DIVULGENCE 34

99 3 2
                                    

𝓢𝓪𝓫𝓮𝓻 𝓩𝓮𝓷𝓮 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓿𝓪𝓻𝓲𝓪


Nakasakay ako sa motor ko habang nakasunod sa sasakyan ni Kuya Chou. I'm familiar with the route we're taking. Daan 'to pauwi sa condo unit na tinitirahan niya kasama ang dalawa ko pang kapatid.

Noon ay d'on din ako nakatira pero simula ng tumuntong ako ng highschool ay bumukod na ako but he's still supporting me financially. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil kinupkop niya ako. Siya ang tumayong magulang at kapatid ko ng itinapon ako ni Mama sa bahay ampunan noon.

Nauna niya akong kinupkop bago niya inuwi sina Max at Mix sa bahay noon. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Ang sinabi lamang sa akin ni kuya at napulot niya ang kambal sa palayan. Napaka-lame na rason. As if naniwala ako. I didn't believe his words back then, so I did my own research and investigation. And guess what I have found out, nakuha sila ni kuya sa mga sindikato.

Nang malaman ko, 'yon ay itinigil ko na ang pag-iimbestiga sa takot na baka may matuklasan akong sisira sa relasyon namin ni Kuya. Napalapit na rin ako sa kaniya kahit papaano.

The green traffic light turned red, so I had to stop. Nauna na si kuya dahil ako lang naman ang naabutan ng red light. That's not a big deal, though. Alam ko naman ang ruta pauwi.

Kuya Chou and the twins live in the seventh-floor and seventh-room units. I pressed the number seven and waited. I tapped my key card, and the door automatically clicked.

MATAPOS AKONG sermunan ni Kuya ay bumalik din ako ng school. Wala akong planong magpalipas ng gabi sa bahay. I slowly opened the door and threw myself on the couch. It is already eleven o'clock in the evening, pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.

I don't have a choice but to kill my time and boredom by playing video games all by myself. If you're wondering where the hell are my dormmates; well, I don't have any. I am currently renting the whole room for myself, along with my sets of monitors.

Before, I had dormmates who were also friends of mine. Actually, they are Time, Zil, and Clint. Kasama ko rin sila sa varsity team ng billiards, kaso hindi ko na sila makikita at makakasama sa laro.

Late na akong nagising, but I don't really mind. Isa ito sa mga benefits ng SSG officers. P'wede kong irason na nahuli ako sa pagpasok sa klase dahil may mahalaga akong inasikaso na may kinalaman sa plano ng SSG.

Napangiwi ako nang marinig ang rant ni Sir Hayb. Hindi ko pa man siya nakikita o natatanaw sa hallway ay rinig na rinig ko ang buo niyang boses. Natanaw ko ang kapatid kong masama ang tingin kay Sir Hayb samantalang bahagyang nakayuko ang kasama niyang baguhan. Anong ginagawa nila sa labas sa oras ng klase? At bakit kasama niya si Wybie?

Hinintay kong makaalis si Sir Hayb bago lumapit sa dalawa. I hissed to get their attention. "Tsk. Nawala lang si boss, may lumabag na sa batas niya," I said mockingly. I'm referring to Deotoronomy Vander. Aware akong may pagtingin ang kapatid ko sa President ng SSG.

"Whatever, Saber!" she said, rolling my eyeballs upright as she always does. "And what do you mean about na wala si Boss?" she inquired trying to hide her desperate tone. She's into him. Its too obvious.

"Wala sila ngayon kasama si Zhask, sa isang araw pa ang balik nila. Nasa Russia yata sila ngayon for business matters sabi ni Schy," sabi ko.

Honestly, walang sinabi si Schy at sadyang alam ko lang kung nasaan si Dee at Zhask. If you're wondering how, I have my own ways. Ginamit ko lamang ang pangalan niya para hindi magtaka si Jayshie. Schy and I were not that close.

"How about Chadler? I thought papasok na siya bukas?" I can sense that she missed him.

"Papasok siya, sina boss lang ang wala. Anyway," I diverted my gaze from the newbie. "You're Wybie Asher Berserker, right? I'm Saber. Nice meeting you," I approached him and shook hands.

