DIVULGENCE 17

558 8 1
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


Walang pakundangan akong tumayo at inisang hakbang ang pagitan namin. Marahas ko siyang kinuweluhan dahilan upang bahagya siyang umangat sa kinauupuan.

"Shut up!" my voice thundered as I showered him with my deadliest death glares.

He hissed and smirked. "Masyadong kang defensive." Marahas niyang tinabig ang kamay ko kaya nahulog 'yon sa ere.

"'Wag kang magsasalita ng kahit anong tungkol sa anak ko. Naiintindihan mo ba?" I roared like a lion and snatched the file from his hand. Mabilis ang kanang kamay ko para muli siyang kwelyuhan at mabilis rin ang naging kilos ng kaliwang kamay kong agawin ang personal information ni Jayshie bago niya pa mabuklat ang puting folder.

Alam kong nabasa niya na ang laman ng folder kaya wala ring silbi kung kukunin at itatapon ko ito. Pero sa gan'ong paraan ko gustong ilabas ang galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong nakakarinig ng tungkol sa anak ko lalo na kung sa labi niya mismo manggagaling.

Pabagsak ko siyang tinulak at tinapunan ng masamang tingin bago lumabas ng opisina niya. I threw the folder on the shotgun seat and drove back to ACIS. I hove a deep sigh and calmed myself. Hindi ko dapat dalhin ang pagkabugnot ko kay Chief Gusion sa ACIS. I should act professionally.

My child is innocent.

"ANONG GINAGAWA mo dito? Hindi ba oras ng klase ngayon?" tanong ko nang malasalubong si Schy sa bukana ng hagdan.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat ngunit agad ding nakabawi. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba oras ng trabaho ngayon?" He mimicked my tone and statement. Siya lang ang estudyanteng hindi takot sa akin bukod sa anak ko.

"Schy Lander, you're being rude," I said in a firm voice. Pero instead na masindak ay mas lalo siyang ginanahang asarin ako. Well, I'm used to it. He's not Schy if he doesn't annoy me.

"Anong rude ka d'yan? Baka naman gusto mong ibalik ang cellphone ko? Baka isinanla mo na 'yon?" panunumbat niya. It's been three days since I confiscated his phone pero ngayon niya lang naalala.

"Get it to Deotoronomy. Binigay ko sa kaniya ang phone mo 'nong isang araw pa," I said, irritated. Aware ako na magkapatid silang dalawa pero wala na akong ibang alam bukod d'on.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" inis na tanong niya at pinandilatan ako ng mata. The audacity! Siya pa ang galit. Minsan iniisip kong may saltik 'tong batang 'to.

"Ngayon mo lang tinanong," inis na sagot ko na parang nakikipag-away sa bata. "Galangin mo ako! Mas matanda pa rin ako sayo at ako ang tumatayong Dean ngayon!" I pointed him using my index finger and sent him glares.

Hindi niya—nila ako ginagalang dahil ang alam nila ay ako ang nagmamanipula ng pangyayari dito sa ACIS. Sino nga bang gagalang sa isang manipulator? Maikokonsidera akong accessory of the crime, kung hindi lang ako undercover na parak dahil sa ginagawa ko.

"Sorry, na po Lolo," he smirked and chuckled. "Ang galang ko diba?" he stated mockingly. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, basta ang alam ko lang ay hindi siya magandang impluwensiya sa anak ko o ang anak ko ang hindi magandang impluwensiya sa kaniya. I don't know.


𝓒𝓱𝓸𝓾𝓷𝓻𝓲𝓸 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓿𝓪𝓻𝓲𝓪

"Good morning, sir," the receptionist plastered and flirty smile and winked at me. Malandi. I don't like her.

If I were her boss, I would fire her immediately with no second thought. Basically, mali ang pagkakasuot niya ng uniform, nakabukas ang ilang butones ng long sleeve niya kaya kitang-kita ang nakaluwa niyang dibdib. Masyadong manipis ang suot niyang pang-itaas at gumamit pa siya ng puting push-up brassiere kaya nakabakat iyon. She should have worn a red brassiere, para hindi bumakat ang panloob niya kung puti ang gagamitin niyang topper. Stupidity at its finest!

Hindi ganoon karami ang alam ko sa babae lalo na sa gamit at damit nila pero kailangan ko 'yun malaman dahil may kapatid akong dalawang babae. They are actually twins, Mixile and Maxine Salavaria.

I scoffed and hissed at the same time. "The keycard," I requested annoyed, I mean commanded.

I don't like malandi. It is not proper for a girl to flirt with a guy. That's a great turn-off from my perspective. I should have been the one who flirted with them, because I'm a guy. I know it's a double standard thing, but heck, hindi kasi magandang tignan lalo na sa babae. Trabaho ng lalaki ang lumandi, samantalang trabaho ng babae ang magpalandi. That's how I see it.

"Yes, sir," she said, trying to change her voice to a sexy one that made me cringe. Pinadaan niya ang keycard na hinihingi ko sa nakaluwa niyang dibdib at iniangat padaan sa malalim na clevage at leeg bago niya hinalikan.

Nakakadiri. She should have considered na maaaring milyon-milyong bacteria ang ma-transfer sa keycard. Call me OC or whatever, pero ayoko ng ganoon.

"Are you a prostitute?" Hindi ko napigilang magtanong dahil nakakaasiwa na ang kilos niya. If she's my type, ako na mismo ang lalandi sa kaniya, but that's not the case. She's not my type. She doesn't even reach half of my standard.

"I'm not, but I can be one for you." Malandi pa ring sabi niya na ikinalukot ng mukha ko. She is disgusting as fuck. She is not a prostitute but what she's doing tells me that she is. Hindi lang simple ang ginagawa niya paglalandi sa akin. Kung kumilos siya ay para siyang beterana sa illegal na gawain.

"Sanitize the keycard before handling it to me," I ordered her, as my face was distorted, disgusted by her actions. If she's thinking that what she's doing will make my throne arouse, well, that's not likely to happen. I'm even more disgusted and irritated at the same time.

"What?" hindi makapaniwalang bulalas niya at kumunot ang noo. Did she expect that I would fall for that? Nah, that's not my thing. I have a lot of b*tches who are better than her.

"Where's your manager? Can I talk to him instead?" I'm losing my patience with this shit. I still need to do a lot of things, but she's wasting my time.

"I'm sorry. Here's your keycard. Room 69, fourth floor," maagap niyang saad bago ko pa maipatawag ang manager nila.

69? Tsk, she's implying something, but I don't fucking fall for that.

"Change it," I commanded bossily, referring to the keycard. Kahit na napunasan niya na 'yun ng wet wipes ay pinapalitan ko pa rin. Naniniguro lang ako, baka may sakit na kumapit dun at mahawa pa ako.

"Here is your new keycard, room 74, fourth floor," napapahiyang usal niya at nagbaba ng tingin. Sa mga oras na ito ay paniguradong nandidiri na rin siya sa sarili.

Inis kong inabot 'yun at tinalikuran siya. I used the elevator and went to room 74. I'm at an exclusive motel, Motel X, at hindi ito ang unang beses na makapunta ako dito. Tinahak ko ang tahimik na hallway at lumiko sa gawing kanan. Napangiwi na lamang ako ng makasalubong ang couple na naglalapaan sa daanan. They should get a room, hindi 'yung ganitong nag-P-PDA sila. Maybe they already booked a room at sadyang uhaw na uhaw lang talaga sila.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now