Chapter 44

143 38 29
                                    

"Anong sinasabi mo?! Minahal ko pare!" Panimula ni Rigel, pinag-uusapan ang love life niya at ang breakup nila ni Lily.

Lahat sila ay lasing na, limang oras na silang umiinom sa garden at walang nakakapigil sa kanila.

"Mahal mo pala! Dapat hindi mo pinakawalan!" sabat ni Zoren.

Kanina pa nag tatalo si Zoren at Kuya dahil sa mga love life nila.

"Baliw ka, tanga na nga si Rigel, ginagawa mo pang tanga lalo. Mababaliw lalo 'yan." Siniko ni Torrance si Zoren.

"Nakaraos na 'yan. Wala na siyang gusto sa super ganda niyang ex-girlfriend." Punong-puno ang boses ni Mirus sa pagiging sarcasmo.

"I was about to kneel and ask her for marriage. Mabuti na lang at hindi natuloy ang kasal ko." Napahinga ng malalim si Rigel.

"That damn Lily." He cursed at tinungga niya ang baso sa inis, mukhang naalala niya ang mapait niyang nakaraan.

"Lahat pala tayo, hindi natuloy ang kasal." At uminom si Miahri.

"Oh, shot puno." Agad sumalin si Mirus ng gin at inabot niya ito kay Miahri.

Natuto na din uminom si Miahri, dahil tinuruan siya ni Mirus at ni Rett kasama na si Rigel.

"Si Mirus? Ikakasal?" Sabay-sabay nilang tanong, bukod sa mga kaibigan ni Mirus.

"Almost." Si Kuya na ang sumagot sa tanong nila.

"Paano nga ulit kayo nagkakilala, Rus?"

Napatingin sila sa 'kin lahat, halatang hindi na mapakali sa mga sasabihin ko.

Napakamot ako sa ulo ko, sighing heavily.

"Ako pa tinanong mo, wala nga akong maalala. Abnormal." Shit. Muntik na ako mag kwento!

Mahirap talaga mag panggap na may amnesia. Ugh.

"Ay, oo nga pala. Sorry naman! Ako na lang, nandoon din kasi ako."

"Mukhang present ka sa lahat pag dating sa tsismisan?" sabi ni Castriel.

"Pasensya na, pakalat-kalat lang talaga ako." Tumawa naman siya, naiinis ako sa tawa niya!

"My sister and his ex-fiancé met at the party, my successful blockbuster film. Ayun din ang oras na naging kami ni Lily." Sinumulan niya na ang kwento.

"Could you please stop using the term ex-fiancé. When that man has a name?" Biglang nainis si Leon dahil naririndi na siya sa ex-fiancé na 'yan.

"Woah, relax bro. Sasabihin na nga ni Rigel. Sige pre tuloy mo na, 'wag mong pansinin si Leon. Game na!" Na e-excite si Cross dahil kay Rigel.

"I'll explain what I saw, as well as what Rus told me before."

"They first met three and a half years ago."

I know you, Rigel. I hope your mouth wouldn't say anything they shouldn't know.

Three and a half years ago

Naging success ang movie ni Rigel, nandito kami ngayon sa States, specifically sa five star hotel na pagmamayari ng Cosmos. Sabi ko huwag dito sa Los Angeles, sa San Francisco na lang para malapit lang sa bahay ko.

Ako pa naging demanding, guest lang din naman ako dito sa event.

Wala sana akong balak sumama, as usual, madami akong gagawin sa Solis.

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now