"Nice meeting you, Saber," he said awkwardly.

"Tara sa office. Wag kayong tumambay dito baka makita kayo ni Deputy Hanzo. Balita ko last chance mo na daw 'to, Jayshie, kung hindi ka pa tumino, iki-kick out ka na niya," I spoke as if I'm disappointed about it.

"Sinong nagsabi sayo?" she asked, annoyed.

"Si Schy, naikwento niya kanina 'nung tumawag sa akin," maagap na sagot ko.

I'm sorry, Schy Lander, for using your name. Walang nagsasabi ng nga bagay na 'to sa akin. Narinig ko iyon sa usapan nila kagabi ni Deputy Hanzo. Paano? As I have told you earlier, I have my ways.

Sabay-sabay kaming naglakad habang nakakapit sa braso niya si Wybie. Hindi na ako nagreak dahil baka makahalata si Jayshie. Sa totoo lang at gusto kong putulin ang nga braso niya. Wala kaming dinatnan na ibang SSG officers. Marahil ay nasa klase sila.

"Gusto niyo kape?" alok ko sa dalawa at tinuro ang coffee maker.

"Ako gusto ko isa, lagyan mo ng creamer," Wybie commanded as if he were in the coffee shop, asking for a coffee from the water. Tsk.

I don't like him, but I need to be friendly. I have the strong feeling na may hidden agenda siya sa kapatid ko. Kanina ko pa napapansin ang pagdikit at pagkapit niya kay Jayshie. I smell something fishy.

"S-Sige." I was caught off guard. Kung makautos siya ay parang matagal na kaming magkakilala. Usually, when I offer my visitors a coffee, they will decline or do it by themselves pero siya, akala mo nasa exclusive coffee shop siya. Makapal ang mukha niya.

"You're reviewing the CCTV footage? Really?" Wybie sat on my swivel chair and started typing on my computer.

My lips formed into a thin line, and I tried to manage my emotions. Is he trying my patience? "Ah, oo kasi may serial killings na nagaganap dito. Anyway, aren't you aware of that? Bakit nagtransfer dito? Don't get me wrong, huh?" mahinahong tanong ko pero gusto kong magalit at sigawan siya dahil sa paghawak at pangingialam niya sa girlfriend ko--computer set.

I poured it into the coffee maker water reservoir. I used pre-ground coffee, so I needed to insert the filter and start the brew cycle. I then discarded the coffee grounds and placed them on top of my desk. Marahan kong inihalo ang gatas gamit ang kutsarita. This is for Jayshie. Kahit hindi niya sinabi at ipinagtimpla ko rin siya.

Its my desk, pero si Wybie ang nakikinabang samantalang si Jayshie ay bahagyang nakaupo sa desk ko. She sat on top of the table. Ginagawa niyang upuan ang lamesa ko.

"Kaya nga ako nagtransfer dito, gusto kong sumali sa imbestigasyon," he said while busy browsing on my computer.

Hindi ko gustong may ibang taong humahawak sa gaming keyboard ko, pero napansin kong mabilis siyang tumipa at gumalaw sa mouse. He's pretty good, and his typing skills are impressive, pero hindi tama ang pagpindot ng mga daliri niya sa keys. Mas dominante ang paggamit niya sa hintuturo at hindi niya ginagamit ang hinlalaki sa space bar. Hindi niya ba napag-aralan 'yon? Hinayaan ko na lang siyang makialam. Hindi ko naman pag-aari ang desktop. Pinapagamit lamang iyon ng school sa akin.

"May access kayo sa CCTV?" she asked and leaned to peep on the monitor.

I hummed to respond. "Here, Jayshie," I say, lending her the white mug.

"Seriously?" she glared at me and rolled her charcoal eyeballs upright.

I chuckled with her reactions, then motioned the mug, commanding her to drink the milk. I find her cute. Ako lagi ang nagtitimpla ng gatas niya noon sa tuwing umaalis si Ma'am Zene, at kami lang ang naiiwan sa bahay. Sabay kaming umiinom ng gatas pero ako lang ang lumaki sa aming dalawa. Kung may lumaki man sa kaniya, ang mata at dibdib niya 'yon.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora