💙Chapter 51💙

104 7 12
                                    

Naputol ang halik na pinagsasaluhan namin ng may marinig kaming sumisigaw

"Athena where are you?" Boses ni Christian yun ha "bessy nasaaan ka" saka si lea mukang malapit lang sila dito kung saan kami nakulong naitulak ko ng bahagya si kiel para makapunta sa may pintuan pilit kong kinatok

"Christian, lea andito kami" sigaw ko at tuloy pa rin sa pagkalampag ng pinto, habang si kiel nakatingin lang sakin at walang ginagawa

"Kiel sila lea yun tulungan mo akong sumigaw para mahanap nila tayo" pakiusap ko pero sa halip nanatili lang itong nakatingin sakin, napailing na lang ako sa sobrang dismayado, wala akong choice kung hindi ang sumigaw ng sumigaw hanggang sa marinig ko ang mga yapak palapit samin

Kaya naman mas nilakasan ko pa ang sigaw "andito kami-"

"Ibig bang sabihin hindi totoo lahat ng sinabi mo sakin ngayon?" Natigil ako ng biglang magsalita si kiel pero nanatitli  lang akong nakatalikod sa kanya

"Sa mga nangyare ngayon sating dalawa sa tingin ko talo pa rin ako sa puso mo" sobrang lungkot na sambit nito, gaya ng sabi ko, nagugulo na ang puso at isip ko, nakagat ko ang ibabang labi ko

Pakiramdam ko pinaasa ko lang si kiel, napakasama ko, nang haharapin ko sya at sasagutin, biglang bumukas ang pinto dahilan para matumba ako at masalo ni Christian

"Christian!" Wala sa sarili kong tawag habang nakatitig sa kanya

"Thank god walang masamang nangyare sayo" pag aalala nito at biglang tumingin kay kiel "your asshole, what do you think your doing?, pano na lang kung hindi namin kayo nahanap your so selfish-"

"If I know hindi mo pa pagmamay ari si athena kaya wag kang umasta na parang sayo sya"

"You-"

"Tama na Christian" sigaw ko ng tangkain nyang sugurin si kiel, hinarang ko sya ayokong magkasakitan pa sila ng dahil sakin "walang syang ginawa sakin pakiusap gusto ko nang umuwi" sambit ko

"Hindi mo ba sasagutin yung tanong ko athena?" Biglang tanong kiel nang makahakbang na kami sa labas, hindi ko sya kayang lingunin dahil alam kong kapag lumingon ako sa kanya baka tuluyan na ngang mahulog ang loob ko sa kanya

Ayokong mangyare yun lalo na at magkasama pa kami ni Christian,  nilingon sya ni christian at tinignan ng masama "what are you talking about?" Seryosong tanong nito

"Wala yun, wag mo nang intindihin umalis na tayo" pilit kong iniiwasan ang anumang pwedeng mangyare kapag nagkabukingan, sobra akong naguiguilty sa mga ginagawa ko, kung may powers nga lang ako malamang minagic ko nang mabura ang feelings nilang dalawa para sakin para hindi sila nagkakaganito

At mas lalo na ako!

Sa bandang huli mas pinili na nga lang naming umalis sa lugar na yun at hindi sumunod samin si kiel, malamang talagang masasaktan yun sa ginawa ko, ano ba namang puso kasi to bakit ganito!

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay "are you sure your ok?" Makailang beses nya akong tinatanong mula sa byahe at hanggang dito sa bahay "oo ayos lang talaga ako salamat sa paghatid mag ingat ka sa byahe" hindi sa itinataboy ko sya kung hindi ayoko lang dumating sa puntong maitanong ang mga bagay na nangyare samin ni kiel habang nasa basement kami

Mukang nakumbinsi ko naman sya kahit papaano "ok if you say so basta kung guguluhin ka ulit ni kiel tawagan mo lang ako" seryosong bilin nito bago ako niyakap at sumakay ng kotse saka umalis

Pumasok na kami sa loob, at buti nalang at nakatulog na sila nanay dahil iniwan naman sakin ang susi bago sila umalis paniguradong magtataka yun kung bakit kami napaaga ng uwi kung magkataong naabutan namin silang gising pa

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now