💙Chapter 48💙

60 4 8
                                    

Bakit parang akong nahihilo saka ang dilim ang bigat ng mga mata ko pero pilit ko yung idinilat para malaman ang nangyayare,

Nang makadilat ako parang pamilyar sakin ang kisameng nakikita ko nasa bahay ba ako?,

Hanggang sa may narinig akong boses, "joseph gising na ang anak natin" si.....si nanay ba yung naririnig ko baka naman guni guni ko lang

"Anak salamat naman at nagising ka" rinig ko ulit parang di na yata ako nananaginip ha, nilingon ko na yung kanina pang tumatawag sakin, hanggang sa magtama ang mata namin nila nanay at tatay

Totoo ba tong nakikita ko? Sila nanay ang nasa harapan ko? Dahil sa bilaan ay napatayo ako na pinagsisihan ko rin dahil sumakit ang ulo ko, "aray!"

"Oh wag ka munang bunagon may sugat ka pa sa noo" rinig kong sabi ni tatay

"Tay? Ano pong nangyare bakit may sugat ako?" Hindi ako sinagot ni tatay bagkus hinawaka ako sa kamay ni nanay at ngumiti ito na syang ikinagulat ko dahil never pa itong ngumiti ng ganun si nanay

"Nawalan ka ng malay matapos mo akong iligtas kanina, hindi mo na dapat ginawa yun anak yan tuloy muntik pang manganib ang buhay mo dahil sakin!" Nangingilid ang mga mata nito sa luha

"Nay naman wag ka magsalita ng ganyan, nanay kita eh mahal kita kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan babalik at babalik ako sayo, sorry kung lagi akong nagpaoabigat at-"

"Shhhh anak ako dapat ang humingi ng sorry sayo, nang oras na osingugal mo ang buhay mo para sakin, natauhan ako binuksan at pinalambot mo ang puso kong sobrang tigas"

Biglang umagos ang luha ko na para bang wala ng bukas, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon

"Ikaw ang nagmulat sakin sa realidad na hindi dapat kita pinagkaitan ng pagmamahal, sobra akong nagsisisi sa mga nagawa ko sayo, sobra sobra akong nanghihinayang sa mga panahong pinagkaitan kita ng pagmamahal ng isang ina, panahong dapat ako ang nag aalaga at nag papalaki sayo, patawad anak sana may puwang pa sa puso mong mapatawad ako"

"Kahit kelan nay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sayo, alam yan ni tatay dahil alam kong may dahilan lahat ng yon, at mas lalo ko pang naintindihan ang pinagmumulan ng galit mo nang malaman kong bunga ako ng masakit na nakaraan mo, kaya mas ginusto kong lumayo para di na kita masaktan"

"Hindi anak, kahit kelan hindi mo ako binigyan ng sama ng loob, ako ung pilit na gumagawa ng pqraan para malayo sa ang loob ko pero pinagsisisihan ko yun, pakiusap anak hayaan mo akong bumawi sayo"

Niyakap ako ni nanay ng napaka higpit na matagal ko nang pinapangarap simula ng magkaisip ako at hanggang ngayon, yumakap rin si tatay na para bang naging happy family kami

"Ang drama ng mag ina ko hay salamat naman at magkasundo na kayo"
"Salamat kay papa god at tinupad na nya ang kaisa isang hiling ko na mahalin ako ni nanay" sambit ko habng walang tigil sa pag iyak

For a long years sa wakas naramdaman ko na ang matagal ko nang inaasam marahil ito na ang isa sa pinakamasayang moment sa buong buhay ko, humiwalay sa pagkakayakap sila nanay at nagsalita bigla si tatay

"Nako Lourdes alam kong hindi nawala ang pagmamahal sa anak natin, lam bo ba anak hindi ko lang to sinasabi sayo, pero lagi kong nahuhuli ang nanay mo noon sa sinusulyapan ka mula sa malayo simula nung bata ka pa"

Napataas ang dalawang kilay ko at napatingin kay nanay, halatang nagulat din sya sa sinabi ni tatay

"Pa-pano mo nalaman yan?" Taka ni nanay, "syempre ako pa ba hindi lang ako nagsasalita pero lagi kitang sinusundan pqra alamin kung saan ka nagpupunta sa tuwing paalisin mo sa athena"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now