💙Chapter 53💙

61 5 11
                                    

(A/N: kung may mga words na mali po pasensya na antok na ko hinabol ko lang to!)




Athena's POV:






Naglilinis kami ngayon ng bahay as family nakakatuwang isipin na unang araw naming maglilinis ng magkakasama yung magkakasundo, hindi nag aaway at lahat nakangiti,

Dati lang mas madalas akong maglinis mag isa minsan natulong si tatay pero ngayon?....

Tatlo na kaming naglilinis dahil sabi ni nanay babawi daw talaga sya ng sobra sakin, sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala at halos lagi pa rin timumugto ang mata ko dahil sa sobrang sweet at alaga sakin ni nanay na dati lang pinapangarap ko

Pero nangyayare na ngayon.

"Anak paabot naman nung walis ang daming agiw dito" utos sakin ni nanaya saka umakyat saa hangdan, dali dali naman akong kinuha ang walis at inabot yun sa kanya "eto po, pero nay kaya ko naman yan baka mahulog ka pa"  pag aalala ko

Hindi na bata si nanay para magawa nya ng mabilis yun baka magkamali pa sya ng tapak at mahulog pa, umiling sya at ngumiti "nako anak gawaing nanay to saka hayaan mo na ako para naman mas maexcercise ang katawan ko" sambit nito at inabot ang agiw sa kisame

"Oo nga naman anak alam mo kasi 'GURANG' na yang nanay mo haha" pang aasar ni tatay na may diin pa sa salitang gurang, tinignan sya ni nanay ng masama "hoy joseph hindi lang ako ang gurang dito mas gurang ka sakin"

Hindi nagpatalo si nanay at nakipag asaran din, "sus ang sabihin mo losyang ka na"

"Aba tignan mo tong lalaking to? Kung losyang ako hindi ako magkakaroon ng magandang anak na tulad ni athena diba anak?" Tinignan ako ni nanay sabay kindat

Natawa ako ng sobra sa mga sinasabi ni tumango na lang ako na ikinasimangot ni tatay

"Kayo talagang dalawa pinagtutulungan nyo na ako dati anak sakin ka kampi ha" nag pout pa si tatay na parang bata

"Hay nako tay, nanay kahit ano pa man yun pareho ko kayong mahal"

Sa sinabi kong yun, pareho silang natouch "hay talaga naman dahil sa sinasabi mo lalo akong nagiguilty sa mga nagawa ko sayo anak patawarin mo si nanay ha!" Naiiyak na sabi nya

"Nay, ilang beses na po kayong nahingi ng tawad sakin tama na po, diba nga po sabi ko never po akong nagtanim ng sama ng loob sayo kaya ok na ha" nag sign ako ng ok

Ang importante lang sakin masaya na kami ngayon...

"Ay tama na nga yan nagdadrama nanaman kayo, taposin na natin to at magtatanghali na" utos ni tatay

"Ay oo nga po sige po magsasaing lang ako ako na rin magluluto ng ulam" presenta ko "wag na anak ako na" pigil ni nanay

"Hindi na po ako na bahala mabilis lang yun" bago pa man magsalita si nanay mabilis na akong naglakad papuntang kusina para maghanda ng makakain, sakto pagtapos na sila pwede na rin kaming kumain ng tanghalian
.
.
.
.
.
.

Habang hinahanda ko ang pagkain namin biglang tumunog yung phone ko hudyat na may text!

[From: Christian

    
      Are you busy?😉]

Si christian pala yung nag text, bakit kaya? Baka may kailangan! Nagreply ako sa kanya

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now