DIVULGENCE 38

98 3 2
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


Ilang ulit kong pinanalanganin na sana at hindi ang anak ko ang lulan ng public vehicle na iyon. Ngunit mistulang hindi iyon narinig ng langit nang iniluwa ng taxi ang anak ko. I'm not planning to hide my daughter from the authorities. Gusto ko lang siyang protektahan.

Hindi ako mapakali habang hinintay ang elevator na makalapag sa ground floor. Hinanap ko kaagad si Jayshie ngunit hindi ko siya makita dahil sa kumpulan ng mga tao. The big screen of the electronic bulletin shows how they humiliated and hurt my daughter physically and emotionally. Awang-awa ako sa anak ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at may kung anong kumirot sa puso ko. Kasalanan ko ang lahat ng 'to.

"Walang hiya ka! Demonyo ka!"

"Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka!"

"Mamatay tao ka! Ibalik mo ang buhay ng anak ko!"

"Demonyo ka! Mamatay ka na!"

"Halang ang kaluluwa mo! Dapat sayo mamatay! Papatayin kita!"

Kusang bumagsak si Jayshie sa lupa at humagulgol. Nagsimula na siyang sinukin na siyang nagpapahirap sa paghinga niya. Inalis ko ang mga mata ko sa electronic bulletin board at nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao.

"Stop!" I shouted, pero mistulang walang nakarinig ng apela ko. Mahigpit kong niyakap si Jayshie at pilit na itinayo. Ramdam ko ang takot at panginginig ng tuhod niya. I became her shield and covered her from the parents of serial killing victims' attacks.

Mahigpit siyang kumapit sa damit ko at umiyak ng umiyak. Nahihirapan na din siyang huminga dahil sa sinok niya. "Shh, hindi kita pababayaan." I tried to calm her down but it doesn't work. Her hiccups makes it hard for her to breathe.

Gusto kong iparamdam na hindi siya nag-iisa sa laban na 'to at may kakampi siya. Kahit iyon lang magawa kong tama para sa kaniya. Hinarang ni Brint at iba pang mga parak ang mga nais pa sanang saktan ang anak ko.

"Dadalhin kita sa hospital," I said worriedly. I am bothered and worried about her spasmodic inhalation. Natatakot akong maubusan siya ng hangin. Inakay ko siya sa direction ng police mobile pero hindi pa man kami nakararating ay muli kaming hinarang ng mga reporters.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng media ang kahayupang nagaganap sa ACIS. Wala akong nabalitaan at walang sinabi sa akin si Argus tungkol dito.

"Ilang schoolmates mo ang iyong pinatay?"

"Naghihiganti ka ba?"

"Bakit mo naisipang pumatay?"

"Ayon sa source ko nagtransfer ka raw dito para gumawa ng krimen, tama ba?"

"Bakit ka pumapatay? Ano ang iyong motibo?"

"Answer please."

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Does killing your schoolmates satisfy you?"

"Sagutin mo kahit isang tanong lang."

"D-Deputy Hanzo," nahihirapang bulong niya kasabay ng pagsinok pero sapat ang lakas upang marinig ko.

"Shh, I'll protect you."

"T-Tang'na mo." She glared at me while still crying. Well, she's Jayshie Zin, my daughter after all. Hindi na nakakapagtakang kamunghian at murahin niya ako. Indeed, I deserve it. Marahas siyang umiling at isinubsob ang maliit niyang mukha sa dibdib ko bago mawalan ng malay.

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now