DIVULGENCE 26

100 3 1
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


Malapad siyang ngumisi at umiling. He is fucking weird. Ginagago niya ba ako? "Hmm-mm," he hummed as a response to my question—fuck! Now I get it. I have three questions, and I only have two questions left.

"Continue," I hove a deep sigh. Sapat na ang dalawang pagkakataon ko para makapagtanong. If ever na may gusto pa akong malaman tungkol sa kaniya, I can ask Vale or Reece to seek information about him.

"Ako 'yong nagpapadala ng videos kuha ng microcameras na naka-install sa buong school," he added. Hindi na ako nagulat nang sinabi niya 'yun nang nabanggit niya si Malware kanina ay nagkaroon na ako ng idea. He's pretty good at computer stuff compared sa sinasabi niyang hindi siya ganoon kagaling.

I even tried to break into his system, but it was always a dead end. It seemed like na may wall na humaharang sa system ng device na ginagamit niya.

'So, you know everything? Is my daughter the serial killer behind the serial killings inside the ACIS? But fuck, she can't do that!' I keep those statements on my mind. Kung isasatinig ko ang mga iyon ay mauubusan ako ng pagkakataong magtanong sa kanya.

Kumunot ang noo ko at umigting ang panga. What is he going to say next? Isuko ko si Jshee sa tang'nang Chief Gusion na 'yon? Speaking of that retard fuck, he sent me an email last night with regards to my daughter, saying that I only have two weeks to prove that she's not the notorious serial killer of ACIS. Naikuyom ko ang nga kamao kong nakapatong sa ibabaw ng office table at matunog na ngumisi. Deretso kong sinalubong ang tingin ni Saber na nagtatanong.

"Chill, Deputy. Naniniwala akong hindi si Jayshie 'yong nakuha sa mga videos pero siya ang iba sa mga 'yon," he spoke. That's given me some relief.

What he said made me confused. So, does he mean that someone is pretending to be my daughter to frame her up? Okay, I want to ask him, but I need to reserve my ammos.

Saber opened my laptop without asking my permission. Pakialamero. He didn't even bother asking permission. Ilang segundo lang siyang nagtipa sa keyboard at nabuksan niya na ang laptop. Actually, its not mine, pag-aari 'yun ng school na pinapagamit sa akin para ma-detect nila kung may malicious ba akong ginagawa. Naka-record ang mamahaling laptop sa SALN ng ACIS.

Hinarap niya sa akin ang laptop na may seven by four columns, kaya maliliit ang nakikita kong larawan pero sapat ang laki para malaman ko kung ano ang mga iyon. So all in all, my twenty-nine microcameras sa ACIS kasama na ang big screen na naka-flash sa ibaba. Hindi sakop ng mga iyon ang buong school pero nakapwesto iyon sa tamang anggulo at malaki ang sakop nito.

It's fucking amusing. Wala pa akong nakitang ganoong kalawak ang sakop sa kahit anong anggulo ng microcameras. Did he make that by himself? Hindi kaya may kaugnayan siya kay Malware? Hindi na ako nagtaka pa ng mai-connect niya lahat ng microcameras sa laptop. He is a freaking computer geek. I wonder kung saan siya natuto.

"These two videos," he said as he zoomed in on the videos that were caught on different days, times, and scenarios. "Kung mapapansin at magkaiba ang dalawang Jayshie sa height," nag-angat siya ng tingin at muling ibinalik sa laptop ang mga mata.

"Napansin ko rin 'yan. But considering the factor of an angle caught by the microcameras, malaki ang posibilidad na ma-distort ang height ng tao at lumapad sila sa kuha ng camera. At first, iniisip kong ganoon na nga at mata ko lang talaga ang may problema but here you are arguing about it," mahabang sabi ko sa kaniya.

These past few days ay paulit-ulit kong pinapanood ang mga sinend ni Saber pero hindi ko pa rin mahanap ang mali. Or maybe it is just me na naghahanap ng butas para pagtakpan ang anak ko? Pero ngayong parehas lang pala kami ng hinuha ni Saber ay nabuhay ang malaking posibilidad na inililipat lang ang sisi sa anak ko. Dahil madali lamang mareresolba ang kaso kapag nagkataong siya nga ang may sala dahil sa record niya sa Regen Asylum noong bata pa siya at idagdag pa na may PTSD pa siya.

