Chapter 30

138 44 5
                                    

Nandito na kaming apat, nasa iisang lamesa lang kami habang nakikipag chismisan kami ni Kuya kay Daddy dahil sa nangyari kanina.

"Baka naman concern lang siya sa akin para hindi ako magaya kay Stacey?" Nag tatakang tanong ni Miahri.

"Baliw. He said na malandi ka, hindi siya nag aalala sa 'yo. Wala sa pananamit mo, nasa kanila na 'yan." I rolled my eyes.

Kuya and Dad agrees with me.

"Don't mind them. Just do what you gotta." Dad pats Miahri's head and smiles.

Kumuha muna kami sa catering ng pagkain pero kaunti lang kinuha ko dahil feeling ko ay wala akong ganang kumain.

May mga nagsasayawan dito at mga nagpapatugtog kaya umaabot sa labas at nag mukha pang bar pinuntahan namin kasi— I'll just shut myself. Whatevs.

Panay lang kwentuhan namin na may tumatawag sa phone ko.

"Mom?"

"Sorry, I can't make it."  Mom said in disappointment.

"Huh? Okay lang, ano ka ba. Okay lang din naman kami dito. Miahri pulled it off."

"Are you sure? Special day kasi tapos wala ako."  Parang naiiyak na si mommy.

"Oo nga, promise. Tanong mo pa sila Daddy." I tried to cheer up my mom.

"O-okay..."

"Cheer up, go enjoy kila Tita Aida. Promise, mom, okay lang kami."

May humawak sa kaliwang balikat ko at si Kuya lang naman.

Pag lingon ko, my jaw dropped drastically.

"Mom!"

"Hindi kumpleto ang event 'pag wala ako." My mom smiles beautifully kaya pati si Dad ay natulala din.

"Sabi mo hindi ka pupunta?" Napanguso ako.

"I was just joking, hindi ka talaga mabiro." Hinalikan niya ako sa pisngi, same kay Miahri at niyakap niya naman si Dad.

Feeling intimidating to si Daddy kahit nandiyan si Mommy. Kahit wala pang ginagawa si Mommy ay grabe mamula ang tatay ko.

Nang tumayo ang nanay ko para kausapin niya ang mga shareholders, nakita ko si Daddy na pinipigilan ngumiti hanggang sa takpan niya na ang bibig niya sabay bungisngis.

"Hala siya. Kinikilig si loverboy!" Biglang sulpot ni Kuya sa tabi ko na may dala na naman na panibagong pag kain.

Dad pretends to cough and sits in a polite manner.

"I am not." Seryosong tugon niya.

"Yeah? Your reddish face says otherwise." I smile in a sly manner.

Patuloy lang si Kuya sa pang-aasar niya kay Daddy.

We stayed here for a few hours until we decided to leave.

Nag desisyon si Daddy na kumain kami sa labas and we all agreed.

Bago kami nakaalis, nagkagulo ang lahat at tumakbo lahat kay Kuya para magpapicture, autograph, hugs, kisses, and so on.

"Naging fan meeting ang campus, ah?" Natatawang ani ni Daddy.

"Ano, Rus! Mauna na kayo!" Sigaw ni Rigel habang nag kukumpulan ang mga tao.

"Ge! Sunod ka na lang!"

Tuluyan na kaming nakaalis sa school at sinusundan ko lang ang kotse ni mom at dad at si Miahri naman ang nag sosolo sa kotse ni Daddy bago sila pumunta sa school.

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now