Chapter 36

139 37 16
                                    

"My... Husband? Mrs. Lozano?" Nagulat siya sa sinabi niya.

"Yeah, it's me. Your husband. And you are my wife."

"Eh? May asawa pala ako?" Tinanong niya ang sarili niya.

Mirus blinks a few times, unable to believe she has a husband.

Naalala ni Leon na nag-aasaran sila noon habang may sakit si Mirus dahil sa husband-wife thingy nila.

The doctor secretly left the room to give the two a spare time para makatulong din kay Mirus mabalik ang memorya niya.

Sumagap ang hapon, pinatawag si Mirus sa isang room para ma-observe ang mga gagawin niya.

"Miss Caelum, I heard you're a very good in math. Can you please solve this one?" May inabot si Dr. Manalo na math equation sa kanya.

Tinignan naman ni Mirus ang math equation at wala siyang ginawa.

"Sorry, pero bobo po ako sa math." Pag amin niya.

Napanganga ang doctor niya dahil ang sabi ni Leon ay matalino sa math Mirus— mukhang nakalimutan niya nga lahat.

"Sa tingin ko, kaya ko sagutan 'to, kung tuturuan niyo ako. Tuturuan niyo po ba ako ng math?" Inosenteng tanong ni Mirus.

Suddenly, may isa pang pumasok na doctor at hingal na hingal, kundi si AJ.

"Mirus!" Sigaw ni AJ at niyakap niya ang kaibigan niya.

"Ano? May naalala ka ba?" Aligagang tanong ni AJ.

"Uh, doc... Sino siya?" Turo niya kay AJ.

"Ah. That's AJ Celeste. Kaibigan mo siya."

"Talaga? Bakit mukhang masama ang ugali niya?" Bahagyang lumayo si Mirus kay AJ.

Nagulat si AJ sa inasta ni Mirus at talagang nag bago nga siya nawala ang pagiging iconic niya lalo na ang signature line niya. Her favorite word, whatevs.

"May tama ka nga talaga." asik ni AJ at binatukan niya si Mirus para bumalik ang alaala niya.

"Aray!" Sumigaw siya at umiyak din ito na parang bata.

"Ang panget mo! Doc, ibalik niyo na po ako sa kwarto ko." Pinunasan niya ang luha niya pero umiiyak pa din siya.

Tinulak ni Dr. Manalo ang wheelchair ni Mirus dahil hindi niya masyadong magalaw ang katawan niya.

Tumigil na siya sa kakaiyak at biglang sumulpot si Leon na kakabalik lang galing sa police station.

"Mr. Lozano?" Tawag ni Mirus.

"Yup. That's me. Should I take you outside, Miss Caelum?" tanong ni Leon at niluhod niya ang kanang tuhod niya sa harap niya.

"Bukas na lang. Gusto ko mag pahinga."

"Alright, as you wish."

Si Leon naman ang nag take over at pumasok na sila sa kwarto niya.

Ingat na ingat si Leon alalayan si Mirus dahil sumasakit pa din ang nga sugat niya lalo na ang sugat sa balikat niya.

Komportable na siyang nakahig at wala pang sampung minuto ay nakatulog dun agad siya.

Next three weeks, may tinitignan si Mirus sa phone ni Leon, tinitignan niya ang nga article na tungkol sa kanya at hindi siya makapaniwala.

"Woah... Sikat pala ako, Chairwoman na may ari ng Solis Airlines?" Tinakpan niya ang bibig niya dahil sa gulat.

"Yes, that's you. The one and only Chairwoman of Solis Airlines." Ngiti ni Leon hagang tumatango.

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now