Chapter 34

105 39 12
                                    

"Mirus!"

I keep hearing my name at sa inis ko ay nag taklob ako ng kumot.

"Mirus, anak!" Patuloy ko pa rin naririnig ang sigaw niya.

"Mirus Estelle!"

Hindi ako makatulog ng maayos dahil puro pangalan ko ang naririnig ko!

Inis akong tumayo at lumabas ako sa kwarto ko nang padabog.

Nakita ko ang nanay ko na nakahawak sa gilid ng hagdan.

"What?!" Inis kong tanong.

"Tanghali na at tulog ka pa din?" tanong niya habang nagmamaldita siya.

Napatingin ako sa cellphone ko and it's six in the morning, for god's sake!

Alas kwatro na ako natapos sa mga nakapending kong papeles at ngayon ay pinepeste naman ako.

"Bumili ka ng pandesal sa kanto at kape, twin pack ha?"

Kinuha niya ang limang daan sa wallet niya, panay ang reklamo ko dahil wala pa akong tulog.

Hinawi ko muna ang buhok ko saka ako lumabas.

Kinuha ko sa parking lot ang Japanese bike namin at kinaladkad ko ito hanggang sa makalabas ako ng gate.

Sumakay ako sa bike at mabagal ang pag padyak ko papunta sa may kanto.

Giniginaw din ako dahil suot ko lamang ay itim na shorts at pulang t-shirt.

Kada may nga nakakasalubong ako, binabati nila at ganoon din ginagawa ko pabalik. Mga friendly kasi ang mga tao dito, mababait pa at hindi matapobre.

I like this village after all.

Nakalabas na ako sa gate at itinabi ko muna ang bike sa gilid saka ako pumila.

Habang nakapila ako, I am using my phone to play some adorable home.

After minutes of pila, ako naman ang sumunod and I think for a second.

"Ate, benteng pandesal 'yung ordinary lang, walang cheese. Tapos isang creamy white. Twin pack."

Tumingin pa ako sa mga babasagin na lalagyan since I'm kind of craving for bread too.

"Wala kayong Pan de coco?" Dismayadong tanong ko dahil wala akong makita.

"Wala pa, Miss. Maya-maya pa ho magkakaroon." Napakamot siya sa batok.

"Sayang, paborito ko pa naman. Ano, ito na lang ate, limang ensaymada." Turo ko sa kaliwa.

Hinintay ko si Ate ibalot lahat ng pinamili ko.

Inabot na ni Ate saka ako nag bayad at nag lakad na ko papunta sa bike. Nilagay ko sa basket ang pinamili ko at pinadyak ko na ulit ang bike pabalik.

I kept humming my favorite song till I got to the gate of the mansion.

Binuhat ko ang bag pabalik sa loob at kinuha ko lang ang pinamili ko at iniwan ko na lang ang bike sa garahe.

Pag pasok ko sa loob, inabot ko sa nanay ko ang pinautos niya at dumeretso naman ako sa kusina.

"Mirus." Narinig ko na naman ang pangalan ko and I pretend na hindi ko narinig.

Hiniwa ko ang manggang dilaw into two and I cut it into cubes saka ko nilagay sa kanin.

"Mirus?"

"What?" Nangunot na ang noo ko habang si ay mommy gano'n din siya.

"Nasaan 'yung sukli? Limang daan binigay ko sa 'yo."

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now