💙Chapter 6💙

171 13 8
                                    

Kasalukuyan kaming nasa moa dahil dun nya ako dinala gamit ang kotse nya, pinark muna nya ang sasakyan "anung gagawin natin dito?" Tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt

"Having fun" yun lang sagot nya at nauna ng bumaba ng sasakyan tapos naglakad sa kabilang pinto para pagbuksan ako at alalayang lumabas

"Salamat" ngitian ko sya "let's go?" Tumango lang ako at sumabay sa kanya ng maglakad.......

"Wow ang ganda naman dito" halos lahat na yata ng makita eh nilalapitan ko at hinahawakan, first time ko kasing makapunta sa ganitong kalaking mall kasi naririnig at nakikita ko lang to sa picture pero ngayon nandito na ako at kasama ko pa ang crush ko napaka perfect nito..

"Happy?" Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya "hehe sorry ngayon lang kasi ako nakarating dito" tumigil na ako sa ginagawa ko nahiya kasi ako bigla baka sabihin ni christian ang informal ko

"Bakit tumigil ka?" "Eh kasi ano eh-"

"Ok lang just do what you want but for now kain muna tayo" hinila nya ulit ako papasok sa isang restaurant na mukhang mamahalin ang mga pagkain

"Just take your order" utos nya at inabot ang menu, tinignan ko isa isa ang mga pagkain at naisara ko to ng wala pang limang segundo

"What happen?" Taka ni Christian kaya napatingin ako sa kanya "ah pwede naman tayo ng kumain na lang sa street food masarap yun" pangungumbinsi ko pero tinawanan nya lang ako

"Bakit?" Tanong ko "alam ko nang yan ang reaction mo kaya nothing to worry just pick up your order" "hehe" napangiwi na lang ako at tumingin ulit sa gintong menu

Mayat maya lang dumating na ang pagkain at napaka bango natatakam na ako! "Haha don't starring just eat" turo nya sa pagkain, tumango lang ako at nagsimula ng kumain

Halos mangalahati ko na ang kinakain ko at pagtingin ko sa Plato ni Christian 😣😓 parang wala pang one fourth ang kinain nya masyado yata akong matakaw!

"Ohhh I know what you think thinking about don't you worry" sambit nya ng hindi tumitingin sa akin, ang laki pagtataka ko kanina nya pa alam ang iniisip ko psychic na ba sya or mind reader?

Hindi ko na lang pinansin at tinapos na ang pagkain, may mga pinuntahan pa kaming mga pasyalan sa mall na ikinalibang ko, sobrang saya ko na para bang bata

Makalipas lang ng isang oras nagdecide na akong magpahatid pauwi dahil may trabaho pa ako "hatid na kita sa trabaho mo" offer nya habang nagmamaneho

"Hindi na sobra sobra na ang ginawa mo salamat na lang kaya ko nang mag commute" tanggi ko "I insist keep it your money" ang bait talaga nya
.
.
.
.
Mabilis lang kaming nakarating sa coffee shop kaya hindi ako nalate bumaba na ako at humarap sa bintana "salamat ulit sa lahat ingat ka pauwi" paalam ko

"Your always welcome see you around" nag nod lang ako at hinintay na makaalis ang ang kotse nya nang masiguro kong wala na sya, pumasok na ako sa loob at dumiretso sa clothing

"Hay ano ba yan Athena yung buhok mo nakaharang" nagulat ako sa sinabi ni ana "bakit naman maiksi lang naman buhok ko ah" Panay din ang tingin ko sa baba

"Haha ikaw kasi haba ng hair mo" anu daw? "Pano mo nasabi?" Patay malisya kong tanong "dahil may kasama kang gwapo kanina sino yun ha? Ikaw ha di ka man lang nagkukwento" sabay sundot sa tagiliran ko

Napangiwi ako sa sinabi nya "classmate ko yun hinatid lang ako" depensa ko naman

"Nga ba?" "Ok sige crush ko sya shh wag ka maingay ha secret lang natin" pangalawa pa lang sya sa sinasabihan ko
"Ayyyiieee ppeerneess sayo gwapo nga sya"

Napatalon talon pa sya sa kilig "tama na yan mag simula na tayo" sambit ko pagkaayos ko ng uniform "sige Tara na" nagpunta na kami sa kanya kanyang pwesto at inasikaso isa isa ang mga bagong dating

"Good afternoon mam what what's your order?" Dumami naman yung costumers na dumating
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Huuyyy baka mahanginan ka di na bumalik sa dati yang labi mo" sulpot ni ana sa likuran ko "hindi naman" sagot ko

"Aysus kunwari pa haha makabalik na nga" at yun nga matapos akong bulabugin bumalik na sya sa pwesto nya at ako naman inaayos ko ang pwesto ko na medyo makalat dahil sa mga resibo na hindi na kinukuha ng ibang costumers....

