Chapter 42

108 35 18
                                    

"Isang oras ako nandoon tapos nandito ka na pala?!" Bumungad si Rigel.

Kumakain na kaming lahat at katabi ko si Leon na bagong ligo.

"Sorry." Pang-iinis ko sa kanya.

"Nakalimutan kitang sabihan. Sinayang mo lang ang gasolina mo." Dagdag ko at tinaasan niya ako ng kilay.

Ngayon magagalit ka?! Ha!

Nag handa sila ng tanghalian at ulam namin ay afritada, kaldereta, minudo, giniling.

Ano ba 'yan, iisa lang ang kulay nila. Tinitignan ko pa lang, nalilito na ako.

Tatayo pa lang sana ako na bigla akong pinaghandaan ni Leon ng kanin at ulam.

Naupo na lang ulit ako pero hindi niya ako pinansin.

"Salamat?"

Nginitian niya lang ako at tinulungan niya sila Mommy ihain ang mga pagkain.

Talagang lumabas pa siya para bigyan ng tanghalian ang mga farmers namin dito sa labas.

Napansin ko din na kanina pa nakangiti si Kuya habang tinitignan si Leon at may binubulong ito.

Abnormal amp.

Ayaw nila ako pakilusin, edi 'wag. Nag mamagandang loob na nga ako.

Kumain na lang ako habang busy pa sila.

"Ano? Kakain ba kayo?" Iritadong tanong ko dahil nahihilo ako sa kakaikot nila.

"Kumain ka lang diyan." asik ni Leon at nanahimik agad ako.

Lahat sila ay kumain na, nauna na kami ni Forest kumain ng dessert.

Pag tapos namin kumain, lumabas silang lahat at kaming dalawa lang ni Leon ang nandito sa kusina. At ako naman ay nakasandal sa pader.

Tahimik itong naghuhugas ng mga plato habang nakatingin naman ako sa kanya.

"Stop staring at me, or I'll melt."

Habang naghuhugas siya, may naalala ako.

"You look like my husband who do the chores." I smirk, and he stops washing the dishes.

Leon is probably thinking that sentence is quite familiar to him.

"And you look like my wife that needs to take care of."

I was even more surprised when he remembered the day I was sick and he looked after me.

Okay, ayoko na. Baka paghinalaan na ako.

"Ano bang ginagawa mo dito at hindi ka mag pahinga sa kwarto mo?"

"Hindi naman ako pagod, tsk."

"Tapusin ko lang 'to, papagudin kita." At binilisan niya nga hugasan ang mga plato.

"H-hoy! Anong papagudin?! Sapakin kaya kita?" Hamon ko pero hindi siya natinag.

"Yeah, your reddish face said so." Ngumisi na naman ito.

Sa wakas ay natapos na din itong nag hugas at bigla niya akong hinarang sa pader.

Gusto ko pa sana umatras pero wala, na corner ako.

"To me, the way you're speaking right now sounds completely different. Why? Did you imagine something that I'm not aware of?"

My eyes widened as he spoke. No, I'm thinking exactly the opposite of what he's thinking. No way!

"Huwag mo ako itulad sa 'yo." Inirapan ko siya.

Constellation of Love Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now