Chapter 18

195 74 109
                                    

Tahimik lang si Miahri sa harap ko at iniiwasan niya din ang mga tingin ko.

Ang masaklap doon, lasing pa siya. Miahri never drinks an alcohol, damn you Robles.

"Anong ginawa niyo bar? Miahri Fallon?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ano ba ginawa nila? Hindi ba't bar iyon, Mirus Estelle? Edi uminom siya! I'm so stupid today!

"Nag restaurant kami tapos, niyaya niya ako sa bar." she pouted.

"Sumama ka naman? Alam mo, hindi ka sana ganyan kung hindi ka binigay sa kanila ni Kuya, 'no?"

Tinignan ko din si Kuya at kinakabahan siya kapag tumatawa.

I can't help it but to sigh in annoyance.

"Look at you, you look wasted." Kunot noo kong sabi sa kanya.

"Says the woman who is more wasted than she is," Hirit ni Leon sa likod ko.

Dinala na namin siya sa kwarto dahil malalim na ang tulog niya at hindi ko naman mapigilan mag duda.

"Baka naman, pinainom siya like, drugs?" tanong ko.

"You crazy? Wala ka bang tiwala sa lalaking 'yon?" asik ni Kuya.

"Wala." And I crossed my arms.

Sila Mom ay tulog na at kaming dalawa na lang ang nandito sa sala.

Next day, tulala lang kami dito ni Leon sa kwarto ko dahil wala kaming magawa. Hindi ako na ako pinapasok ni Rio dahil wala naman daw gagawin kaya hindi na ako natuloy.

Kakabalik lang din ni Leon dahil may emergency meeting sila sa Law Firm.

"May something kaya silang dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Sino?"

"Rio and Enzo. Sabay kasi sila pumunta dito tapos nagkakailangan sila. Gets mo?"

"Talaga? Hindi ko napansin." he scoffs.

Bagay sila!

Nagtatalo kami ni Leon na walang namamagitan sa kanila pero ramdam ko talaga as in!

Maya-maya may kumakatok sa pinto and si Mommy pala iyon.

"Mom?"

"Sama ka? Punta tayo sa palengke." Mom said with a big smile.

"Sure."

"Mag ayos ka muna. Hintayin kita sa baba." Mom said and she closed the door.

"Sama ka? Wait, pumupunta ka ba sa palengke?"

Baka allergic siya sa something kasi anak mayaman siya baka mag kasakit. Tumawa siya very loudly at tumingin siya sa akin.

"What do you expect from me?" Ngumisi siya sa 'kin.

He removed his necktie at tinanggal niya ang isang botones sa neckline niya.

Pumunta na kami sa baba para salubungin si Mommy.

Si Leon ang nag drive sa kotse ko habang ako ay may tinitignan sa phone ko at si Mommy naman ay kinakausap si Leon.

Nakarating din kami at tinignan ko muna ang gamit ko baka mawala.

Naglalakad kami sa putikan at wala naman problema sa amin bukod kay Leon na natatalsikan ng putik ang Italian leather shoes niya na worth hundred dollars.

Pinantayan ko ang lakad ni Leon habang tumitingin siya sa paligid.

"You should've wear slippers bago sana tayo umalis kanina."

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now