DIVULGENCE 13

558 6 2
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


Iniluwa ng pinto si Abby, SSG Secretary, na may dalang mga folders and expanded envelopes. "Good afternoon, Deputy Hanzo," she greeted, and she bowed her head a little as a sign of respect. "These are the files you need," she spoke awkwardly.

I thanked her and nodded, implying that she may now leave. Bago pa siya makalabas ng Dean's office ay tinawag ko siya. "Abby, can you ask Scarlet to report here?"

"Ngayon na po ba, Deputy?" tanong niya na parang nag-aalangan. She looked like a typical nerd. Malinis ang record niya at mataas ang nakuha niya sa attitude evaluation. I presume that she's a good role model.

"Yes, please," I said in a soft voice. She just nodded and mouthed, 'Yes, Deputy.' before she left.

Kinuha ko ang files at dinala sa kwartong karugtong ng pansamantalang opisina ko. Balak kong basahin ang mga 'yon ngayong gabi.

Siniguro kong naka-lock ang pinto bago muling naupo sa swivel chair. Nang minsang nakalimutan kong iligpit ang mga confidential files ng mga suspect ko ay nawala ang mga iyon kaya kailangan kong magdoble ingat dahil hindi ko alam kung sino-sino ang kakampi at kalaban ko dito sa ACIS.

Hindi ko kilala ang mga baguhang inupahan ng uppers para bantayan at limitahan ang kilos ko. Wala silang kahit anong profile or application form man lang para makilala ko sila. Kung tatanungin ko naman sila ay magiging kahina-hinala ako.

"Come in," I said in a firm voice. It took ten minutes before Scarlet arrived. She is the school drama club president of ACIS. She's the one who's taking over and leading theatrical plays either inside or outside the school.

Sinenyasan ko siyang maupo sa visitor's chair na kaharap ko lang pero naka-side ang posisyon ang upuan. Earlier, Abby felt awkward, and now Scarlet is uncomfortable. Really, huh? What's wrong with my presence? Nakakatakot ba ako?

"Good afternoon, Deputy. Pinatawag niyo raw ho ako," she stated uncomfortably.

They might be thinking that I'm a fucking manipulator. 'Yon ang chismis na umiikot ngayon sa ACIS at kilala ko kung sino ang nagkalat ng chismis na 'yon. It's none other than Schy Lander.

"Lend me the list of the Drama Club members," I asked. It's not a favor but rather a command.

"Ibibigay ko po bukas, Deputy Hanzo," agad niyang sagot na tila ba kinakabahan. It's obvious since her voice is shaking.

"I'm expecting their profiles as soon as possible, or maybe you can provide them now," pagbabasakali ko pa. It's already six o'clock in the afternoon, kaya malamang ay sarado na ang Drama Club office, pero nagbabasakali lang naman ako. Kung mas maaga kong makukuha ang impormasyon ay mas maaga ring matatapos ang imbestigasyon.

Kung hindi lang limitado ang galaw ko, at walang pumipigil at balakid sa imbestigasyon ay nakakasiguro akong mas mapapadali ang paglutas ng kaso.

"Mm, Deputy sarado na ho ang office namin," nag-aalangang sabi niya at nilaro ang mga daliri.

I know. I have read the students' manual. It is under Rules and Regulations na kapag sumapit na ang ala-singko ng hapon ay dapat wala ng estudyanteng pakalat-kalat at lahat ng organization's office ay sarado na depende na lamang kung may event sa school.

"Okay. Just lend it tomorrow morning," I ordered and nodded, implying that she may now leave. I didn't even bother glancing at her. Nasanay ako sa company office at minsan talaga ay nakakalimutan kong representative Dean ako dito sa ACIS.

Moonstruck: DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon