DIVULGENCE 24

544 3 2
                                    

𝓙𝓪𝔂𝓼𝓱𝓲𝓷 𝓩𝓪𝓬𝓱𝓪𝓻𝓲𝓪𝓼


I'M AT THE fucking bar. I don't know what to feel. Hindi ko na alam. Deretso kong nilagok ang mula sa bote. Wala akong pake kung natatapon na ang alak sa leeg ko pababa sa leeg ko. Ramdam ko ang init at pait ng matapang na alak sa lalamunan ko.

It's Jayshie Zin, my only child. That was confirmed by Chou Salavaria. He has the evidence. Mayroon din akong hawak na ebidensya pero naniniwala akong fabricated lang ang mga 'yon. Ngayong may bagong ebidensya ay hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Am I being irrational? Dahil ba natatakot ako sa magiging resulta? O sadyang hindi ko lang talaga matanggap? Gulong-gulo ang utak ko.

Naramdaman ko ang presensyang tumabi sa bakanteng high chair ko kaya liningon ko siya. He ordered rum, same was true of mine.

"Ano 'to, Hanzo?" seryosong tanong niya at pabagsak na inilapag sa harapan ko ang expanded envelope.

Marahas akong napalunok dahil file 'yon ng personal infos niya pero ang ipinagtataka ko ay paanong napunta 'yon sa kaniya? Hindi ko pa 'yon nababasa dahil masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw. Nakatago 'yon sa cabinet ng kwarto ko kaya imposibleng nasa kamay niya ito ngayon maliban na lamang kung mabusisi siyang nagkalkal at pinakialaman ang mga gamit ko. He is invading my privacy and property.

"Calliope, you should not have intruded in my room," I said, facing him. Sinaman ko siya ng tingin. Hindi niya na nirespeto ang privacy ko at inagaw niya pa si Zene sa akin. Anong susunod?

"Wala ka talagang kwentang tao kahit kailan. Tsk, hindi ka nag-iisip! Kulang ka sa ganito," sabi niya at itinuro ang sentido. He's simply saying na wala akong utak. Coming from him. Coming from Calliope, who are part of the uppers.

"Hey!" sigaw ko ng bigla siyang tumayo at tinalikuran ako. I followed him pero nawala siya sa paningin ko kaya napipilitan akong bumalik sa bar counter at muling umupo sa high chair. I opened the brown expanded envelope and slowly slid the files outward. Ilang piraso lamang 'yon ng papel na patungkol kay Calliope.

Calliope Velasquez

Nanginig ang buong kalamnan ko ng mabasa ang buong pangalan niya. Jayshie? Kaano-ano niya si Zene at ang anak ko? That only means he is just Zene's friend or boyfriend, he is more than that. I read all the passages and information about him. "Ha!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Calliope Velasquez is Zene's biological brother. At bakit hindi ko alam 'yun? Kasintahan ko ng halos dalawang taon si Zene pero hindi niya man lang nabanggit ang kapatid? Ano pang hindi ko alam sayo Zene? All this time, kilala ako ni Calliope. Ano pang silbi ng pagpapanggap ko? Pinagmukha lang nila akong tanga!

Hindi ko alam kung may ideya siya na si Jayshie, ang pamangkin niya ang lead sa patayan sa ACIS. Kung meron man, bakit wala siyang ginagawa? Or mas mahalaga ang pera at reputasyon sa kaniya?

"Rum, please," baling ko sa bartender na nasa harap ko. Gusto kong uminom ng hard drink pampalubag lang ng loob. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. May parte sa akin na hinihiling na sana hindi ko na lang kinuha ang kaso at ipinaubaya ko na lamang kay Brint at Saurus para hindi ako nahihirapan ng ganito. Inaamin kong nagiging irasyonal ako pero anong magagawa ko? Anak ko ang pinag-uusapan dito.

"Here is your order, sir."

"One bottle of rum." I repeated my order, emphasizing the word bottle. Gusto kong malasing kahit alam kong hindi ako malalasing sa isang bote ng rum dahil mataas ang alcohol tolerance ko.

"Sigurado ho kayo sir?" nag-aalangang tanong niya na parang hindi sigurado sa narinig.

"Yes, please. Thank you," I assured him, and I thanked him in advance.

Moonstruck: DivulgenceWhere stories live. Discover now