💙Chapter 13💙

126 10 5
                                    

Nakarating kami sa classroom na hawak pa rin ang kamay ko, medyo nahihiya na nga ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin,

"Uy oh may kaholding hands"

"Sila na ba?"

"Hindi pwede sakin lang si papa Christian"

Bulong bulungan nila pagpasok namin sa loob

"Christian bitawan mo na ang kamay ko" bulong ko sa kanya, mabilis naman nyang binitawan ang kamay ko mukhang nakaramdam din sya "sorry!" Naghiwalay na kami ng daan dahil sa unahan ako at bandang likuran naman sya

Speaking of muntikan ko ng makalimutan na kakausapin ko pala si Kiel as usual, natutulog nanaman sya, lagi ba syang puyat or baka hindi sya natutulog sa gabi kaya sa umaga nya ginagawa,

Pag upo ko parang naramdaman nya ang presensya ko dahil gumalaw sya pero hindi nya tinuloy ang pag angat ng ulo, problema nito?

Medyo tahimik ngayon ang classroom kumpara sa dati, kaya pati tong si lea hindi man lang napansin ang pag upo ko, sobrang busy sa katext malamang yung boyfriend nya siguro

"Psst" tawag ko kay Lea "mm" yun lang ang sinagot nya tapos hindi pa lumingon, "lea" tawag ko ulit "mm!" Yung totoo hindi na ba sya marunong magsalita?

Kinalabit ko na sya ng tuluyan ng biglang "aaaaahhhhhhh!!" Nagulat ako sa ginawa nyang pagsigaw dahilan para makaagaw ng atensyon ng lahat na nasa loob anyare?

"Anyare sa kanya?"

"Anung meron?"

"Napano yun?"

"Sino yun?"

Kanya kanyang reaction ang buong klase kahit naman ako ganon din ang naging reaction ko bigla ba naman sumigaw! Pati yung natutulog na si kiel nagising ng walang kaalam alam at masama ang tingin kay lea,

Wag kang mag alala pareho tayo!

Slow motion syang lumingon sakin habang dilat na dilat ang mata "anyare sayo bakit bigla bigla kang nasigaw? May problema ba?" Pag aalala ko baka kung napano na to!

Ilang segundo lang nag slow motion din ang mga labi nya pataas at ngayon ngiting ngiti ay baliw na!

"Bheeeeessssttt" tawag nya na parang hindi makapaniwala sa nangyayare "Anu nga?" Irita kong tanong ang dami nyang pasakalye ayaw na lang sabihin, lumapit pa sya sakin ng konti bago magsalita

"Bhest dadalhin daw ako ni Lorenz sa AMERICA! Ahhhhha ahahah" sabi nya habang nagtititili, "america? Layo nun ha sure yan? Pero bakit daw?"

Yung kaninang pagkairita ko napalitan ng excitement dahil syempre masaya ako para sa bestfriend ko, "gusto nyang maging official na kami, ipapakilala na nya ako sa parents nya"

Excited nyang sabi habang kinikilig napangiti ako sa sinabi nya finally mas happy na sya at ang swerte nya sa boyfriend nyang Forein!

"Congratz Bhest pasalubong ko ha kelan daw ba kayo pupunta ng America?" Pag iiba ko "oo naman may balik bayan box ka sakin, balak nya sa end ng first semester natin"

"Ah edi ok, masaya ako para sayo dahil magiging official na kayo ni Lorenz tamang tama yan matatanda na kayo at gagraduate ka na kaya wala ka ng dapat ipag alala"

Bati ko at niyakap sya "salamat Bhest kaya dapat ikaw din ha mag boyfriend ka na gagraduate ka na ng college NBSB ka pa din, andyan naman si Christian-"

"Uy!" Natakpan ko ang bibig nya dahil sa ingay nya "mmmm" pilit nyang tinatanggal ang kamay ko kaya sinensayan ko sya na manahimik, buti na lang hindi narinig ni Christian kung hindi nakakahiya!

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now