"May I have your attention please" utos ng manager namin kaya agad kaming lumapit sa kanya

"Ok I want you all to know that we make a promo starting tomorrow until next month so I need your cooperation to do it work" sambit nya na inabot sa amin isa isa ang mga brochure na may promo

"Yes po mam copy" sabay sabay naming sagot
"That's all just go back to your work" gaya ng sabi nya bumalik na kami at saka dumating ang mga bibili

Nakakatuwa naman na palaging ganito ang taong dumarating sa coffee shop "psst" sita sakin ni ana "bakit?" Bulong ko "Diba nakapromo na tayo ayain mo yung gwapong kasama mo"

"Oo nga noh sige sabihin ko" sagot ko "pakilala mo ko ha" pahabol nya pa kaya natawa ako bigla "oo na papakilala kita baka naman kung ano na ang gawin mo ha!"

Suway ko na ikina ngiwi nya "eh? Pakilala lang naman" natawa tuloy ako lalo "haha joke lang  Anu ka di ka mabiro"

Ngumiti na rin sya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Makalipas ng walong oras, natapos din ang duty namin kaya naman nagpalit na kami ng damit pagkatapos iligpit lahat ng gamit sa coffee shop

"Hay kapagod" umunat unat pa si ana habang ako nagpapalit na "Tara na?" Sabay sabay na ulit kaming lumabas ng shop at saka lang nagkanya kanyang daan pauwi

"I thought your busy but taking you out going to mall with other guy?"

Kumunot ang noo ko sa nagsalita "ah Athena sa tingin ko mauna na ako sayo mukhang may huling bisita ka" nagpaalam na sakin si ana

Iniwan ako?

"Ano namang ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi? Sarado na ang coffee shop kung yun man ang pinunta mo"

"Tsk tsk, I hope maganda nga yang project mo with MALL" iniinis talaga ako nito eh "bakit ka ba nangingialam sa bahay ko at least ako hindi ko pinababayaan ang pag aaral ko unless sayo" pag mamataray ko

Sinundan ba nya ako sa mall kanina? "Well goodluck for being flirty" sa hindi ko pagkontrol nasampal ko sya dahil sa sinabi nya, ako malandi? "Excuse me lang wala kang karapatang sabihan ako ng malandi hindi mo naman ako kilala ng sobra para masabi mo yan"

Nahawakan nya pa ni Kiel ang panga nya na namumula dahil sa sampal ko "if its not 'TRUE' sumama ka sa mga mayayamang kaya kang dalhin kahit saan mo gusto what a social climber"

Sa pagkakataong ito tumulo na ang luha ko at parang tagas na walang tigil sa pagtulo. "Bakit ma-masama na bang magkaroon ng kaibigang katulad ni Christian?, wala na bang karapatang sumaya?, ganun ba kababa tingin mo sakin?, para sabihin ko sayo kahit mahirap lang ako may didnidad at respeto ako sa sarili ko, sinisikap kong magtrabaho para lang may pampaaral ako, ni minsan hindi ko hinangad na gumamit ng ibang tao para lang makuha ko ang gusto ko"

Halos walang tigil sa pagbagsak ang luha ko dahil napakasakit na laitin ang pagkatao ko habang sya nananatili pa ring kalmado

"Buti pa nga kayo ang swerte nyo dahil nagagawa nyo ang gusto nyo, ang makapg aral ng hindi pinaghihirapan ang tuition na binabayad, pero ako hindi, kung hindi ako kakayod hindi ako makakapag aral, tanging hangad ko lang ay makapagtapos para nang sa ganon nagbabaka sakali ako na mahalin na rin ako ng nanay ko"

Aamba pa syang magsalita pero mabilis akong tumakbo para makalayo na sa kanya ayoko nang makarinig pa ng kahit anong panlalait mula sa kanya

Tama na, masakit sobra!












(Ay! Hala napasama yata,, by the way sa chapter kaninong shifting kayo?

Is it *Christian & Athena?
   Or.*Kiel & Athena?

Enjoy reads!)

Don't forget to vote and comment!

Follow me: @Mb_Muster
Fb Account: Mb Muster

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя