💙Chapter 12💙

135 13 3
                                    

Athena's POV;


Masaya kami ni Christian kanina dahil puro patawa ang mga kwento nya as in madadala ka sa kwento nya kaya puro tawa ang ginagawa ko, ng biglang may narinig kaming nag sisigawan, nung una akala ko may kung ano lang,

Pero ng makita ko na kwinelyuhan nung lalaki ang nasa harapan nya medyo naalarma na ako mukhang may gulong mang yayare, hindi ko makita kung sino ang hawak nya kaya nagpaalam muna ako sandali kay christian,

Ayaw pa nya akong payagan nung una dahil baka madamay daw ako sa gulo pero isa rin sa responsibilidad ko ang tumulong sa ganitong sitwasyon,

Naglakad ako palapit dun sa nag aaway, laking gulat ko nang makita kung sino ang kinikwelyuhan nung malaking lalaki, si Kiel kaya hindi na ako nagdalawang isip pa dahil alam kong papatulan sya ni Kiel pag nagkataon, ayokong magkaroon ng gulo sa shop namin,

"Aba siraulo ka din noh gusto mo yatang maka-" Akmang sasapakin na nya si Kiel kaya tumakbo na ako at hinawakan ang braso nung lalaki

"Sir tama na yan" pigil ko, sa totoo lang kinabahan ako ng sobra sa ginawa nya

"Sino ka naman?" Sabi nya na sa tingin ko o mas tamang sabihin na nang gagalaiti sa galit, nakita ko sa mukha ni kiel na anytime aatake na rin sya kaya mabilis kong binawi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa

"pasensya na sir kaibigan nya po ako ah ako na po ang kakausap sa kanya pasensya na talaga" paghingi ko ng tawad sa tingin ko kumalma naman sya sa sinabi ko kaya medyo umaliwalas ang kaninang galit na itsura nya

"pasalamat ka at mabait tong kaibigan mo kung hindi nakatikim ka na sakin" sambit nung lalaki sabay bitaw sa damit ni kiel

"Mm buti nga Tara na babe" singit nung babae na katabi nung lalaki, girlfriend nya siguro pero napakaarte tapos ang kapal ng kolorete sa mukha

Tinignan ko sya ng masama habang pinapagpag ang damit nya "ano nanaman ba to Kiel dito pa talaga sa shop? Di ka man lang nahiya nagawa mo pang makipag away NANAMAN!"

Sermon ko napahawak ako sintido ko, dahil sa inis "ako pa talaga?, inalam mo man lang ba kung ano ang totoong nangyare?" Sigaw nya at napabuntong hininga, medyo nagulat ako sa pagsigaw nya pero di ko na lang pinahalata

"Eh mahilig ka naman talagang magsimula ng gulo Diba?" Inis kong sagot, hanggang sa mapansin kong nagtitinginan ulit ang mga tao sa paligid

He rolls his eye at natawa ng bahagya "Fine ako na ang Mali are you happy?" Sarcastic nyang sabi at bago pa man ako makapagsalita, mabilis syang naglakad paalis pero bago pa man syang tuluyang umalis, nagkaharap pa sila ni Christian

Nang tuluyan na syang makaalis , hinarap ko ang mga costumers na kanina pa nakikiesosyo, "ah good evening po sa inyong lahat, pasensya na po sa nangyare kanina, magenjoy na lang po kayo sa promo namin"

Pag iiba ko para hindi na sila maabala inawat ko lang naman sya, anung Mali sa ginawa ko? Talaga namang nagsisimula sya ng gulo, base pa lang sa naranasan kong pambubully nya hindi malayong, gawin nya yun sa iba!

Sinaway ko rin sya dahil nasa loob sya ng shop, hindi ko nga alam kung bakit andito sya ng ganitong oras sa pagkakaalam ko nakauwi na sya pero hindi pa pala, dahil dumiretso sya dito para makipag away lang?

Sumosobra na sya!

Hindi rin naman nagtagal at bumalik na sa kanya kanyang gawa ang mga costumers pero may ilan din mas pinili na lang umalis, hindi ko sila masisisi dahil may gulo nga naman kanina, pero napigilan naman agad.

Binalikan ko si Christian na hanggang ngayon nakatayo pa rin malapit sa pwesto nya kanina,"pasensya ka na ha ah gusto mo libre na lang kita ng coffee-"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now