DIVULGENCE 40

98 3 1
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


THE OWNER of ACIS, Selena Esmeralda, was arrested at Vightrine Hospital. She was stabbed by Artemis. Naabutan namin siya ni Reece na walang malay at duguan sa kitchen ng kanilang mansion samantalang nadatnan namin si Deotoronomy Vander na nanghihingalo sa harap ng kanilang mansion. They are both in the hospital and were confined. Parehas na kritikal ang lagay nila dahil maraming dugo ang nawala sa kanila. Fortunately, eksaktong dumating ang ambulansya ng makarating kami doon.

"This is the end, I think," Brint said. Parehas naming tinatahak ang hallway na papuntang kwarto ni Miss Selena Esmeralda.

"Yeah, right, but there is still something to divulge," makahulugang sabi ko. I'm referring to Chief Gusion's wicked scheme.

"Deputy!" a familiar voice shouted from the back. Nag-echo ang boses niya sa buong hallway.

"Detective Brint!" sigaw ng isa pang pares ng boses. They were here as expected. Marahil ay bibisitahin nila ang schoolmate. We both hove a deep sigh and turned our back to see them. They are still in their uniforms, kakagaling lamang nila sa ACIS.

"Where's Jayshie?" I asked the two who were walking in our direction. Tinanong ko kaagad ang anak ko at baka makasalubong din namin siya.

"Nasa room ni Kuya kasama si Zhask," Schy said, grimaced when he mentioned his cousin's name.

"Detective, pwedeng magtanong?" Wybie Asher asked.

"What is it?" nanunuyang tugon ni Brint sa kaniya.

"Nasaan ang banyo nila dito?" he asked as if it were an important matter.

"Deretsuhin mo 'tong hallway, then turn left. After that, may exit kang mababasa sa itaas ng pader, then labas ka do'n at 'wag ka ng babalik," he answered and plastered a flat expression.

I chuckled, then laughed as if he had just cracked a humorous joke. Pati si Schy at nakitawa na rin, 'yong tawang maaasar talaga si Wybie. Mas lalo pa akong natawa nang makita ang expression ni Wybie.

"Ha-ha, that's funny," he laughed, then spoke with a fullness of sarcasm. Nagmamadali siyang umalis sa harap namin at umaktong ihing-ihi na siya.

"Bye!" Schy giggled. "Wybie! Mauuna na ako sa room ni Kuya!" pahabol sigaw niya sa tumatakbong kaibigan. "Ang bad mo, Detective!" pasaring niya kay Brint bago tuluyang umalis.

"They are hopeless," I said, shaking my head.

"Indeed," Brint agreed.

I slid the sliding door to the right and entered quietly. Walang police escorts ang nagbabantay kay Miss Selena dahil wala namang banta ang buhay niya. Si Artemis lamang ang may masamang motibo sa kaniya ngunit nasa mental asylum na ito ngayon kaya ligtas naman siya.

Her left wrist was secured to the hospital bed's metal rod by a pair of handcuffs. She was still unconscious, and it seemed that she was peacefully asleep. She is Artemis Adrienne and Hexana Adrielle's stepmother, and she has a biological son from Gusion. Nasa pangangalaga ng DSWD ang unico hijo nila dahil walang nagprisinta sa mga kamag-anak nila na pansamantalang kupkupin ang anak.

She was blinded by money and power. She tends to use Chief Gusion's name to get whatever she wants. She used Hexana Adrielle's fame to manipulate the modeling agency. Nasa bingit na ng pagkabagsak at pagkalugi ang naturang agency, pero nang dumating si Adrielle bilang model nila ay namayagpag ito sa industriya.

"All this time, ang pamilyang Esmeralda ang kalaban natin sa kasong 'to. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Hindi ang reputasyon at imahe ng ACIS ang pinoprotektahan niya kundi ang asawa. Siya ang irasyonal sa aming dalawa at hindi ako," saad ko ng hindi inaalis ang paningin sa walang malay na si Selena.

Kahit alam ni Chief na mali, pinili niya ang asawa kaysa sa batas. Binali at kinalimutan niya ang sinumpaang batas dahil sa sobrang pagmamahal sa asawa. Pinili niyang magbulag-bulagan kaysa isuko ang asawa. Nabingingihan sa mga naririnig at nanahimik sa HQ at media dahil mahal niya si Miss Selena Esmeralda. However, that is not the real meaning and essence of true love.

CHIEF GUSION sat in front of me as he sent me an apologetic look, but I won't fall for that. Hindi ako makaramdam ng kahit katiting na awa sa kaniya dahil sa katarantaduhang pagpapasa niya ng sisi sa anak ko.

"Kukuha ka ng abogado?" I asked him. Nasa interegation room kami samantalang nasa kabilang kwarto sina Brint at Marin.

"N-No, I'm aware of what I did. Its a crime. N-Natakot lang ako na ilayo sa akin ni Selena ang anak namin kung hindi ko susundin ang lahat ng gusto niya kaya kahit alam kong mali, ginawa ko pa rin. P-Ptawarin mo ako Jayshin," he apologized sincerely. Wala sa akin ang paningin niya kundi nasa baba. Marahil ay kinakain siya ng guilt at kahihiyan. I didn't expect him to be like this. Ang inaasahan ko ay magiging bayolente siya at gagamitin niya ang kapangyarihan ng posisyon niya para iwasan ang kaso ngunit nagkamali ako.

I somehow understand how he felt, pero kahit bali-baliktarin pa natin ang sitwasyon, mali 'yong ginawa niya. He should have sought legal help, kung ilalayo ni Miss Selena ang anak nila.

"I don't need to discuss everything. Alam mo ang batas at ang karampatang parusang kailangan mong pagbayaran," pagtatapos ko ng usapan. He just nodded and plastered a small smile bitterly.

Dinala sa provincial cell si Chief Gusion para pagbayaran lahat ng krimeng ginawa niya. Sumama siya ng may pagkukusa ngunit hiniling niyang isunod ang kaniyang asawa sa susunod na linggo. Kahit sa kulungan, gusto niya pa ring makasama ang asawa.

ONE WEEK had passed, and everything went smoothly according to plan. Everything was divulged. Ang hinihintay ko na lamang at ang result a ng imbestigasyon ni Argus Salazar tungkol sa korapsyon at money lauundering na nagaganap sa YG Forensics at sa subordinate nitong SC Forensics.

Sa oras na makalap ang ibedensyang tunay ngang may nagagaap na katiwalian sa nabanggit pribadong ahensya, wala na ako sa headquarters. Maaring ang mga papalit na sa posisyon ko at ni Chief Gusion aaasikaso do'n.

I discovered that Gusion killed Grace Gonzales, the biological mother of the twins, Artemis and Hexana. They met in an underground bar, then became a couple, and Gusion later learned about the twin. Ayaw niya sa excess baggage ni Grace, kaya nais niyang dalhin ang kambal sa ampunan pero hindi pumayag ang ina. Ang nangyari ay araw-araw silang nagbangayan hanggang sa mapatay ni Chief ang ina ng kambal. I don't know the whole story, though. Hindi rin makakabuti kay Artemis kung tatanungin ko siya. Masyado na siyang maraming pinagdaanan para dagdagan ko pa.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now