubutihan niya ang pagiging Police Technician at pagkuha ng degree para umangat ang ranggo niya at maging ganap na Corporal.

"Chief si Gusion, Mint. Hindi siya papayag na madungisan ang pangalan niya dahil once na mangyari 'yon ay wala ng magtitiwala sa kaniya," I explained to him and tapped his shoulder. "Kung ikaw ang tatanungin ko, gusto mo bang malaman ng publiko na nagpakamatay ang anak mo? Hindi mo pa naiisip at naiintindihan 'yan sa ngayon dahil bata ka pa at wala ka pang anak. Nahihirapan din si Chief ngayon kaya sana maintindihan mo siya," I added and elaborated. I fixed his badge before leaving.

Hindi rin naman na siya sumagot kaya iniwan ko na siya, marahil ay iniisip ang pinupunto ko. Hindi ko masyadong kilala sa Chief Gusion kaya wala akong alam sa kaniya, ngayon ko rin lang nalaman na anak niya ang kilalang modelo.

I maneuvered my Maybach and drove to Memorial Park. Walang masyadong tao maliban sa mga malalapit na kamag-anak ni Atlas. That's odd. Ang inaasahan ay dadagsain siya ng estudyante ng ACIS pero kahit isa ay wala akong makitang estudyanteng nakauniporme.

"Condolence," mahina kong tinapik sa balikat ang kapatid ni Atlas. Walang asawa't anak si Dean Atlas, kaya ang nag-iisang kapatid at lima pang kamag-anak na hindi pamilyar sa akin ang nakiramay.

Hinila ko si Ruce sa isang tabi kung saan kami lang ang makakarinig sa pag-uusapan namin. "Is it a natural cause of death or something you know?" I queried in a low tone.

"He was killed by someone who goes by the codename of A," he begins as he talks seriously. "Sinubukan kong alamin ang iba pang detalye pero ayaw ibigay ng kabilang HQ."

I just nodded and went back to our seats. I do understand na hindi p'wedeng ibigay sa iba ang mga confidential information ng investigation lalo na sa ibang official na hindi kabilang sa HQ nila hangga't hindi sila nagre-request ng tulong. Batas 'yon na kailangang sundin kaya wala akong magagawa kahit pa gamitin ko ang posisyon ko bilang pangalawang pinakamataas sa ranking ng mga parak.

"This morning, Bert Sun, a teacher in ACIS, died. Wala na akong ibang alam maliban doon, limitado ang impormasyon. Hindi nagpapapasok ang WCIS ng ibang parak maliban sa South HQ. Balita ko ay pinapatigil na rin ng pamunuan ng WCIS ang pag-iimbestiga nila. Ang mga shareholder ang nagma-manage sa Christian school," mahabang litanya niya sa mababang boses habang ang paningin niya ay nasa labi ni Atlas.

"Ayaw lumabas ng mga shareholder ang patayang nagaganap sa loob ng WCIS dahil baka magsilipatan ang mga estudyante at wala ng mag-enroll sa paaralan nila," he added.

"Ang YG Forensics ang kumuha sa bangkay ni Bert Sun pero inilipat 'yon sa SC Forensics. Ayon kay Masha Tanck ay walang naganap na autopsy at basta na lang dinala ang bangkay sa purinarya at pagdating nila ay naka-formaline na ang katawan kaya wala na siyang nagawa pa. Ayaw makialam ng YG at ang subordinate nitong SC Forensics," mahabang paliwanag niya at sinigurong kami lang ang nakakarinig ng mga sensitibong pinag-uusapan namin.

Good thing, Ruce knew about it. That's the best thing in him, mabilis at maagap siyang kumuha ng impormasyon sa maikling panahon. Hindi man kompleto pero mahalaga at makabuluhan pa rin.

That's why I asked Brint to apply as a guard or whatever job is available inside the forensics company so he could gather information and investigate the manipulation. Unfortunately, hindi siya natanggap sa YG kaya sa SC Forensics siya nag-apply ngayon. Samantalang si Argus na kanina lang nag-apply bilang security guard ay natanggap kaagad. Minsan, nag-aalalangan ako kay Brint, kasi hindi siya approachable at mahirap siyang kausap kaya malamang ay hindi natanggap. Kadalasan kasi ay gusto niyang siya ang nasusunod.

"Condolence, aalis na po kami," paalam ko sa kapatid ni Dean Atlas.

"P-Parang awa mo na, alamin mo kung sino ang may gawa nito," her voice cracked as she pleaded. "B-Binayaran kami ng mga shareholder para manahimik at iwasang ilagay sa alanganin ang WCIS p-pero hindi ko kayang manahimik na lang at manood. Tulungan mo ako," she pleaded earnestly, almost kneeling down.

Marahan ko siyang inalalayang tumayo ng maayos. "I will do everything to attain the justice he and you, as his family, deserve," I remarked, emphasizing my word, which sounds like swearing. I excused myself and bid good-bye to the family.

Hindi ko na naabutan pa ang sasakyan ni Ruce na katabi lang ng Maybach ko kanina. Marahil ay iniwan niya na ako, mainipin man din 'yon. I maneuvered my car and drove to WCIS. Alam kong hindi nila ako papapasukin kaya sa labas lang ako mag-oobserba at maghahanap ng lagusan kung saan makakapasok ako ng walang makakakita at makakapansin. Nag-park ako sa 'di kalayuan kung saan walang makakapansin sa akin.

Mataas ang bakod ng naturang Christian school, kaya wala rin akong makita sa parameter ng school. Wind Christian International School. The four words were etched on the facade of the main building of the school.

Christian School? Isn't it a nonsensical logic? It is a religious school, but there's a serial killing. It is absurd as fuck. They might think that they are safe since it is a Christian school and students are commonly disciplined and act like sheep. However, little did they know that a lunatic was enrolled in their school.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now