Psychological factors may easily resolve the case since hindi papakinggan ang statement ni Jayshie dahil lang sa psychological problems niya. She can't stand as a witness for herself either.

"Now, introduce yourself, and let's proceed with the three questions," he said, changing our topic. I thought nakalimutan niya iyon. Tumikhim ako at tumindig ng upo.

"Hanzo Zacharias--"

He hissed. "Here I thought na mapagkakatiwalaan kita. You can't even say your real name," he shook his head, disappointed.

I chuckled. "Kilala mo ako, right? Why do I need to introduce myself then?" Magkasunod na tanong ko at humalukipkip.

He laughed and smirked. "You bit my bait. No questions left."

Damn! Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon at pinatuloy ang seryosong pakikipag-usap sa kaniya. "I'm Jayshin Zacharias from East HQ, a Deputy Chief slash businessman. Jayshie Zin Jayshie is my daughter. Anak ko siya sa pagkabinata," sabi ko.

He nodded as he clenched his jaw. Napansin ko ring kinuyom niya ang dalawang kamao pero agad ring naging kalamado. He seemed content with my statements. Kontento siya dahil nakapag-background check na siya sa personal and confidential info's ko.

"Jayshin Zacharias. Aethereal Orphanage, kidnapping, 2005, Mafia and Regen Asylum. Sounds familiar right? What happened to Jayshie? Wala akong mahanap kahit anong news article about kidnapping on the year of 2005, kahit ang record niya sa Regen Asylum ay wala ng soft copy. Fortunately, na-recover ko kaya ko nalaman 'to pero hindi pa rin sapat ang impormasyong alam ko," mahabang litanya niya. Kaya pala gusto niya ng maraming tanong kapalit ng maraming sagot.

"Next question," I said, evading his queries with regards to the 2005 kidnapping incident. I don't know anything. Wala rin akong alam sa mga nangyari ng taong iyon. Nilayo siya sa akin ni Zene noon kaya wala akong nabalitaang ganoon. Year 2007 ko lang nalaman ang tungkol sa pagka-kidnap ng anak. Si Brint ang humawak ng kaso pero hindi niya alam na anak ko ang isa sa kinidnap noon. Huli na rin ng malaman niya.

"Bakit hindi mo magawang sumagot? Noong una ay naniniwala akong nagpapanggap lang na Jayshie ang nakikita sa CCTV pero ngayong hindi mo sinagot ang katanungan ko pakiramdam ko ay pinagtatakpan mo siya. Si Jayshie at ang serial killer ay iisa," matunog siyang ngumisi pero seryoso pa rin ang reaksyon niya.

"Hindi totoo 'yan! Tang'na mo! Bawian mo 'yung sinabi mo!" Marahas akong tumayo at kinuwelyuhan siya. Bahagya siyang napaangat sa kinauupuan niya at pero hindi man lang natinag.

"Tsk. Bakit hindi mo na lang sabihing wala kang alam? Wala kang kwentang ama! Itatak mo 'yan sa utak mo!" he said imenently as rage arose with his charcoal eyes. Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at marahas niya akong tinulak kaya bumagsak ako sa kinauupuan ko. Dinuro niya ako at marahas na lumunok. "Wala kang kwentang ama! Wala kayong kwenta ni Mama! Pinabayaan niyo na nga ako pati ba naman kapatid ko pinabayaan niyo!" basag ang boses niya akong sinigawan at unti-unting tumulo ang luha niya na agad niya ring pinunasan gamit ang braso.

"Saber!" tawag ko sa pangalan niya nang mabilis siyang lumabas ng office ko at pabagsak na sinarado ang pinto.

Fuck! Ano bang sinasabi niya? Pinabayaan ko 'yung kapatid niya? Ako at si Zene ba 'yung tinutukoy niyang walang kwentang ama't ina?

I don't know what to feel. Hindi ko alam ang gagawin ko. Susundan ko ba si Saber para hingan ng paliwanag sa mga sinabi niya. Nalilito ako. Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now