DIVULGENCE 37

98 3 2
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


The windchime produced a harmonic sound as an indication that someone entered or that there's a new customer. Parehas kaming napalingon sa dalawang binatang kakapasok habang palinga-linga, mistulang may hinahanap. What the fuck?

"Nand'yan pala kayo? Bakit hindi niyo man lang kami tinawag?" Schy Lander noticed us.

"Woah!" kunwaring namamanghang usal ni Wybie Asher nang inlapag ng crew ang apat na mamahaling kape. "Ang generous niyo naman," he beamed and shamelessly sat on our table, as did Schy. "Salamat sa pa-kape," Wybie muttered, reaching the cocoa cloud macchiato.

"Bakit walang cakes? Kape lang talaga?" Schy queried shamelessly.

Brint hissed and snorted, not minding Shy's question. "Kayo ang tumawag bilang witness? Is it a prank? Hindi niyo ba alam na p'wede kayong makasuhan sa ginawa niyo?!" inis na tanong ni Balmond sa dalawa na parang walang pake sa presensya nila dahil busy sila sa pag-ubos ng tig-dalawang kape, nagpapaunahan.

"Ha? Hindi ah! Si Thamuz 'yon 'no. Ako ang nagbigay ng number mo sa kaniya! Nalaman ko lang na makikipagkita sila ngayon ni Cecilion sa inyo kaya pumunta rin ako. Sayang din 'yung chismis," balewalang sagot ni Schy at pinagpatuloy ang pahigop ng kape.

"Thamuz and Cecilion?" I asked. I am familiar with the two since I studied every student's background and profile of ACIS for confidential matters.

"Hindi mo sila kilala? Di bale, hindi ka rin naman kilala," Schy mocked me. Kung makipag-usap siya ay parang ka-edad at kaibigan niya lang ako.

I just hissed and didn't bother responding to Schy. It's nonsense anyway. Walang matinong sagot ang makukuha kay Schy, kaya iniba ko na lamang ang usapan.

"Paano kayo nakalabas ng HQ--"

"Dumaan kami sa exit," .Wybie cuts me off.

"Paano kayo naabswelto ng ganun-ganun na lang? Wala pang kalahating araw na-release na kayo! Tumakas ba kayo?" nagdududang tanong ko sa dalawa.

"Hindi ah! Mukha lang takas sa bilibid si Wybie, pero hindi kami tumakas!" Schy spoke in annoyance and glared at him.

"Anong takas sa bilibid?" Wybie reacted, showering Schy with blazing glares.

"Excuse me ho, mga sir. Pakihinaan po ang mga boses dahil nagrereklamo na ang ibang nga customer," paki-usap ng crew sa amin at tipid na ngumiti.

"Sorry," napapahiyang usal ni Brint.

"Excuse me, din! Customer is always right--" Akmang magrereklamo si Wybie kaya napilitan akong takpan ang bibig niya. Dahil sa kahihiyan, wala kaming nagawa ni Brint kundi kaladkarin ang dalawa palabas ng cafe.

"TIME'S UP! Deputy Jayshin. Hindi mo makakalimutan ang araw na ito," malakas siyang humalakhak sa kabilang linya.

Nanggigigil kong binato ang bagong bili kong phone sa pader na nabasag ang screen. Hindi ko makontrol ang galit ko sa kaniya. Malalaki ng hakbang kong lumabas ng office at paulit-ulit na pinindot ang down button ng elevator, pero ayaw bumukas. Shit!

"Fuck you!" Marahas kong sinipa ang elevator at tumakbo pababa ng hagdan. Halos talunin ko na ang bawat palapag marating lang ang ground floor. Natataranta ako at hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Tagaktak ang pawis ko habang hinihingal ako ng marating ko ang ground floor. Tila ba nauubusan ako ng lakas pero kailangan kong magpatuloy. Akma akong hahakbang ng tumambad sa harap ko ang walang hiya. Mistulang kanina niya pa ako inaabangan

"Tsk!" he hissed. Ang matunog niyang pag-ngisi ay ang mas nagpaalab ng galit na nararamdaman ko. Hindi na ako nakapag-isip ng tama kaya sinugod ko siya at marahas na sinapak sa mukha. Wala akong pakialam kung patawan niya ako ng disciplinary act at ipatapon sa province HQ. Ang gusto ko lang ay basagin ang mukha niya at durugin ang kayabangan niya.

