Chapter 37

108 36 10
                                    

Kinabukasan, nahulog sa higaan si Mirus na kinagising niya at biglang tumunog ang alarm clock niya.

"Ouch." Reklamo niya at hinaplos niya ang ulo niya.

Pag tayo niya, may nahulog na papel sa bedside table niya at kinuha niya ito.

Unfortunately, I will be unable to join you today. I have an important client right now, so please remain at home as I have already made your breakfast to the table. Enjoy.

- Leon.

"Ahhh... Kaya pala napaaga siya."

Because her ankle is still bothering her, she decided to take a bath first thing in the morning, taking her time and taking care of herself.

Mirus goes down to the dining area after taking a bath, where there is food covered by a lid to keep it fresh.

"Dami naman?" tanong niya sa sarili niya at hindi na lang pinansin.

May mga gamot na nakahanda sa mesa just in case na atakihin siya ng migraine first thing in the morning.

Tahimik lang itong kumakain habang may iniisip siya.

"Ay! Oo nga pala!" Bigla siyang natigilan at inubos niya muna ang agahan niya saka siya nagmamadaling maglakad paakyat habang nakahawak sa railings ng hagdan dahil ika-ika pa siya lumakad, naiwan niya pa ang saklay niya sa kwarto.

Sinimulan niya na mag hanap ng dress dahil naalala niya na may interview pala siya ngayon.

Nawala sa isip ko!

Kinuha na lang ni Mirus ang pulang blouse na may dalawang lace sa harap at itinali niya ito para maging ribbon.

Kinuha niya din ang itim na pantalon at black heels.

Habang nag aayos siya, may nag doorbell naman galing sa labas.

Pag tapos niya mag ayos, nagmadali din siya bumaba habang nakahawak sa railings at pinagbuksan niya ng pinto kung sino man ang tao sa labas.

"Hello! Susunduin kita, Miss Caelum." Bati ni Rio at pinapasok niya sa loob.

"O-oo nga. Anong oras ba umpisa sa interview?"

"Mamayang tanghali pa naman. Pero aalis na tayo ngayon."

"Akala ko ba mamaya pa?" Nangunot ang noo niya.

Kung dati ay nagrereklamo si Mirus dahil maraming gagawin— kahit ngayon ay nagrereklamo pa din siya. Lumala pa.

"Oo nga, pero may pupuntahan tayo." Nag peace sign naman si Rio.

Wala nang nagawa si Mirus at sumama na lang din siya.

Inabot pa sila ng ilang minuto papunta sa entrance dahil may dala-dalang saklay ang boss niya.

Gamit nila ang sasakyan ni Mirus dahil at sira naman ang sasakyan ni Rio.

Patuloy na dinadaldal ni Rio ang boss niya kahit ang mga kalokohan na ginawa niya ay sinasabi niya din.

Hindi inabot ng ilang oras ang biyahe nila at nakarating na din sila sa Solis.

"Grabe... I-ito ba 'yung Solis?" Napatingin siya kay Rio.

"Yes, yes and yes."

Naunang bumaba si Rio sa sasakyan at binuksan naman ni Mirus ang pinto, muntikan na matamaan si Rio.

Hindi makakapunta si Leon ngayon dahil patuloy pa din sila sa paghahanap ng suspect.

"So, live ang interview ngayon?"

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now