DIVULGENCE 19

557 5 2
                                    

𝓥𝓲𝓬𝓽𝓸𝓻𝓲𝓺𝓾𝓮 𝓐𝓵𝓮𝓵𝓲𝓮 𝓣𝓪𝓷𝓬𝓴


I entered the code, and the door clicked. I diverted my gaze to my left and right to make sure that no one was here to spy on me. Kanina at may tatlong sasakyan ang nakabuntot sa akin ng inihatid ako ni Chou sa unit na pansamantalang inupahan ko. Fortunately, natakasan namin sila nang minsang nakasabay naming ang ten wheeler truck at ang nagmamadaling ambulansya. Marahil ay nawaglit ang atensyon nila sa amin.

YG Forensics knew that they would never stop Victorique Tanck, so they sent spies to watch for my actions. Are they threatened?

Tahimik ang hallways at corridors dahil alas-diyes na ng gabi. The deafening silence even made the vibe scarier, but to hell with that! Mas takot pa ako sa tao kaysa sa pagala-galang multo at ligaw na kaluluwa.

May mangilan-ngilan akong nakasalubong ngunit pawang mga guards lamang na papauwi na. Ang dalawa sa kanila ay may rounds ayon sa kanila nang makasabay ko sila sa elevator. As I can see, they are not doing their job properly. Basta lang masabing narating nila lahat floors ay okay na. They should use the stairs for their rounds, not the elevator.

Nandito ako ngayon sa condo unit na inupahan ko para gawing mini lab. Hindi kalakihan pero p'wede ng pagtiyagaan. Kung kukuha ako ng mas malaki at malawak dito, mamumulubi ako dahil hindi na siya swak sa budget ko. Nasa kabilang syudad ito kaya medyo hassle kung araw-araw akong pupunta dito kaya nag-set ako ng schedule.

Puti ang dingding at minimal ang interior design. Hindi kalakihan gaya ng tinitirahan ko pero sapat lamang ang espasyong kailangan ko. Nalanghap ko kaagad ang masangsang na amoy na nagmumula sa garbage bag. Marahil ay naroon ang bangkay na binanggit ni Argus sa text niya kaninang hapon.

We used a large garbage bag para dalhin ang mga malamig na katawan sa condo unit na inupahan ko para hindi maging kahina-hinala. Binibili naman ni Chou ang mga bangkay na dinederetso ng SC Forensics sa purinarya at si Argus ang nagdadala sa unit.

Fortunately, nasuhulan namin ang mga tao sa purinarya. Mali 'yon pero wala na kaming pagpipilian.

Nahihirapan ako sa lagay namin dahil walang maayos na bentilasyon sa unit na 'to. Kung bubuksan ko ang mga bintana ay kakalat ang masangsang na amoy at mga bacteria'ng nasa malamig na bangkay.

I'm used to this kind of stuff since it was my job in the first place. Hindi lang ako sanay na kulang ang equipment. Pinusod ko ang buhok upang walang makasagabal at nagpalit din ako ng PPE uniform. I wore my surgical gloves and mask.

Marahan kong binuksan ang itim na garbage bag at tumambad sa akin ang pira-pirasong bahagi ng katawan at internal organs. Napaatras at bumagsak pa ako sa sahig dahil sa gulat. Ngayon lang ako nakita ng ganitong uri ng pagpatay. Sa limang taon kong pagiging forensic analyzer ay hindi ko maitatangging ito na ang pinakamalalang naingkwentro ko.

Hindi ko lamang lubos na maisip kung paano ito nasikmura ng serial killer. He is a lunatic. Nahihibang na siya! Pantay-pantay ang laki ng pagkakahati sa bawat parte na tila ba pinagtuuan ito ng pansin at mahabang oras ang ginugol dito.

There's a file on top of the table. I opened it and browsed every page. This is the profile of Miss Silvanna Esmeralda, a junior high teacher at ACIS. She is divorced and has a daughter named Karrie Esmeralda.

Karrie Esmeralda? Her name is familiar. Something that I have heard before from the recent case. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang kaso ng cyanide poisoning na naganap din sa kaparehang Christian school. Nakakaawang sa murang edad ay kinitilan siya ng buhay kasama ang ina. Marahil ay may nalalaman si Karrie, kaya siya ay nadamay.

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now