DIVULGENCE 20

555 8 1
                                    

𝓑𝓻𝓲𝓷𝓽 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓽𝓽𝓮


Naka-dekwatro ako habang naghihintay sa isang coffeeshop. Malapit lang ito sa BitterSweet cafe, pero dito ko napagdeksisyunang makipagkita kay Chou. Kung sa BitterSweet cafe ay paniguradong nand'on si Vale para manggulo. Napapansin kong napapadalas na ang pagtambay niya roon nitong mga nakaraang araw.

Honestly speaking, I don't know who the hell Chou is, but makikipagkita pa rin ako sa kaniya. Minsan ng may nabanggit na pangalang Chou si Victorique pero hindi ako sigurado kung ang Chou na kikitain ko ngayon at ang Chou na kilala niya ay iisa. Kung iisa lang sila ay sisiguruhin kong huhukayan ko ng libingan si Chou.

The windchimes made a shuffling sound, indicating that someone had just entered the cafe. A guy who's about six feet is diverting his gaze somewhere. He seemed like na may hinahanap siya. He looks familiar, but not something that I met somewhere. He is like someone I know.

Nakasuot siya ng white long sleeves na pinatungan niya ng black suit. Mukha siyang kagalang-galang base sa pananamit at tindig niya. I raised my index finger to get his attention, but unfortunately, the waiter came. "Yes, sir. Anything you need?" he asked politely.

"Give me your best-selling cake," I ordered instead, and he listed down my order, then left.

Nagtama ang mga mata namin at bahagya akong tumango sa kaniya. Nakuha niya naman 'yon kaya naglakad siya sa direksyon ko. Pino ang kilos niyang umupo sa harapan ko at inayos niya ang malaki at bilog na salamin.

"I am Attorney Chou Salavaria from Marksman Prosecution and Law Firm," he introduced himself, shaking my hand for the sake of formality.

Okay, I knew it. Hindi ko na kailangan magtanong para malaman kung anong motibo niya sa pangingialam sa serial killings sa ACIS. Marksman, that word—surname—says the reason behind it. Si Mhia Marksman ay kasama sa mga pinatay ng serial killer. Ini-report nila ang kaso ngunit mabilis iyong isinara ni Chief Gusion dahil bayad siya ng uppers ng ACIS. Well, that's how money works. Indeed, it's all about greed and the love of money.

"I am---"

"You are Detective Brint Verstte from East HQ," he cuts me off.

Fuck! How dare he? "Excuse me?" inis na tanong ko, pero nanatiling kalmado ang boses at ekspresyon ko.

"You're excused," pabalang na sagot niya.

What the hell is his problem? I heaved a deep sigh and extended the thread of my patience. Something is up with this idiot.

"Anyway, paano nangyaring may autopsy pa lang nagaganap ng hindi ko man lang nalalaman?" I asked, confused.

I am the head of the team. Ang alam ko ay deretsong dini-dispose sa funeral parlor ang mga malamig na bangkay galing ACIS. They are simply conducting a fake autopsy and fabricating the results for the show. Para lang may masabing may ginawa kami—ang SC Forensics na aksyon.

"The higher-ups oredered not to stick our noses with the serial killings in ACIS, right?" I simply nodded and signaled for him to continue. "N'ong nalaman ko 'yon ay nag-apply ako bilang guard sa YG Forensics pero naunahan na ako ni Argus Salazar kaya sa SC Forensics ang bagsak ko," mahabang litanya niya.

Si Argus ang naatasang magmanman sa YG Forensics dahil may corruption at money laundering na nagaganap doon ayon sa natanggap naming anonymous report.

"SC Forensics?" naguguluhang tanong ko. I never saw him in SC Forensics. Guard? He should be the first person na makikita ko kung papasok ako sa building pero wala siya sa bukana ng entrance. Ginagago niya yata ako. Hindi kaya spy siya na pinadala ng higher-ups?

"Guard ako sa underground parking lot, night shift," he spoke firmly.

"Anyway, hindi ka nakipagkita sa akin para lang ikwento ang journey mo sa SC Forensics, right?" sarkastikong pag-iiba ko sa usapan. He scoffed and glared at me. Oh, c'mmon, I'm not even interested.

He hissed. "Jayshie Velasquez. Sounds familiar, right?"

"What are you trying to say? State your point," tumaas ang boses ko sa pagkairita ng banggitin niya ang pangalan ng pamangkin ko. I am nervous as fuck. He's implying something. Darn!

Mahina niyang inihagis ang mga dala niyang papeles sa harap ko at sinenyasan akong buksan ang mga iyon. I am a bit hesitant, having second thoughts. Ang pagbanggit sa pangalan ni Jayshie. Pigil hininga kong binuksan ang envelope at natigil ako ng bigla siyang tumawa.

Sabi ko na nga, ginagago niya lang ako! "Fuck you!" I said, annoyed, and sent him death glares. Nakakapikon!

Pagkatapos niyang tumawa ay bigla siyang tumikhim at sumeryoso. Nagbatuhan kami ng seryosong tingin nang muli niyang isenyas na buksan ko ang envelopes. I hissed and did what he said. I opened the first envelope and read the preface. Natigilan ako ng mabasa sa lahat ng page ang pangalan ni Jshee. What the fuck?

"Ano 'to?" I smirked and hissed. "This is not funny. You fabricated these!" I pointed to the files. The burning rage arises in my system. Galit ako dahil pinagbibintangan niya ang pamangkin ko or it's just me na hindi matanggap ang mga nabasa.

"Tsk. So tupid of you. Why would I do that, huh?" inis na tanong niya. I hove a deep sigh and massaged my temples. Damn! Paano si Odette? At ang mas inaalala ko ay si Jayshin. Siya ang nag-iimbestiga sa kaso ng ACIS.

"I have a favor," nag-aalalang saad ko pero desparado ang boses ko.

"Hmm?" He tapped the table using his fingers as he abided by my words.

"'Wag mo muna 'tong sasabihin 'to kay Jayshin. Give him more time, p-please?" nakangiwing paki-usap ko. Damn! It doesn't suit me.

Wala man lang nagbago sa expression niya at nanatiling blanko ang mga mata niya. "Jayshin Zacharias. He is the father of Jayshie, right? Correct me if I'm wrong, but fuck, I'm not," he said with confidence, then smirked.

Gulat akong nag-angat ng tingin pero agad ding nakabawi. How the fuck? He knew something. But how? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. It seemed like he's just toying me around.

"How did you acquire that information? Are you spying on us?" nagdududang tanong ko.

"'Wag kang praning, Verstte. Bakit ako magsasayang ng oras sa mga walang kwentang tao, huh?" nakangiwing sagot niya. Despise and disgust were visible in his facial expression.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now