💙Chapter 33💙

93 8 2
                                    

Sampung minuto na akong hindi mapakali dahil sa nangyare kanina, para akong binuhusan ng malamig na tubig, minsan iniisip ko masyado yata akong pinangungunahan ng init ulo lalo na kapag may nakakaaway akong tao

"Kasi naman pinipigilan na kita pero ayaw mo paawat" sermon ni Kim sakin habang sumusilip sa may office ni ma,am jasmine, "eh di ko naman sinasadya, nabigla ako kasi naman lagi kaming nag-aaway nun!" Depensa ko

Sino ba naman mag aakala na yung taong kinaiinisan mo eh pwede mo palang maging boss?, dahil kanina pa sila ma,am jasmine at Kiel-este boss sa loob ng office malamang pinag paplanuhan na ni Kiel ang pagtanggal sakin

Nasapo ko ang noo ko sa inis, bakit ba kasi sa dinami rami ng pwede kong maging boss bakit sya pa? Mas pipiliin ko pa yung dating kong boss kesa sa kanya....

Haysss kainis talaga....narinig ko na ang yapak ng sapatos ni ma,am Jasmin mukhang alam ko na ang susunod na mangyayare!!!

"Athena come here" maotoridad na tawag nya na syang nagpanginig sa buong kalamnan ko, dahan dahan akong lumapit sa kanya na halos ayaw ng humakbang pa ng paa ko "ba-bakit po ma,am?" Kahit alam ko na ang mangyayare, mas pinili ko pa ring magtanong

"Nothing to worry about what happen between you and our boss, actually pinapatawag ka nya may gusto lang daw syang linawin go na!" Mabilis nya akong tinulak papasok ng pintuan at iniwan ako kasama ang asungot na to

Paglingon ko, nakangiti ang loko sabi na nga ba nang aasar lang ang isang to! "Have a sit" alok nya na sya ko namang ginawa kahit na sa totoo lang ayaw ko syang sundin kung may choice lang ako, pasalamat sya at boss ko sya kung hindi, hindi ako susunod sa pinapagawa nya!

"Masyado ka namang seryoso calm down I won't bite you" sambit nya at itinaas ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa, boss ba talaga to? Kung umasta sya ngayon parang walang nangyare samin huh!

"Ano nanamang nakain mo at nag iba ang mood mo?" Wala sa sarili kong tanong, alam kong boss ko sya pero di ko mapigilang hindi mainis sa kanya "nothing I just playing around" mukha bang nakikipaglaro ako sa kanya?

"Bakit hindi mo ako tinanggal sa trabaho matapos kitang sigawan kanina may karapatan lang gawin yun?" Gusto kong malaman ang side nya kaya pinapranka ko sya umayos sya ng upo at deretsong tumingin sakin "mmmm hindi kasi ako isip Bata para gumanti sa kagaya mo kaya labas ang personal issue sa trabaho mo so should be a great to me as long as you working here as my employee" deretsa nyang sagot

Para na rin nyang sinabi na isip Bata ako? "So ibig sabihin isip Bata ako? Yun ba pinaparating mo?"

"Wala akong sinasabi alam mo yan!" Mahinahon nyang sabi saka tumayo at naglakad palabas ng pinto,napabuntong hininga na lang ako at napairap sa hangin, lord pagsubok nanaman ba to? Pwede bang palipasin naman kahit isang buwan lang! Sunod sunod eh

At kung pwede po wag sa kanya!
.
.
.
.
.
.
.
Natapos na ang shift ko oras na para umuwi "Kim saan daan mo?" Tanong ko pag labas namin ng shop "ahm duon papuntang highway,malapit lang halos ang bahay namin dito" sagot nya habang sinasara ang bag nya

"Mm buti ka pa ako kasi medyo malayo to sa tinitirahan ko" buntong hininga kong tugon " wala ka bang kasabay or sundo man lang?" Sunod nyang sabi "ahm meron naman kaso ayoko na syang isturbohin pa saka kaya ko namang bumyahe mag isa sanay ako"

Tumango sya "mmm oh pano kita na lang tayo bukas mag ingat ka sa pag uwi ah" bilin nya bago bumeso sakin "salamat ikaw din ingat" nag kanya kanya na kaming daan, medyo malayo sakayan dito kumpara sa dating kong nakasanayan, pero sa totoo lang ang sarap mag lakad dito

Maaliwalas ang daan at paligid, may playground din malapit, naisip kong tumambay muna dun kahit saglit lang, naupo ako sa swing at idinuyan yun, dama ko ang hanging dumadampi sa buong katawan ko, tahimik at makulay ang paligid

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now