💙Chapter 60💙

19 2 3
                                    

Kinabukasan walang kahit anino ni kiel ang bumungad sakin, ang daya nya sabi nya seven days pero wala pang kalahati nang iwan na sya sa ere, siguro niloloko nya lang talaga ako, siguro pinaasa nya lang ako sa mga salita nya

Ewan ko ba pero di ako mapakali lalo na at isang linggo na syang walang paramdam sakin "Athena!"

Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses sakin kaya naman nilingon ko ito, at si christian nga na naglalakad palapit sakin.

"O ikaw pala san punta mo bihis na bihis ka yata" pansin ko sa suot nya na nagmumuka nanaman akong chimay kapag katabi ko sila dahil elegante ang mga suot pero simple lang sa kanyang tignan.

Ngumiti naman ito ng maluwag saka napakamot sa ulo "ah wala lang" natatawang sabi nito na curious ako

"Anong wala lang ano trip mo lang pumorma? Siguro gusto mong magpahabol sa mga chix no" taas kilay kong pang aasar sa kanya

Lalo lang itong natawa sa sinabi ko "muka ba akong babaero sa paningin mo? Noon pa man hinahabol na talaga ako" sbit nito na may halong pagyayabang

"Edi ikaw na habulin ng taon" patol ko sa sinabi nya

"Joke lang ito naman ganito nalang para di masayang tong outfit ko tara kain tayo sa labas?" Pag iiba nito sa usapan

"Ahm mabuti pa nga" walang alinlangan akong pumayag kesa naman maghapon kong isip isipin si kiel kung nasaan na ba ang lalaking yun....

Di na rin nagsalita si christian at kinuha sandali ang kotse nya saka inalalayan ako nitong makasakay sa loob at pinaandar na ang kotse
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Medyo malayo layo yung naging byahe namin ni christian, nalaman ko na lang na sa Qubo Qubana Resort nya ako dinala, medyo nagtaka ako kung bakit dito nya ako dinala

"Christian kala ko ba kakain tayo bakit dinala mo ako sa resort na to?" Nakahinto kami sa mabatong daan malapit sa entrance ng resort, ngumiti ng may kahulugan

"Kakain naman talaga tayo and look pagpasok natin sa loob makikita mo agad yung swimming pool pwede kang maligo at umorder ng kahit anong gusto mo"

Sambit nya sabagay resort to pero ang mahal din ng mga bilihin, kaso kahit tumanggi ako alam kong sasabihin nanaman nyang wag kp isipin ang presyo ng pagkain kaya napatango nalang ako at sumunod sa loob

Sya na yung nagbayad ng entrance fee namin tapos sa may bandang taas gitna kami nag rent ng kubo kung saan napapagitnaan ang dalawang swimming pool na may pambata at matanda tapos nag order sya dun sa bar ng drinks namin saka pagkain

Habang nag aantay kami, pinagmasdan ko muna nag kapaligiran medyo maliit ang resort pero ok naman kasi yung mga cottage eh malapit lang sa pool kaya di ganon kalayo

"Do you want swim now?" Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si christian sa tabi ko kaya napalingon ako

"Mamaya nalang siguro naninibago pa kasi ako" sambit ko sabay inom ng juice, tumango naman sya at kumuha ng inumin

"Gusto ko mag enjoy ka Athena, anything you want basta yung nagugustuhan mo" sambit nya. Hindi na lang ako pumalag pa since gusto ko nkgang malibang kahit na may bumabagabag pa rin sa loob ko.

.

.

..

.

.

.

.

.

dalawang oras na kaming naglilibang ni christian kung saan saan nya ako dinadala sa loob ng resort halos andami ko na ring nakain dahil kada may pupuntahan kami eh may buffet na nakahain nakakatuwa naman kasi napaka elegante ng mga makikita mo lalo na yung mga guest nila dito.

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now