DIVULGENCE 39

97 3 3
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


Thamuz Ricardo and Cecilion Akane are the witnesses who texted us. Detective Brint and I brought the two in the East HQ to know and learn their statements.

Nasa likod ako ng malaking reverse transparent glass kung saan malinaw ko silang nakikita. Gustuhin ko mang ako mismo ang umasikaso at magtanong sa kanila ay hindi maaari dahil kilala nila ako bilang Dean ng ACIS. Magiging sagabal lamang ang presensya ko sa dalawa. I manipulated the computer inside the room and turned on the speakers so I could hear their confession.

Detective Brint prepared the recorder and asked for personal details before he started questioning the two. Cecilion and Thamuz look traumatized and distressed.

"Chill, nakakatuwang nandito kayo ngayon kahit alam niyong may posibilidad na may mangyaring masama sa inyo but don't worry, bibigyan namin kayo ng police escorts hangga't hindi pa nahuhuli ang serial killer," the detective assured the two, trying to calm them so they could speak up clearly. "Okay let's start," he announced after typing their information in his laptop for being witnesses.

He was serious and careful when asking. Cecilion and Thamuz needed a psychiatrist referral since what they witnessed was a nightmare and it haunts them.

"H-Hindi ko nakita ang nangyari pero narinig ko ang lahat. May tumamang matigas na bagay sa ulo ko noon at panandalian akong nawalan ng malay. Nang magising ako ay nakita ko kung paano niya inalis ang mata ni Harley gamit ang knife. N-natakot ako kaya pinili ko na lang na magpanggap na walang malay kaysa patayin niya ako. A-Alam kong naging duwag, h-hindi ko nagawang iligtas ang mga kasamahan ko p-pero hindi mo ako masisi dahil takot akong mamamatay," Thamuz is trembling while stammering.

"I was about to fetch and drag Thamuz to our dorm when I w-witnessed the process of how the serial killer k-killed Harley and other gang m-members from other schools. It's not a k-knife. The lunatic killer used an s-scalpel," Cecilion stuttered, naging malikot ang mga mata niya na tila ba napapraning.

"Where is your exact location at that time? Saan nangyari ang krimen?" Detective Balmond queried.

"Sa danger zone. Nasa rooftop ako ng abandoned building ng elementary. Madalas ako dun dahil tanaw ang kabuuan ng danger zone kita ko ang kalokohan nila Thamuz mula doon. Madilim na nung oras na yun, past eleven o'clock, pero nakita ko pa rin dahil sa liwanag ng buwan," he spoke terrified, playing with his fingers.

"H-Hindi ko talaga inaakalang si Artemis Gonzales ang gumagawa ng lahat ng pagpatay sa school. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pumapatay at k-kung bakit kailangan niyang patayin ang mga kaibigan ko!" galit na galit ngunit natatakot na saad ni Thamuz at malakas na hinanampas ang lamesa. Nadadala na siya sa emosyon niya ngunit hindi ko siya masisi kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka mas malala pa ang gawin ko.

"S-Si Artemis, kasama ko siya sa tuwing nagre-review ako sa library at sa pa-contest sa labas at loob ng school p-pero hindi ko napansin ang mga kilos niya. A-Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!" Cecilion brushed his hair out of frustration. Pinukpok niya ang sariling ulo nang paulit-ulit at sinabunutan ang sarili.

Sa kanilang dalawa ay mas higit na naapektuhan si Ceceilion sa nakitang pagpatay ng kaeskwela sa mga kaibigan nila. Hindi biro ang mga ganitong bagay lalo na kung ang mental health ang pinag-uusapan.

Habang isinasagawa ang pag-i-interview sa dalawang estudyante, inaasikaso ni Police Technician Mint Thriven ang warrant of arrest nila Artemis at ang may-ari ng ACIS. Hindi ko na kailangan pang humingi ng approval o instruction kay Chief Gusion dahil kasama rin siya sa aarestuhin namin.

Moonstruck: DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon