EPILOGUE

91 0 8
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


I was in the waiting area as I waited for Chou's operation. Naunang natapos na operahan si Saber at sunod naman si Chou. Saber is still unconscious as Zene looks over him. Gustuhin mo mang manatili do'n ay hindi ko matagalan ang presensya ni Zene lalo na sa nalaman ko kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang napoproseso ng utak ko lahat ng nalaman ko. May pagsisisi akong nararamdaman at hinihiling na sana ay hindi na lamang ako nakinig sa usapan nila.

"Nurse Kyle!" a familiar voice shouted. Why is he here? Nandito ba siya para maki-chismis sa sitwasyon ni Saber?

Nag-angat ako ng tingin at namataan ko si SChy Lander sa harap ng information desk. He was catching his breath as he panted. Mistulang sumali siya sa marathon kaya hingal na hingal siya.

"Saan po 'yong room ni Attorney Chou?" he asked. Nagkamali ako sa isiping si Saber ang pakay niya gayong si Chou 'yon. I don't get it. Bakit si Chou ang hinahanap niya?

"Schy Lander! Bakit mo ako iniwan?" naiinis na tanong ng bagong dating habang nakapatong sa tuhod ang dalawang kamay at naghahabol ng hininga. What the fuck? Something is odd and that's I need to find out. May hindi tamang nangyayari.

Naghintay ako ng ilang segundo ngunit hindi nagpakita ang anak ko. I am just being cautious. Schy and Wybie were here at hindi malabong nandiito rin sa Jayshie pero walang Jayshie na dumating na siyang ipinagpasalamat ko.

Tumayo ako at naglakad sa gawi nina Wybie Asher at Schy Lander upang makibalita. They are still in their uniforms, so I assumed that they cut class. Bago pa man ako tuluyang makalapit ay napansin niya na ni Wybie ang presensya ko at lakad-takbo niya akong sinalubong.

"D-Deputy Hanzo, may bagong kaso sa ACIS. May bagong killer! Inatake niya ni Atty. Chou Salavaria kaninang umaga. Papatayin niya kaming lahat!" he exclaimed histerically. Napapraning na siya at hindi ko naman siya masisi sa naging reaksyon niya. Hindi gaya ni Schy ay hindi pa siya sanay sa patayan.

Akala ko ay tapos na ang lahat pero akala ko lang pala 'yon. Mistulang warm-up lang ang naunang serial killing sa ACIS. Hindi na ako makakatulong sa kanila ngayong exposed na ang mukha ko at ang posisyon ko dati bilang Deputy Police Chief besides retired na ako kaya wala na akong kapangyarihang makialam at pangunahan ang imbstigasyon. Hindi rin p'wede ang bagong chief at deputy chief dahil exposed ang mga mukha nila sa media.

"Chounrio Salavaria is currently in the ER. Please wait at the waiting area for further information after his operation," nurse Kyle spoke, which made Schy even more anxious.

Marahan kong hinila ang dalawa papuntang elevator at dinala sa underground parking lot. "Get in," I commanded, and they obliged. Dito kami sa loob ng sasakyan ko mag-uusap dahil sensitibo ang pag-uusapan namin.

They both sat in the backseat while I was in the driver's seat. Hindi ako nag-abalang lingonin sila at nag-angat na lamang ako ng tingi sa rear view mirror para magtama ang paningin namin. "Anong nangyari, Schy Lander at Wybie Asher?" seryosong tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Deputy. Tinawag lang ako ni Wybie at nagpatulong siya sa aking dalhin si Atty. Chou sa Vightrine Hospital," aniya na tila hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan. That was weird, hindi niya alam kung anong nangyari gayong dati ay siya ang nauuna sa lahat ng impormasyon mapaloob man o sa labas ng ACIS.

"Hindi ko rin alam kung anong eksaktong nangyari," he began. "Magkasama kami ni Atty. Chou sa hallway kasi naliligaw siya kaya sinamahan ko siya. Walang tao bukod sa amin ni Atty. Chou dahil nasa gymnasium silang lahat kasi dadating 'yong bagong Dean kaya kami lang ni Atty. Chou sa hallway at that time. Nag-aasaran lang kami tapos bigla nya akong pinatahimik at pinaalis dahil alam niya na daw ang ruta pabalik ng gymnasium kaya iniwan ko siya."

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now