"Fuck you!" I chanted the two words repeatedly as I threw punches right in his face. Dalawang beses ko lang na natamaan ang mukha niya na nagpadugo sa kaliwang bahagi ng labi niya at kulang pa 'yon. Kahit matanda pa siya sa akin ng dalawampung taon at siya pa ang chief ng HQ ay wala na akong pake. Mabilis na umawat ang mga kasama niyang pulpol na police escorts.

Matapos ko lang na ang kasong hawak ko ngayon ay isasampal ko ang resignation letter ko sa pagmumukha niya at sisiguruhin kong sisibakin siya sa pwesto, mabubulok sa kulungan at hindi mabibigyan ng special treatment.

"Deputy Jayshin. Kung ako sayo ay isuko mo na lang ang anak mong kriminal. Huwag kang maging irasyonal. Ngayon sabihin mo sa akin, saan mo itinatago ang anak mo?" seryosong tanong niya.

Itinatago? That only means, wala sa kanila si Jayshie. Nagtatago ba ang anak ko? Dahil siya talaga ang serial killer? Fuck! Ano bang iniisip ko? Bakit ko pinagdududahan ang sarili kong anak?

"Hindi ko siya tinatago," tanggi ko sa akusasyon niya.

"Sige lang, magsinungaling ka pa. Sa ginagawa mong 'yan ay may partisipasyon ka na sa krimen. Gusto mong makasama ang anak mo sa kulungan? Di bale, huwag kang mag-alala dahil hindi kita pipigilan. Ako pa mismo ang maghahatid sa iyo kasama ng kriminal mong anak sa kulungan," nakangising litaniya niya.

"Tang'na mo!" Walang habas ko siyang minura ng napakalutong. Tuluyan ng nawala ang respeto ko sa kaniya. Tinalikuran ko siya at tiim ang bagang kong pinagmasdan ang mga nakaabang na reporters. Naiinsulto akong ngumisi. Pinapasok sila ng guard?

Gusto kong magwala at sapakin lahat ng guard, tao ng media at police. Paanong nagkaroon ng leakage ng information? Hindi ko na kailangang magtanong pa dahil lahat ng katarantaduhang nangyayari ngayon ay kagagawan ng walang-hiyang si Gusion.

Hinanap ng mga mata ko sina Ruce, Saurus at Brint pero bigo ako. Nakakasiguro akong hinarang ni Gusion ang kapatid at mga pinsan ko.

I sighed in relief. Wala ang anak ko dito kaya hindi siya pagkakaguluhan ng media pero hindi dapat ako maging kampante dahil sa mga susunod na araw ay ha-hunting-in siya ng media. That's how media works. They won't stop until they dig into your whole life. Nakakasira sila ng buhay!

I TRIED to contact my daughter using Brint's phone, but she's not answering. Her phone's location was turned off, kaya hindi ko ma-trace ang location niya.

Kararating lang ni Brint at magdadalawang oras na niyang pinapaalis ang media pero wala yata silang balak na magpaawat.

Isa pang nagpapasakit sa ulo ko ay kung paano ko 'to sasabihin kay Zene. Hindi alam kung paano ko sisimulan. Iniisip ko kung ano ang mararamdaman niya I took a deep breath and sighed. My right hand was trembling as I dial Zene's number. I was about to tap the call button when an unknown ID caller popped up.

"Greetings! This is Shadow Hausen. Papunta ngayon diyan si milady Jayshie--"

"Fuck!" I didn't wait for his next words and hung up. Sapat na ang narinig ko. Ibinababa ko ang venetian blinds and sumilip sa ibaba. May taxi cab na pumasok sa malaking gate ng ACIS na agad na pinagkaguluhan ng media.


𝚁𝚢𝚔𝚎𝚛𝙼𝚘𝚘𝚗

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now