Chapter 38

114 35 14
                                    

I didn't go to work today, and all of my time is already on hers, as she said last night about shopping.

Mula ground floor hanggang sa pinakataas ng mall ay inikot namin at napansin ko din na kaya niya na ulit lumakad pero mabagal.

Halos ako lahat nag dala sa mga shopping bags niya, and I regret accompanying this woman.

As long as I can see her smile like that, that is. I have no complaints.

"Dito ka muna sa labas, may titignan lang ako sa loob." Paalam niya.

"Alright, I'll wait you here."

Umupo ako sa wooden bench at nilapag ko lahat ng mga pinamili niya.

Magagamit niya ba lahat 'to?

Halos lahat ng pinamili niyang damit, puro pula. Wala ng ibang kulay kundi pula.

Hindi ko din magamit ang phone ko, it keeps vibrating through my pocket at alam kong mga kaibigan ko lang ang mga nag sesend ng messages.

"Tapos na din! Tara, kain na tayo. Libre ko na." Lumabas siya sa isang store saka siya kumapit sa balikat ko.

"Ang bait mo ngayon, ah?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit? Hindi ba ako ganito dati?" Humarap siya sa akin at lumakad siya ng patalikod.

"Hmmm. It's completely opposite."

"Talaga? Ano ako dati?"

"Abnormal." Simpleng sagot ko at bigla siyang sumimangot.

"What? Totoo naman talaga. Tanong mo pa si Rigel at Miahri."

Dumating kami sa ground floor ulit at si Mirus na ang nag hanap ng restaurant.

Later on, nakapasok na din kami at pinaiwan ko sa labas lahat ng mga shopping bags dahil wala akong balak ipasok yan dito sa loob.

It's a Japanese restaurant, at hindi na nag alinlangan ang kasama ko na umorder ng ramem, tempura, sushi at kung ano pa ang cravings niya.

Agad din dumating ang order namin at dahil sa gutom naming dalawa, naubos agad namin ang ramen pati ang mga side dishes.

"Sana pala kumain muna tayo bago umalis."

"You think? Marami tayong oras pero dahil diyan sa kamamadali mo, akala mo mauubusan ka ng damit." Iling ko.

"C.R. lang ako." I excused myself at pumunta ako sa restroom.

Pagkatapos kong patuyuin ang kamay ko, pabalik na ako sa table namin ng may nakita ako.

Inabot ni Mirus ang credit card, at ang itim na card na 'yon ay sobrang pamilyar sa akin. Dahil customized ang credit card na 'yon.

"Wait a minute..."

I grab my phone from my coat and have a moment of realization... Mirus has been using my credit card ever since we arrived.

I thought my friends or colleagues were texting me.

I keep scrolling and scrolling as I continue to scroll through my notifications, and my bank account messaged me about my savings at sa mga ginastos ko.

Nalula ako sa presyong pinamili ni Mirus, at sana hindi ko nakita ang balance kahit na black card pa ang ginamit niya!

Gusto ko mawalan ng malay dahil nakita ko kung magkano ang ginastos niya.

Thirty-six thousand...

Kaya pala kampante siya gumastos ng malaki! That woman!

Ano bang gagawin niya sa mga mamahaling damit na 'yan? Okay sana kung mga pagkain binili niya, kaso hindi!

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now